Baron Geisler on being compared to Johnny Depp and Heath Ledger: “Napakagandang compliment nun... it’s an honor na yung mga idols ko nakukumpara ako sa kanila.”

So far, Baron has established a good working relationship with his female co-stars. He says: “Yeah! Awa ng Diyos, wala pa namang nagrereklamo, wala pa naman akong lawsuit.”


May ginagawang “pag-aayos” sa sarili si Baron Geisler para magtuluy-tuloy na ang pag-aartista niya.

“Well, of course I try to stay fit pero lately, gym nga ako ng gym pero yung addiction ko naman, napupunta sa pagkain,” sabay tawa ng aktor.

“Kaya nga kanina nanonood ako ng show namin, medyo nagkaka-double chin na pala ako,” sinabi pa ni Baron nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Thanksgiving mass and dinner ng Kidlat ng TV5 sa Carte Blanche Restaurant sa Quezon City nitong Huwebes, January 31.

FOOD TRIP. Health buff si Derek Ramsay na bida sa Kidlat at co-star ni Baron. Hindi ba siya isinasama nito sa gym?

“Hindi, pero binibigyan niya ako ng pointers kung ano ang dapat gawin,” kuwento ng Kidlat kontrabida.

“Pero siyempre nasa akin na lang yun, e. Kahit na anong training mo, pag wala kang disiplina naman sa pagkain...

“Minsan nga, natutuwa nga ako diyan kay Derek, e. Meron kaming minatamis, kakain kami ni Nadine [Samonte, Kidlat’s leading lady], walang pakialam yang si Nadine. Ang sarap kasama kumain niyan.

“Kaming dalawa kakain, biglang kukunin na ni Derek [ang minatamis], mag-iisip yan ng ilang segundo, tapos ibababa niya... aalis.

“Ibang klase ang disiplina niya, e.”

Hindi ba siya nahahawa sa disiplina ni Derek sa pagda-diet?

“Hindi, siyempre pagkain... ang sarap, e,” sabay tawa muli ni Derek.

GOOD VIBES WITH CO-STARS. Kabarkada nila si Nadine, magkasundo sila, at kahit si Ritz Azul, in an interview ay puro magagandang salita ang sinabi tungkol kay Baron.

Ibig sabihin ay nakakasundo niya ang mga female co-stars niya.

“Yeah! Awa ng Diyos, wala pa namang nagrereklamo, wala pa naman akong lawsuit,” at muling natawa si Baron.

Wala siyang nararamdamng pagkailang mula sa mga babaeng co-stars niya.

“Wala! For the first time akong nagtrabaho. Kasi siyempre alam naman nila na reformed naman ako, galing akong rehab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita naman nila yung efforts ko, na kapatid ang turingan namin sa set, so walang malisya.”

NON-SHOWBIZ GF. Napag-usapan naman ang tungkol sa non-showbiz girl na espesyal sa buhay ni Baron ngayon.

Sa simula ng usapan that night ay itinanggi ni Baron nang tanungin namin kung may M.U. (mutual understanding) na sila…

“Well, we’re good friends,” saad niya.

“We’re getting there. Inspirasyon nga hanggang ngayon. She helps me, reminds me with my medication.

“Kasi I still take my meds, she reminds me and you know, she tells me all the time to stay away from drinking.

“She supports me and keeps me aware with my ambitions, ‘O, ito yung gusto mong ma-achieve, if you wanna be like Derek, if you wanna have what Derek has, you should do this, you should do that.’

“’You shouldn’t be going outside and hanging-out with these people. You should be focused.’

“Ganun siya.”

Hindi siya iniwanan ng naturang babae kahit nagkaroon ng krisis sa buhay niya.

“Andun pa rin siya. So, ibig sabihin she’s a really good friend .

Good friend lang?

“I mean, you know hindi niya ako iniwan, e. Basta we’re just taking things slow and we’re supporting each other.

“We don’t wanna put a label sa relationship,” paliwanag niya.

Kilala nina Derek at Nadine ang girl dahil dumadalaw ito sa set ng Kidlat.

Hindi ba siya pinapayuhan ni Derek tungkol sa girls?

“Nung nag-away kami ni M.U.”

Dito ay biniro na namin si Baron na nadulas siya at umamin na ka-M.U. na nga niya ang naturang babae.

“Ay, patay! Hindi, hindi, hindi! Ikaw ang nagsabi kasi! Yun ang sinabi mo,” ang tawa ng tawang buwelta sa amin ni Baron.

“So anyway, hindi... you know Derek just said, ‘You know, be a gentleman, huwag mong kulitin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil minsan may kulit factor ako, e... ‘Pagkatapos mong tawagan ng once, pag hindi sumagot... Bro, c’mon! Be a man.’

“Parang ginaganun ako ni Derek. Yung kumbaga, tough love ang binibigay sa akin ni Derek, e...

“Na parang, hindi naman niya ako binebeybi, e... tough love talaga, e. May asaran din naman kami sa set, e.

“Minsan nga natatakot ako, hindi ko alam kung, ‘Totoo ba yung galit nito?’ Hindi ko rin matimpla minsan.

“So, ’yon, he tells me, you know... what a guy should do, or what is the right thing to do.”

Hero niya si Derek…

“Well, I could say somehow... yeah, somehow! Because you know Derek has been fighting for me, in this show. Like, nagkaroon ng isyu... pinaglaban ako ni Kuya [Derek], e. Ipinaglaban niya ako.

“Na parang, ‘Hindi, pagbigyan natin si Baron.’

“And that’s very true, kaya I really owe Derek.”

Ibig ba niyang sabihin ay muntik na siyang matanggal sa Kidlat?

“Hindi, because you know... of the incident, yung mga ano... hindi ko alam kung muntik akong maalis but you know.

“Nagkakaganunan na yung mga bossing, na parang, ‘Ano ba naman itong si Baron, pinagbigyan na nga natin, ganito pa.’

“And you know, Derek stood up and said na parang iyon... ipinaglaban ako na, ‘I think he deserves another chance.’

“Iyon,” diin niya.

Hindi exclusive contract star ng TV5 si Baron, pero umaasa siya na magkaroon pa ng magandang acting opportunities pagkatapos ng Kidlat. Si Arnold Vegafria ang manager niya.

“Sana nga, e! Per show, e... well, sana magustuhan nila ang trabaho ko,” asam niya.

INDIE MOVIE. Bukod sa Kidlat ay may indie movie siya with Dennis Trillo and Meryl Soriano, ang Sapi.

“It’s a good movie, man! I’m praying we go to Cannes or a festival abroad kasi gusto ko talagang... malay mo makasama ko si M.U. sa festival, e,” at tumawa muli si Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa ba siya sa awards this year?

“I don’t know, e. I’m really not focusing on that right now kasi I think I shouldn’t focus on that.

“I think for me you should forget about the awards and move forward, e.

“Kasi you cannot parang think of the past na, ‘Oh, nagka-award ako, I’m good!’

“Kasi mage-evolve ang lahat, e.

“Ang teleserye nage-evolve... nage-evolve ang acting, nage-evolve yung craft natin, so kung yung style na ginamit mo noon gagamitin mo pa rin, as an artist hindi ka rin mage-evolve.

“So, for me I just take one project at a time and I really put my heart into it and I prepare talaga for it.”

KAPATID FOR GOOD? Ikinumpara siya ni Derek kay Johnny Depp. Ang TV5 executive naman na si Perci Intalan ay inihalintulad siya kay Heath Ledger.

“Of course it’s such a great honor! Napakagandang compliment nun, it’s an honor na yung mga idols ko nakukumpara ako sa kanila.

“So you know, I’m very thankful na napapansin nila yung efforts ko.”

What if after ng Kidlat ay kunin siya ulit ng ABS-CBN?

“Well you know, I’m falling in love with TV5. But who knows?

“I cannot really say, e. Depende yan kay Arnold Vegafria, e... siya ang nagde-decide, but if … hindi ko pa masabi, e... but sana tuluy-tuloy.

“Sana, you know... ang sarap ding mag-stick to one muna, alam mo yun?

“So, kung magustuhan nila [TV5] ang trabaho ko, magustuhan nila ako as an artist at kunin nila ako, na sabihin nating bigyan ako ng kontrata, I think I will definitely say yes,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN