Jasmine Curtis-Smith on sister Anne’s four million Twitter followers: “Yung iba ngang Hollywood artists, tinatalo pa rin niya, di ba?

Matiyagang hinintay ng TV5 ang pagtatapos ng pag-aaral si Jasmine Curtis-Smith. Kaya buong pagmamalaki naman niya ang gagawing show para sa Kapatid network. Kuwento niya: “Yes, I’m actually doing a show under my name, Jasmine. Yeah… di ba bongga?”


Maganda ang pasok ng Enero para sa Kapatid Princess na si Jasmine Curtis-Smith.

Malaki ang pasasalamat niya sa dalawang endorsement deals at isang bagong show sa TV5 na talagang kinonsepto para sa kanya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa launching ng Toblerone’s My Big Valentine last Tuesday, January 29, sa Seventh High, The Fort, Taguig City.

“Yes, of course. Ahm...ganoon talaga kapag you have a good management team,” nakangiting lahad ng little sister ni Anne Curtis.

Kasama ni Jasmine sa inilunsad na mga bagong amabassadors ng Toblerone ang kapwa niya TV5 talent na si Daniel Matsunaga.

A week before, inilunsad din si Jasmine ng isang beauty clinic bilang isa sa kanilang endorsers.

Pahayag niya sa PEP, “I am so much, very much blessed, to be given all these blessings within one month lang, di ba?

“Yung Toblerone siyempre, parang in time for Valentine’s day.

“But I won’t be here on Valentine’s Day, but Daniel will be here.”

Ngayong araw ang simula ng promo ng nasabing chocolate brand at ang mga magwawagi ay personal na makakadaupang palad si Daniel sa darating na February 14.

SISTER’S FOOTSTEPS. Marami ang nakapansin na parang sinusundan niya ang yapak ng kanyang Ate Anne lalo na ang pagkakaroon ng maraming endorsement deals.

Ano naman ang masasabi niya rito?

Aniya, “Yes, I am slowly catching all the endorsements that she has, but that being said, I am also trying, you know, to make my own name.

“And I’m so happy because people were able to separate the both of us, despite the similarities of our endorsements.”

Ano naman kaya ang masasabi niya na umabot na sa lagpas four million followers na meron ang kanyang ate sa Twitter?

Tugon ni Jasmine, “Nakakaloka! Kasi when she first reached 100 thousand, naloka na ako noon talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When she reached one million naman, I can’t believe it kasi parang siya yung first, di ba na naka-one million?

“Now that she has four million followers, parang nakiki-level up na siya sa mga Hollywood stars, e, na may mga ganoong followers.”

“Yung iba ngang Hollywood artists, tinatalo pa rin niya, di ba? So, I’m very, very happy for her.”

TV5 PRESENTS JASMINE. Isa sa mga ipinagmamalaki ng Kapatid Network si Jasmine bilang bahagi ng kanilang "Faces Of Five."

Kahit na paroo’t parito siya sa bansa ay ginawan ng paraan ng TV5 noon na mapaganda at matapos ang taping ng seryeng Ang Utol Kong Hoodlum.

Nagtatapos pa kasi ng kanyang pag-aaral si Jasmine noon sa Australia.

Ngayong 2013, isang bagong proyekto na naman ang kanyang gagawin na ayon sa kanya ay kakaiba sa kanyang mga nagawa na dati.

Pagmamalaki niya, “Yes, I’m actually doing a show under my name, Jasmine. Yeah… di ba bongga?

“And that it’s going to be a sitcom daw po. I’m very much excited pero we don’t start taping yet until March.”

VALENTINE’S DAY. Wala siya rito sa araw ng mga puso, pero masaya raw siya dahil kapiling niya ang pamilya.

Lahad niya, “I’m going to be in Melbourne, so, I’m going to spend it with my mom, brother…

“Because mom is actually preparing for her surgery. So, I’m gonna make sure that I’m going to take care of her.

“So, I’m not sure when I can come back in Melbourne after my February trip, so susulitin ko yung time na yun with mama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN