Derek Ramsay on Cristine Reyes: “Hindi ko kayang taluhin."

Ito ang sagot ni Derek Ramsay sa pagli-link sa kanila ni Cristine Reyes: "Hindi ako type nun.Wala akong nararamdaman na may gusto siya sa akin. Wala akong nararamdaman na ganun.”


Sa kabila ng sunud-sunod na mga intriga at pagsubok sa kanyang buhay, masasabi pa rin daw ng Kidlat star na si Derek Ramsay na mas marami siyang nailuhang “tears of joy” kaysa “tears of pain.”

“Kasi hindi ako umiiyak sa totoong buhay, e. I have more tears of joy than tears of pain and sadness. So, masasabi kong mas marami pa ring masayang bagay na nangyayari sa akin. I’m so blessed,” sabi ni Derek.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa thanksgiving presscon ng Kidlat kagabi, Enero 31, sa Carte Blanche restaurant sa Scout Borromeo St., Quezon City.

Isa nga raw sa pinagmulan ng tears of joy ni Derek ngayon ang Kidlat. Masayang-masaya siya dahil maganda ang naging pagtanggap ng mga tao sa pinagbibidahan niyang hero-serye sa TV5.

Tumataas pa ang ratings nito at padami nang padami ang commercial load kaya labis ang pasasalamat ni Derek.

“Yeah, I was kinda getting emotional watching the episode. Not that naiiyak ako sa mga eksena, I’m just really happy with the whole response and how successful Kidlat is.

“We have this thanksgiving dinner because we’re doing so well.

“You know, the whole move to TV5 hasn’t really been… you know, yung mukha kang pera, yung mga intriga na ibinabato sa akin.

“TV5 made it so easy by being so welcoming and so trusting. Hindi naman ako bato, of course it affects me.

“And now nakikita mo yung resulta ng ginagawa mo and TV5 is letting us know that they are happy and thankful for the success of the show. Nakakatuwa naman. So, for me that’s tears of joy.”

Ikinatuwa rin ng Kapatid actor na sa tuwing lumalabas siya ay Kidlat na ang tawag sa kanya, lalo na ng mga bata.

Sa nakaraan daw na Sinulog Festival sa Cebu at Dinagyang Festival sa Iloilo ay isa sa pinagkaguluhan ang float ng Kidlat kung saan suot ni Derek ang costume niya sa nasabing hero-serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa kasi hindi lang yung mga bata, yung mga babae ang lumalapit pati yung mga lalaki sinasabihan ako ng, ‘Astig!’

“Wala na ngang Derek Ramsay, ’Kidlat’ na ang tawag nila sa akin.

"Talagang na-shock ako nung nagpunta kami last weekend sa Palawan sa San Vicente, yung mga bata doon sa fishing village were all saying, ‘Kidlat! Kildat!’ Nakakatuwa!”

ON HIS LEADING LADIES AND FIGHT SCENES. Naipalabas na ang big scene kung saan nabaril at namatay si Lara, ang karakter na ginagampanan ni Nadine Samonte. Ano na ang mangyayari kay Nadine bilang leading lady? Makakabalik pa ba siya sa istorya?

“I don’t know wala pa kaming makukunan na bumalik si Lara. I don’t know what the plans are.

“Wala pa kaming nakukunan na babalik si Nadine. Kung babalik ba siya as kontrabida o babalik as leading lady, wala pa kaming nakukunang ganun.

“Ang alam ko now, ang lahat ng scenes ko is with Ritz [Azul] and doon magde-develop yung love interest ko kay Ritz.

“May balita nga rin daw na may isa pang ipapasok. Ang daming plano. The way they’re shooting, the way they’re delivering the scripts to us, para siyang yung episode ng Lost na pati kami hindi namin alam."

Ang Lost ay isang American TV series.

“I guess kung may baon na kayong ganun karami, they can keep on manipulating the story.”

Madadagdagan din daw ang mga makakalaban niya sa Kidlat bukod kina Baron Geisler at Wendell Ramos.

“Ang dami na nga. Balita ko may makakalaban din akong Taong-Apoy at Taong-Yelo na kambal na mga young stars ng TV5. Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sino sila.”

Sa fight scenes at stunts niya sa serye, saan siya pinakanahirapan?

“Ang dami, I mean, fighting in the suit is hard kasi nauubusan ka ng tubig sa katawan—15 pounds na ang nawawala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, mahirap to pinpoint which is the hardest one. Siguro yung pinakamahabang fight scene namin is yung kaming dalawa ni Wendell sa rooftop.

“Kita mo naman yung gulung-gulong namin doon. Pero si Direk Mike [Tuviera] naman is very concerned sa aming safety.”


SWEET NADINE. Sa kabila ng blessings, hindi pa rin nalalayo sa mga intriga si Derek. Nagpaliwanag nga siya sa isyung diumano’y tumatakas sila ng leading lady niyang si Nadine Samonte sa set para kumain sa labas.

“Hindi kami tumatakas, nagpapaalam kami ni Nadine. Lumalabas kami pag lunch break.

“Pag nandito kami sa area na ito [Quezon City], kumakain kami sa Taste of LA. Kasama namin sina Jerald [Napoles], Erika [Padilla], pati si Baron [Geisler].

“So, we go out like that. She’s a sweet girl, she’s very down-to-earth.”

Ano naman ang masasabi niya na ayon kay Nadine ay hindi pa raw alam ng aktres kung nanliligaw siya rito?

“Tingnan na lang natin kapag lahat tayo alam na natin. I’m getting to know her. I find her very interesting. I want to get to know her. Is it going to grow into something more than that? I mean, time will tell.”

Ano ang naging reaksyon niya nang tanungin siya ni Nadine kung may girlfriend siya?

“Sinabi ko sa kanya, I don’t have a girlfriend. I was very vocal about the person I was dating before,” pagtukoy niya kay Alexa Amos, ang non-showbiz girl na kanyang dini-date noon.

“Pero I don’t wanna talk about [it] until there’s something to talk about.”

Aware ba siya na may mga nang-aaway kay Nadine sa Twitter at nag-tweet sa aktres na, “Don’t you know he has a girlfriend?”

“Yeah, sinagot ko. Sabi ko, ‘Ey I don’t have a girlfriend.’ Nakuha ko rin yung tweet na yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I replied to their tweets. Actually, their following me and I’m following them, so tiniweet ko sila na I don’t have a girlfriend.

“Hindi naman siya inaaway. I think it’s more of like siguro their watching out for her, hindi siya inaaway.

“Yun nga warning her na baka I’m in a relationship. Kasi pangit nga yun na kung may girlfriend ako na may lumalabas na intriga na ganyan. It’s not nice for her. But sinagot ko naman yun, e.”

Ang hinahanap daw ni Nadine sa lalaking susunod niyang makakarelasyon ay husband-material na. Ano ang comment ni Derek dito?

“Talon kaagad sa ganun? Teka muna,” biro ni Derek. “Pero ako nga sabi ko dahan-dahan lang tayo. I wanna take it slow because the next one gusto ko na, yun na.”


ON BEING SEEN WITH CRISTINE. Tinanong din daw ni Nadine kay Derek ang isyu tungkol sa pagkaka-link ng aktor kay Cristine Reyes.

“Yeah, and sinabi ko magkaibigan kami. They’re good friends,” pagtukoy niya kina Cristine at Nadine. “Well, batchmates sila sa StarStruck.”

Muli ngang ipinagdiinan ni Derek na magkaibigan lang talaga sila ni Cristine.

“Cristine is a friend. I will announce that. Aa [palayaw ni Cristine] is a friend.

“And sabi ko nga, I won’t let whatever issues coming out affect our friendship. Ang friendship namin is, we’re very comfortable.

“Nag-aasaran talaga kami. Ganun lang talaga siya, para siyang laging galit sa mundo kapag ako ang kausap niya. And that’s it.”

Dahil kaibigan niya si Cristine, ayaw niya itong taluhin?

“Hindi ko kayang taluhin. Ayokong masira yung friendship. At saka hindi ako type nun.

“Wala akong nararamdaman na may gusto siya sa akin. Wala akong nararamdaman na ganun.”

Gaano katotoo naman yung nakita silang nag-dinner sa Aladin Fusion?

“That was in BF [Parañaque]. Yeah, we went out for dinner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lumabas ding picture nila sa isang blog. Pero may paliwanag dito si Derek

“Kasama namin ang kumuha nun. Pero naka-crop out siya. Si Darryl Dy, galing yun sa account niya. ’Tapos hindi siya isinama [sa picture].

“Ako naman sinasabi ko na I’m comfortable to be seen in public with her,” na ang tinutukoy niya ay si Cristine.

“Kasi she’s my friend. Yung dinner namin doon, very, very short time lang. Siya ang may alam ng restaurant na yun. So, kumain kami doon.”


SEARCHING FOR THE RIGHT GIRL. Matapos ng mga pinagdaanan niyang failed relationships, mas maingat na ba siya ngayon sa pagpili ng babaeng magiging karelasyon niya?

“Of course, I’m very, very careful. You learn from every mistake na ginagawa mo sa buhay mo.

“One thing I’ve learned is that, importante talaga sa akin is you really have to get to know the person more before you settle down.”

Ang six years ba nilang relasyon ni Angelica Panganiban dati ay hindi pa sapat?

“Six years is a very long time. I don’t consider the six years a mistake. Those were great six years.

“So, for me that’s not a mistake. Even though hindi nagkatuluyan, it’s not a mistake.”

Ano ang natutuhan niya sa naturang relasyon?

“You learn because you can’t say na in this relationship I’ll never gonna do that again. Kasi everybody is different.

“So, like I said, yung six years, it wasn’t a mistake. I learned a lot from her in life, in the showbiz world.

“She taught me a lot of things. And I hope meron din akong naibigay sa kanya.

“We’ll keep growing. We’re continuosly growing. And the next girl, dapat yun na yun, e. Tumatanda na ako, e. Dapat yun na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN