BIR files tax evasion case against Ryan Bang

Nadiskubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nagbabayad ng buwis ang South Korean TV host na si Ryan Bang matapos ang isang “cursory check.” Kaya naman nagsampa sila ng tax evasion case laban kay Ryan sa Department of Justice (DOJ) kahapon, Enero 31, para sa total tax liability na nagkakahalaga ng P1.82 million. Wika pa ni BIR Commissioner Kim Henares, “If you earn an income in the country, you have to pay taxes.”


Sinampahan ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ABS-CBN TV host na si Ryan Bang para sa total tax liability na nagkakahalaga ng P1.82 million.

Kasama sa P1.82 million ang surcharges at interests ng mga hindi nabayarang buwis.

Ayon sa artikulong lumabas sa isang local dailly broadsheet ngayong araw, Pebrero 1, na-“curious” ang BIR kung nagbabayad ba ng sapat na buwis ang TV host, sa kabila ng sunud-sunod na proyekto nito sa Kapamilya network.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, nagsagawa sila ng “cursory check” o mabilisang pagsusuri.

Nadiskubre nilang hindi pala nakakapagbayad ng mga nauukol na buwis ang TV host, mula nang magsimula ito sa showbiz noong 2010 hanggang 2011.

Nagsimula ng kanyang career sa showbiz si Ryan sa ABS-CBN reality TV show na Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.

Matapos ang pagkakadiskubre ng mga hindi nabayarang buwis, pinadalhan ng notice ng BIR si Ryan.

Ngunit kahapon, Enero 31 ay pormal nang nagsampa ng reklamong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang BIR laban kay Ryan.


“FOLLOW THE LAW.” Mayroon naman daw working permit sa bansa ang It’s Showtime Host.

Iyon nga lang, ayon kay Commissioner Henares, “[he] failed to register each type of internal revenue tax for which he is obligated.”

Ang mga internal revenue tax na hindi nai-file ni Ryan ay income tax, percentage tax, at value added tax returns.

Noong 2011, isang tsekeng may halagang P852,274 ang natanggap ni Ryan mula sa ABS-CBN bilang kabayaran sa mga trabahong ginawa niya para sa mga kumpanyang tulad ng ABS-CBN Corp., KP & PR & EM, Inc., Summit Publishing Company Inc., at Studio 23 Inc.

Bukod pa rito, may nakatanggap din siyang P2.06 million mula sa ABS-CBN Corp., ABS-CBN Film Production Inc., at Studio 23 Inc., noong taon ding iyon.

Ani Commissioner Henares, “If you earn an income in the country, you have to pay taxes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Your revenues can be easily seen when you are a celebrity.

“You should be models for the citizens and follow the law.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN