Kuh Ledesma on interpreting Adele’s songs: “Yung mga kay Adele kasi mga hinagpis songs, e. Hindi bagay sa style ko.”

Ang opinion ni Kuh Ledesma sa nangyari sa singing voice ng Superstar na si Nora Aunor ay ito: “Smoking really ruins your vocal chords. I don’t smoke. I don’t have bisyo at all.”


Sa darating na Febuary 14, isang Valentine’s Day show na pinamagatang Love Matters ang handog ng Pop Diva na si Kuh Ledesma.

Gaganapin ito sa bagong bukas na Crimson Hotel Filinvest City sa Alabang, at makakasama niya dito bilang special guests sina Jose Mari Chan at Kris Lawrence.

Ayon kay Kuh, she’ll be celebrating her 35th year in the music industry ngayong taon. Nagsimula raw siya noong 1978 sa bandang Music and Magic hanggang maging solo singer noong early ‘80s.

“I’m going to sing a lot of new songs,” umpisang pahayag ni Kuh, kahapon, January 31 sa presscon niya sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City, nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung old songs ba ang repertoire niya para sa kanyang show.

“I’m also going to sing hit songs na na-record niya,” tukoy ni Kuh sa special guest niyang si Jose Mari Chan, na katabi niya during the interview.

Anu-ano ang mga new songs na kakantahin ni Kuh? Kakanta ba siya ng songs ng Grammy Award-winner na si Adele?

“Yung mga kay Adele kasi mga hinagpis songs, e. Hindi bagay sa style ko,” nangiti niyang sagot.

“Valentine’s show naman talaga, e... to set people in the mood for love.

“And I’d like to think that I have better choices of love songs now.

“And most of all, I’d like to pick songs na may messages talaga na maganda about love.”

Isa sa makakasabay niyang may show sa Araw ng mga Puso ay ang American Idol runner-up na si Jessica Sanchez.

“Iba naman hopefully ang crowd no’n,” eksplika niya.

Younger audience nga raw ang manonood kay Jessica Sanchez at ang crowd ni Kuh ay nasa above 30-year-old bracket na raw, komento ng isang kasamang writer.

“Oo, pero minsan may mga maliliit din kami na nakikita mo… But when I say my partner is going to be Jose Mari Chan, ‘Ay, talaga, si Jose Mari Chan?’ ang karaniwang reaction, that’s why kampante kami now,” banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Confident din daw sila na marami ang manonood sa kanila dahil sa hatak din ng veteran singer-somposer, na nagpasikat ng mga awiting tulad ng Please Be Careful With My Heart at Beautiful Girl.

Sabat naman ni Jose Mari Chan, “Kuh and I were planning to do Gangnam Style sana, but we changed our minds.” Ikinatawa ito ng Pop Diva.

HER TOP THREE FAVORITE SONGS. Anu-ano ang top three favourite songs ni Kuh?

“Not necessarily my own?” balik-tanong niya sa amin.

“Firstly, there’s “On My Way To You.” It’s a Barbra Streisand song. It’s really beautiful yung lyrics niya.

If I missed your smile… if I didn’t go there… You know I would have missed my way to you,” kanta pa niya. “It’s really an amazing song.

“And then, well yung sa Cats, of course, na “Memory.” It’s a powerful song.

“Three? “Ikaw,” by George Canseco. Ang music no’n si Louie Ocampo. It’s an amazing song.

Ikaw ang bigay ng Maykapal. Sagot sa aking dasal,” sabay kanta ni Kuh.

“Ang ganda ng lyrics. Upang sa lahat ng panahon, bawat pagkakataon ang ibigin ko’y… ikaw.

“He wrote that for his wife,” patungkol niya sa asawa ni George Canseco.

VOCALIZING WITH KUH. Totoo nga bang masarap kumanta sa banyo? Ginagawa niya rin ba ito?

“Do’n ako nagbo-vocalize with warm water. When I do my shower before my concert, that’s where I vocalize because it’s warm,” sagot ng Pop Diva.


THEY’RE SINGING MY SONGS. Ano ang masasabi niya sa young singers na kinakanta ang kanyang mga pinasikat na awitin?

“’Wag niyo ’yan tatanungin sa kin,” pag-iwas niya.

Sa tingin ba niya’y nabibigyang hustisya ng nga bagong singers ang kanyang mga kanta?

“Siyempre meron namang they do real justice to it. I feel very flattered when they sing my songs because I did good in those song,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga kanta siyang inaawit din ng Superstar na si Nora Aunor.

“Nora naman is a very able singer. She’s a very good singer. Tsaka magaling ang tono niyan,” papuri niya kay Ate Guy.

Napag-usapan tuloy ang nangyari sa boses ng Superstar na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik dahil hindi pa natutuloy ang operasyon sa lalamunan nito.

“That’s why we shoudn’t smoke,” giit ni Kuh.

“Smoking really ruins your vocal chords. I don’t smoke. I don’t have bisyo at all.”

Is she the type who avoids drinking cold water?

“It’s okay as long as I’m not doing a concert. If I’m not doing a concert tonight, okay lang.”

But enough sleep nga rin daw helps a lot pag kumakanta ka.

“Yes. Sleep is so important. When you have good sleep, sarap kumanta. Sleep is the best,” dagdag niya.

Banat uli ni Jose Mari, “... and when you’re in love,” na ikinatawa muli ng Pop Diva.

Sino naman ang ka-Valentine ni Kuh?

Isang malutong na tawa lang ang sagot niya sabay sabing, “I’ll be celebrating Valentine’s on stage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN