Marian Rivera on Dingdong’s plans for Valentine’s Day: “Naku, mukhang may binabalak siya... basta ang sabi niya: ’Sa akin ka sa fourteen!’”

Marian on topping her very successful FHM Philippines cover with more daring, sexier projects: “Ito na muna, this is it muna, ano muna... hinay-hinay lang.”


Hindi pa man lubos na magaling dahil sa sobrang pananakit ng ulo at stress sa trabaho, dumalo pa rin ang FHM Philippines January 2013 cover girl na si Marian Rivera sa FHM 150 Party na ginanap sa Republiq, Resorts World Manila last January 31, 2013.

Ang naturang event ay dinaluhan din ng mga tinaguriang FHM Icons – mga celebrities na naging cover sa naturang magazine mula nang ito’y ilunsad sa bansa.

Pero sentro ng pagtitipon ang pagrampa ni Marian sa stage kung saan muli niyang binanggit na limang taon pala siyang niligawan ng pamunuan ng magazine at finally, ito na raw ang rurok ng matagal nilang paghihintay.

MORE PROJECTS. Maganda daw ang bungad ng 2013 sa Kapuso Queen.

Bukod sa dalawang pelikula at ang top-rated na teleseryeng Temptation of Wife, may isa pa raw na bonggang pasabog si Marian next month.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, “Madami sa 2013, kasi dun sa Temptation of Wife bilang Chantal ay first time kong nag-flirt nang ganun.

“Then, itong pag cover sa FHM, tapos madami and by next month meron ulit akong cover na mas sexy pa.”

Hindi sinabi ni Marian kung anong magazine ang itinutukoy niya pero sa FHM ay ito lang daw muna.

Aniya, “Ito na muna, this is it muna, ano muna... hinay-hinay lang.”

TOO MUCH WORK. Nitong mga nagdaang araw, napabalitang bumigay daw si Marian dahil sa sobrang pagod.

Pero ayon sa twit ng kanyang manager, walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga nito dahil okay naman daw ang dalaga at nakapagpahinga na.

Masayang balita ng girlfriend ni Dingdong Dantes, “Oo nga eh, sa sobrang pagod, parang di ko nakayanan at sumakit ng sobra yung ulo ko. At least okay, okay na ako ngayon.”

Naka-neck brace pa nga daw si Marian pero nang dumating siya sa Republiq ay hindi na niya ito suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Okay na daw sabi ng doktor kasi masyado akong malikot.

“Basta mahabang proseso yung explanation pero ang importante niyan okay na ako at back to work na ako.”

Pasalamat niya sa mga nag-alala sa kanya, “Sa mga taong nagmamahal sa akin, yung lahat ng message niyo nababasa ko yan, pati sa manager ko... thank you sa mga pag-aalala niyo. Eto na ako, buhay na buhay na ako.”

SA AKIN KA SA 14.” Nalalapit na ang Valentine’s Day. May plano na ba sila ni Dong sa araw ng mga puso?

Kinikilig nitong tugon, “Naku, mukhang may binabalak siya... basta ang sabi niya, ’Sa akin ka sa fourteen!’”

Gusto daw nilang gawing pribado at hindi muna magdetalye sa gagawin nilang selebrasyon.

Paliwanag niya, “Kasi siguro, ano din... gusto kong maging private kung ano man yung binabalak niya, sa amin na lang din siguro... kasi sa mga nakalipas na ilang taon napaka-vocal naming dalawa.”

GOD-CENTERED RELATIONSHIP. Halos tatlong taon na rin ang relasyon nina Marian at Dong.

Ano nga ba ang sikreto ng kanilang long-lasting relationship?

Mabilis na sagot nito, “Si God... God-centered.

“Si God, kasi alam mo sabi nga sa Bible, ‘Man without a God, is nothing.’

“Kasi kung wala si God sa inyo, alam mo... walang mangyayari, kasi kahit gaano niyo pa kamahal ang isa’t isa, kahit gaano pa kayo ka-loyal kung wala sa puso niyo si God, wala talaga.”

Ano ba ang mga ginagawa nila para magampanan nila ang mga gawaing kasama ang Panginoon?

Lahad niya, “Siguro kahit simpleng dasal lang every night, bago kami kumain kapag magkasabay kaming dalawa... sa phone... so, kahit maliit na bagay na ganun, feeling ko nakakatulong talaga siya.”

FREELANCE DINGDONG? Sa mga naunang panayam kay Dingdong na lumabas din dito sa PEP, open ang boyfriend niya sa pagsasabing ngayong 2013 ay gusto nitong mag-level up pagdating sa kanyang mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit na ring matapos ang kontrata nito sa GMA-7, na ayon pa sa balita ay show contract lang ang pinirmahan nito at hindi network contract.

Itinanong ng isang TV5 reporter kung siya at open din sa mga ganitong klaseng work set-up?

Tugon nito, “Ay good! Sabi ko nga, malay mo sa ibang araw, ako naman ang gagawa ng pelikula sa kabilang istasyon, di ba? ... sa Star Cinema... kahit sa inyo [TV5].”

So, handa na ba siyang darating ang araw na maaring mahiwalay sila ng network ni Dingdong?

At hindi ba siya natakot sa ganitong scenario?

Sagot nito, “Hindi sa takot, e...

“Siguro thankful lang ako na nakikita nila yung mga oportunidad ni Dingdong, kung ano pa yung puwede niyang gawin.

“Siguro mas magiging happy ako para sa kanya kaysa matakot ako.”

RIGHT TIMING FOR ACTING AWARDS. Dahil nga sa paggawa ni Dingdong ng mga proyekto outside his home network, dalawang beses na itong nakakuha ng Best Actor award: sa Metro Manila Film Festival at sa Golden Screen Awards.

Siya kaya ay nangangarap ding magka-award?

Pag-amin niya, “Alam mo kahit sinong artista gusto talagang magka-award pero kung hindi mo pa talaga panahon, wala talaga.

“Naniniwala ako, tamang project talaga dapat... sa tamang proyekto... sa tamang timing, para sa award,” pagwawakas ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN