Baron Geisler on co-star, big brother and constant personal adviser Derek Ramsay: “Hindi ko alam kung Kristiyano siya o hindi, pero he leads by example.”

Baron on the growing awareness of Pinoy televiewers: “So far, wala pa namang humahabol sa akin na may itak or kumukurot sa akin. Ang masasabi ko ngayon matatalino na ang mga tao, na ang pinapanood na lang nila is yung performance, hindi sila nadadala na, ‘Ah, yan ang tunay na masamang tao.’”


“He’s really guiding me, wala akong masabi kay Kuya,” panimulang bungad ni Baron Geisler tungkol sa Kidlat co-star niyang si Derek Ramsay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron noong Huwebes, January 31, sa Thanksgiving mass and dinner ng Kidlat sa Carte Blanche Restaurant sa Quezon City.

Kuya ba ang tawag niya kay Derek?

“Hindi naman, I still call him Derek but yung attitude kasi namin sa bawat isa sa set, parang he’s acting as my older brother talaga, e.

“Na hindi lang older brother pero supportive one also.

“He guides me, he gives me advise... career pati sa personal na buhay, ganyan.

“Sabi niya, ‘Take risks, get a house’, or ‘Do something with your money.’

“Hindi lang yung... alam mo yun? Parang easy-go-lucky ka lang, kasi kahit papaano I idolize him, e.

“It’s not hard to idolize Derek Ramsay because he’s so successful. He has a good career, a good heart, he’s a good person.

“So, you know I wanna be, I wanna have what he has and I wanna... you know, be like him.

“So, he’s a good example not only to me but to... you know, the kids around dito sa Pilipinas.

“So talagang nakakatulong rin yung panonood nila kay Kidlat dahil hindi lang sa TV si Kidlat mabait.

“I mean... you know, Derek Ramsay himself is idol talaga, e... wala akong masabi,” pagpugay niya sa Kidlat lead star.

Kung si Derek ay tinatawag na Kidlat kahit saan siya pumunta sa totoong buhay, si Baron naman daw ay tinatawag ding Vincent, na karakter niya sa naturang fantaserye ng TV5…

“Hindi nga sila galit sa akin, e. Natutuwa nga ako dahil siguro I’m the villain that you would love to hate,” masayang kuwento ni Baron.

“Like kanina, kumuha ako ng lisensiya sa Pampanga... E, I’m very tired, ang aga ko nagising...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tawag sa akin, ‘Vincent! O, anong gagawin mo kay Kidlat?’

“Tapos sabi ko sa kanila, ‘Papatayin ko si Kidlat!!!’

“Magtatawanan silang lahat! ‘Vincent, kumusta na wheelchair mo? Tol, idol!’

“So, ang ganda. Wala naman... hindi siya mixed reviews.

“So far, wala pa namang humahabol sa akin na may itak or kumukurot sa akin.

“Ang masasabi ko ngayon matatalino na ang mga tao, na ang pinapanood na lang nila is yung performance, hindi sila nadadala na, ‘Ah, yan ang tunay na masamang tao.’

“So, the Filipino audience now are very smart na, e... educated.

“So, ang masasabi ko lang, I’m very happy na ganun na ang manonood natin ngayon dahil naa-appreciate nila yung pinaghihirapan naming craft,” pasasalamat niyang tugon.

Naka-wheel chair ang character niya as Vincent sa Kidlat pero may possibility na magkaroon sila ng fight scenes ni Kidlat.

“Ah meron... abangan na lang natin, makakatayo din naman ako.

“Abangan na lang yung proseso kung paano ako makakatayo, kung ano yung gagawin ko,” dagdag niya.

CLOSURE WITH DIVINE. Sa recent isyu niya kay Divine Lee, paano siya tinulungan ni Derek?

“You know, he just told me to, “Oh, you do this. Tawagan mo si…’

“This is very personal but I’ll share it with you, guys. Sabi niya, ‘Tawagan mo [si ganitong tao],

“‘Ganito, ito ang sabihin mo, set-up a meeting. Magkita kayo, kausapin mo, mag-promise ka na hindi mo na uulitin.’

“Alam mo yun? Parang, why would he do that? He’s Derek Ramsay, e... paki niya sa akin, di ba?

“‘Magkalat ka diyan, wala akong pakialam!’

“Hindi tulad ng ibang aktor diyan na ‘Bahala ka sa buhay mo! May kompetisyon tayo!’

“Siya hindi. Talagang totoong tao siya,” muli niyang paghanga sa co-star.

Sinunod niya ang payo ni Derek?

“Ah, oo naman, of course. Tinawagan ko,” amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEREK THE ADVISER. “Adviser nga, e. Ang suwerte ko, di ba? Derek Ramsay yun, mag-a-advise sa iyo, nakakahiya naman kung hindi ko pakikinggan, e... may makita siyang parang hindi ko binibigyang-halaga.

“Ayoko siyang mapahiya, e.”

Pinapagalitan rin siya ni Derek?

“Oo! Pag may sablay naman, di ba?

“Kahit minsan, kung may joke na sobra, yung parang... hindi lang ako, he’s just very straightforward to everyone. Like, if parang foul ka na, he will let you know.

“Kasi he’s a man of class, very educated, so you know... he guides me well, e... ang galing!

“At tsaka yung pag-guide niya hindi nakakainis na, ‘Ang yabang naman nito, akala mo kung sino!’

“Hindi e, may tama talaga e, tama siya.”

Ina-idolize rin ni Derek si Baron bilang aktor; humihingi ba si Derek ng pointers sa kanya sa pag-arte?

“No, no! I believe he’s just saying that, he’s just putting in a good word because he’s a good actor as well, he has depth and may sarili rin siyang style, e.

‘Suwabe... Mr. Suwabe yan e, si Derek.”

FUN AFTER WORK. Pag magkaeksena sila, nagkakagulatan na lang sila?

“Oo, ang ginagawa lang namin, we prepare. Hindi kami nagkukulitan pagka may mga iyakan na eksena, seryoso.

“Pero after that, kulitan na naman, laro na naman sa set. Yung mga sagu-sago, makulit yan, e... parang bata rin yan, e.

“Yung parang Zagu, aanuhin niya yung mga kotse, titirahin niya yung mga kotse, tapos didikit.

“Tapos one time, yung paa ni Nadine naman, tumama sa tsinelas ni Nadine, pumutok, yung sago na pumuputok!

“So nandiri [si Nadine], nagtawanan kami sa set, may picture pa kami sa Twitter, piniktyuran namin.

“Ibig sabihin we’re just having fun din sa set aside from like really being serious sa work namin, nage-enjoy din naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumalabas din sila nina Derek at Nadine Samonte (na leading lady sa Kidlat) during lunch or dinner break.

“Magyayaya na yan. ‘O, tara, punta tayo sa Party Bus!’”

Ang Party Bus ay ang malaking van daw ni Derek.

“Sakay kami sa bus niya... leader nga, e... he leads by example, e, that guy.

“Hindi ko alam kung Kristiyano siya o hindi naman pero he leads by example. So sasakay naman kami nina Nandine.

“Tapos papakainin niya kami, dadalhin niya kami sa mga restaurants... kumakain kami, lunch... ‘O, lunch tayo sa labas.’”

ADVICE ON PERSONAL MATTERS. Ang advise sa kanya ni Derek na kumuha na ng bahay, na noon pa naman talagang plano ni Baron, sinunod na ba niya?

“Nag-iipon pa ako at tsaka naghahanap pa ako ng... I was going to get this house pero parang masyadong malayo, tapos medyo hindi siya ganung kagandahan.

“So, siguro mag-iipon pa ako ng konti para makuha ko yung talagang gusto ko.

“Humble naman yung itsura pero yung medyo maayos naman.”

Wala pa raw sa fifty percent ang naiipon niya na pambili ng bahay.

“Wala pa nga po, e... so, talagang kailangan kong ayusin, e.

“Para tuluy-tuloy na ang trabaho ko, sana sa TV5, di ba, sana,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN