Nadine Samonte on Kidlat co-actor Derek Ramsay: “I want to know him more.”

"We’re on the stage of getting to know each other. Kasi sinabi ko sa kanya, I want to know him more," says Nadine Samonte when asked about the real status of her relationship with Kidlat co-actor Derek Ramsay.


Mariing itinanggi ni Nadine Samonte na tumatakas sila ni Derek Ramsay sa set ng Kidlat.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Kapatid actress matapos ang thanksgiving mass para sa Kidlat kahapon, January 31, nagtaka si Nadine sa nabanggit na isyu tungkol sa pag-alis-alis umano nila ni Derek sa taping ng show.

“Hindi kami tumatakas sa set. Ano kami, mga bata?” depensa ng StarStruck alumna.

“Nagpapaalam naman kami sa production at saka hindi lang kami yung naalis kapag lunch or dinner.

“Kasama rin si Baron [Geisler], minsan kasama rin yung ibang staff.

“Hindi kami naalis na kaming dalawa lang, lagi kaming may kasama.”

Dahil dito, natanong tuloy ng media si Nadine kung nanliligaw na sa kanya ang 33-year-old actor.

Sagot naman ng 24-year-old actress, “Hindi ko kasi masasabing nanliligaw siya kasi sinasabi niya na hindi siya marunong manligaw.”

Pagkatapos ay nilinaw niya ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Derek.

“Ang status kasi is we’re on the stage of getting to know each other.

“Kasi, sinabi ko sa kanya, I want to know him more.

“Ayaw ko na papasok ako sa isang situwasyon na parang kapag may negative about him, nasasaktan agad ako.

“Hindi pa ganun kabigat yung pagkakakilala ko sa kanya and baka maniwala kaagad ako na ganun pala siya.

“Gusto ko muna mabuo yung foundation no’ng being in a strong relationship, friendship muna.

“Mahirap pumasok sa isang situwasyon na after certain years, mababago na naman, ayaw ko ng ganun.

“Husband material na ang hanap ko.

“Sa ngayon, ang status is we’re getting to know each other, I’m happy and he’s happy.”

Kung sakali, maituturing ba ni Nadine na ‘husband-material’ si Derek?

“Husband-material in a way na responsible siya,” sagot niya.

“Siyempre, ako kasi ma-O.C. ako, mausisa na ako ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lahat ng bagay, tinitingnan ko ang lahat ng aspects, na dapat husband-material din siya pagdating sa ganitong bagay.

“Ewan ko kung bakit ako naging ganun ngayon, e.”


TAKING IT SLOW. Dahil sa Kidlat, nali-link ngayon sina Nadine at Derek sa isa’t isa. Naging matunog pa ito, matapos na makita silang naghalikan para sa show noon ng TV5 sa Dinagyang Festival sa Iloilo City.

Pero nilinaw naman ni Nadine na ang pagiging close nila ni Derek ngayon ay hindi para lamang sa kanilang fantaserye.

Dagdag pa ng dalagang aktres, “Hindi ako kasi ganun.

“Sa lahat ng mga naging ka-loveteam ko, kung ano ako, ‘yon ang pinapakita ko.

“Hindi ako yung parang just for the loveteam.

“Kaya nga sinasabi ko sa kanya, laging pinipilit na kami na, hindi pa nga.

“Kasi, kung kami, sasabihin naman namin, e.

“Bakit naman namin kailangang itago, e, pareho naman kaming single?

“At saka nandito naman na kami sa showbiz, kapag tinago mo, lalabas at lalabas din naman ‘yan, di ba?

“At saka kilala ninyo ako, honest ako pagdating sa ganyan, sasabihin ko talaga.”

Nakikita kaya ni Nadine na magiging mas higit pa sa pagiging magkatrabaho ang relasyon nila ni Derek?

“Hindi ko rin masasabi as of now,” sabi ni Nadine.

“Happy ako sa mga nangyayari ngayon.

“Pero kasi, I’m not in a hurry. Basta ganyan lang, okey lang sa akin.

“Kung mag-over man o dumating yung point na nakita ko at talagang naramdaman ko na he’s the one—he’s the one.

“Hindi ko alam, e. May ganun, e.”

Sa huli, tinanong ng media kung nararamdaman ba niya na espesyal para sa kanya si Derek.

Sumagot siya na tila nalilito, “Siguro? Kasi happy akong kasama siya, happy kami sa set, happy kami sa mga nakakasama namin, sa mga nangyayari.”

Pagkatapos ay natawa na lamang si Nadine, “Actually, ako yung naguguluhan na rin. Hindi ko na rin alam!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON CRISTINE REYES. Hindi rin naiwasan sa interbyu na matanong si Nadine kung alam niya ang tungkol sa pagkaka-link din kay Derek ng dati niyang ka-batch sa StarStruck na si Cristine Reyes.

Inamin niya na tinanong niya rin mismo kay Derek ang tungkol sa isyu na ito.

“Kailangan ko ring tanungin ‘yon,” ani Nadine.

“Kung may nangyayaring something sa kanila, ayaw ko ng ganun.

“I have to back-off, di ba?”

Para sa kanya, kung may namamagitan talaga kina Derek at Cristine, kailangan niyang umiwas.

Paliwanag niya, “Hindi ako takot na baka awayin niya ako.

“Ayaw ko lang pumapasok sa situwasyon na alanganin ako.

“Ayaw ko na dahil sa akin, nagkakagulo. Ayaw ko ng ganun. Iwas ako sa gulo.”

Pero sa ibang panayam kay Derek, nilinaw na nito na bagamat nakikita silang magkasamang lumalabas, magkaibigan lang sila ni Cristine.

Sabi pa ni Derek, “Hindi ko kayang taluhin. Ayokong masira yung friendship. At saka hindi ako type nun.

“Wala akong nararamdaman na may gusto siya sa akin. Wala akong nararamdaman na ganun.”

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN