Saab Magalona on why she prefers a non-showbiz boyfriend: “Parang magulo ang buhay ng artista, e. Nangingialam ang fans, especially.”

Saab explains why non-showbiz guys appeal more to her: “I think I just have more in common with ’normal’ guys”


“He’s in Marketing, in Del Monte. Pero he’s also in a band, they’re called Ernville,” umpisang kuwento ni Saab Magalona tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend of two years.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Saab kahapon, February 1, sa taping ng Forever ng GMA-7 sa Philippine Coconut Authority building sa Quezon City.

NO SIBLING RIVALRY. Ayon kay Saab, wala raw silang sibling rivalry ng nakatatandang kapatid niyang si Maxene Magalona.

“None at all. Kapag nag-aaway man kami, it’s because... dati ang mga pinag-aawayan namin, very mababaw.

“Like pag sinuot ko yung bagong bili niyang damit na hindi ko ipinagpapaalam.

“E, kasi wala na akong maisuot, e... hindi kasi ako nagsa-shopping e,” ang tawa ng tawang kuwento ni Saab.

Magkasukat sila sa damit ni Maxene.

“E ayun, nag-away na kami ng ilang beses dahil dun.

“Tapos, like pag siya naman ang nagsusuot ng damit ko, wala akong paki, kasi puro luma naman yun, walang akong bagong bili.

“Since nag-away na kami ng siguro mga ilang beses na, hindi ko na ginagawa,” at muling natawa si Saab.

Pero hinding-hindi raw sila nag-away o nagkatampuhan ng dahil sa boys.

Never daw silang na-attract sa iisang lalaki.

“Ay, wala! Na kaming pareho? Wala, wala, wala... never!”

NO TO SHOWBIZ BF? Hindi pa nagkaroon ng boyfriend na taga-showbiz si Saab.

“I dated before pero hindi ko naging boyfriend. Dating lang.”

Ayaw ng sabihin ni Saab kung sino ang tinutukoy niyang showbiz guy.

“Luma na yun, huwag na nating banggitin iyon.”

Ayaw niya ng karelasyong artista.

“Not that I’m stereotyping pero I just feel like, hindi ko alam, e.

“Parang magulo ang buhay ng artista, e,” at muli siyang natawa.

“Nangingialam ang fans, especially.

“Lalo na, imagine mo di ba, kapag may boyfriend kang taga-showbiz, nakatatak na yun sa utak nila, na kayo forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kunwari, Britney Spears ’tsaka Justin Timberlake, ‘Forever na kayo, nag-break kayo, kayo pa rin ang gusto namin.’

“Kahit kasal na siya kay Jessica Biel gusto pa rin ng mga tao, Britney Spears.

“So factor rin yun, pero ayun... I think I just have more in common with ’normal’ guys,” sabay-tawa muli ni Saab.

THE ART OF LETTING GO. Sa Forever, ang papel ni Saab ay bilang si Leila na malapit kay Adora (Miss Gloria Romero) na hindi niya alam, kapag bumabata ay nagiging si Heart Evangelista at kaagaw niya sa boyfriend niyang si Patrick played by Geoff Eigenmann.

Sa tunay na buhay, halimbawang may taong malapit sa kanya na magmamahal sa boyfriend niya, paano niya iyon haharapin?

“Masakit yun pero I feel like if it was my sister, totally pakakawalan ko yung lalaki,” pag-amin niya.

Maggi-give way siya?

“Siyempre, kasi especially sa situation namin ni Patrick [Geoff] and Leila [Saab’s character], kung in real life, kung ayaw na sa akin nung lalaki, bahala siya.

“Kasi hindi talaga nasa ugali ko na manghabol talaga... kasi alam mo yun, parang through years of experience... dating people... parang its really, it’s not worth it.

“Kasi kung ayaw sa iyo, just let go! You’re not supposed to bash the person, you’re not supposed to hate him.

“Just let go because if you like him, if you love him, di ba?

“It’s cliché pero just set him free,” makabuluhang saad ng dalaga.

BIG SISTER, BIG ADVISER. Bilang ate ni Elmo Magalona, nakikialam ba si Saab sa lovelife nito?

“Hindi, never! Kasi hindi ka talaga makakapag-control ng tao, so you can only control yourself.

“So, ako what I do is I’m a very good ate. Like, I make him feel na ’I’m just here if you need advise.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, tapos kung may problema man siya sa kahit anong girl problems niya, kausapin lang niya ako.

“Bibigyan ko siya ng totoong opinyon ko, pero hindi ako mangko-control.

“Ganun din ako kay Max, kahit siya yung ate ko,” ang natatawang sinabi pa ni Saab.

Natsitsismis si Elmo at Lauren Young na diumano ay may relasyon.

“Lauren kasi is a really good friend of mine pero hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga balitang ganun.

“Siguro kasi laging magkasama, pero dahil barkada ko si Lauren, parang she’s one of my best friends, so…

“Hindi sila! Natsitsismis, tsismis... kaya nga tsismis, e,” paliwanag niya.

Pero kung magkatotoong magkakarelasyon ang dalawa, boto ba siya kay Lauren para kay Elmo?

“It’s going to be hard because she’s my friend, so kunwari like if it happens tapos hindi magkatuluyan, it’s going to be hard siyempre to…

“Of course, pipiliin ko yung brother ko, kung dumating sa time na kailangan kong pumili.

“Pero it’s going to be hard to let go of a friend, kasi siyempre you have to cut all ties, di ba? Para makapag-move on.

“Pero I really like Lauren, like she’s really down-to-earth and very, alam mo yun, walang ounce of... actually siguro hindi ko alam kung good yun or bad, pero wala siyang ka-showbizan sa katawan niya.

“Taung-tao talaga siya,” papuri niya sa kaibigan.

Humihingi ba si Elmo ng advise sa kanya?

“Hindi, hindi talaga. Ang pinag-uusapan namin ni Elmo, mga video games.

“Andun pa rin siya. I’m so happy na ganun lang siya.

“Si Elmo rin, yun ang gusto ko sa kanya... kahit na he has a lot of screaming girl fans, sobrang very... hindi niya alam, parang hindi niya alam na guwapo siya, parang ganun,” at tumawa muli si Saab.

“Parang he’s very, he’s still into video games, imbes na lumabas siya sa gabi, magge-games lang siya sa laptop niya,” pagtatapos niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN