Derrick Monasterio reveals that Barbie Forteza was his very first passenger in his brand new car

Derrick doesn’t see Bea Binene as a threat to his enduring loveteam with "special friend" Barbie Forteza


Abot tenga ang ngiti ng Paroa actor na si Derrick Monasterio nang eksklusibong nakapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng nasabing telefantaserye sa Tagaytay.

Ito ay dahil sa dala niya ang kauna-unahang mamahaling sasakyan na naipundar niya mula sa mga kinita niya sa showbiz: isang black na 2013 SUV Montero.

“Yeah, sobrang happy ko talaga,” panimulang kuwento niya.

“Iba talaga yung feeling na sa age ko (17 years old), e, may nabili na akong ganito.

“Hindi man siya cash nabili, at least, yung pinaghihirapan ko, may kinapupuntahan.

“Last week lang ’to na-deliver, pero, nandun pa rin yung sobrang excitement ko. Dati, nakatingin lang ako sa expensive cars na nakikita ko noon... ngayon, I have my own na.

“I think I owe it to my mom (Tina Monasterio). Kasi, siya talaga yung nagpu-push sa akin na bumili nito.

“Kasi, sabi nga niya, habang maganda yung opportunities na dumarating sa akin now, dapat nagse-save ako for this.

“Magaling din kasi siya sa finances kasi meron din siyang sariling business.”

FIRST PASSENGER. Naging curious tuloy ang PEP kung sino ang unang naisakay niya sa nasabing Montero.

“Si Barbie (Forteza). Dinala ko ’to sa taping tapos nung makita niya... yun, takbo kaagad siya, sakay kaagad siya. Yun... siya unang nakasakay,” mabilis niyang sagot.

“Excited din siya. Alam niya na matagal ko na gustong makabili ng sariling car. Kaya happy din siya for me. At least, di na napupunta sa gadgets lang yung pera ko.”

Halata na iba ang smile ni Derrick kapag si Barbie ang napag-uusapan. Mukhang pataas na ng pataas ang level ng closeness nilang dalawa.

“Yeah,” pag-amin niya.

“Siguro mas lalo ko pa siyang nakikilala ngayon simula nung Tweenhearts pa. Siguro konti na lang yung di ko alam sa kanya kaysa sa alam ko.

“Super close kami. Yung tipong best friends kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Special siya sa akin. Special friend.”

Special friend na puwedeng mauwi sa pagiging girlfriend niya?

“Hindi muna ngayon. Work muna kami naka-concentrate. Bata pa naman kami. Importante pareho naming mahal ang work namin.

“Wala muna akong plans na ligawan siya,” paglinaw niya.

COOKING FOR TWO? Pero, totoo bang ipinagluluto niya si Barbie ng favorite food nito? Nagte-take siya ng extra effort para ipang-grocery pa ito.

“Minsan nagkayayaan kami. Well, yeah.

“From Party Pilipinas kasi, wala na ako gagawin. Siya naman that time, free din. So, gano’n.

Nag-grocery kami kasama Mom niya, then, punta kami sa condo nila.

“Actually, kaming dalawa ang nagluluto... mga pasta.

“Yun madalas naming lutuin. Pero, gusto rin naming i-try na magluto ng pastries. Yung gano’n.

“Akala ko nga magaling siyang magluto. Pero, ako pa rin yung in control.”

Ano ang reaksyon ng parents nila tungkol dito? Yung tipong too close for comfort na silang dalawa.

“Wala. Wala naman silang reaksyon. Ang saya naman nila. Alam nila kasi na wala naming kaming ginagawang masama,” eskplika ng binata.

“We’re having fun naman together. Yung mommy ni Barbie lagi naman niyang kasama. Mommy ko naman kahit bihira sumama, may tiwala naman siya sa akin.

“Pag wala akong work, nakikita niya nakikipag-basketball lang ako sa old friends ko.”

THREAT TO LOVETEAM? Mukhang magkakaroon ng threat sa kanilang loveteam soon. Si Bea Benine ang makaka-partner niya sa new show niya sa Kapuso Network, ang Vampire ang Daddy Ko.

“Di naman siguro,” pagtanggi niya. “Kasi si Bea dati ko namang ka-trabaho at friends sila ni Barbie.

“Masaya ako na yung makaka-partner ko, dati ko na din kasama.

“Yung show na yun sa work din lang ako magpo-focus kaya wala namang mangyayaring ligaw-ligawan. So, I don’t think may any threat.”

For the first time makakasama niya ang comedy idol na si Vic Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga. Sobrang excited talaga ako,” bulalas niya.

“Idol ko talaga si Bossing.

“I’m sure, dami akong matututunan sa kanya na technique sa comedy acting. Iba siya. Idol ng lahat.

“Mas sanay ako sa drama. This time, ibang style of acting ang mae-experience ko. Feeling ko, kung mahirap ang drama, mas mahirap ito.

“Parang feeling mo na naglalaro ka lang pero, hindi e. Yung timing mo. Yung pag-throw mo ng lines. Yun ang titingnan sa ’yo, e.”

Ano naman kaya ang baon niya sa pagku-comedy?

“I think, yung pagiging spontaneous ko. Pero, yun pa rin ang gusto kong matutunan kasi mahirap yun.

“Pag kaharap ko non-showbiz friends ko, minsan sa biruan, kantiyawan... nagiging spontaneous din ako. Siguro yun... Makakatulong yun,” pagtatapos ng batang aktor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN