Nadine Samonte reveals identity of her date on Valentine’s Day

Ayon kay Nadine, nagkaroon siya ng masugid na manliligaw last year— isang male star mula sa ABS-CBN. Pero dahil ayaw daw niya sa artista, binasted daw niya ito.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine Samonte nitong Huwebes, January 31, sa Thanksgiving mass and dinner ng Kidlat ng TV5 sa Carte Blanche Restaurant sa Quezon City.

Unang itinanong namin kay Nadine ay kung naalok na ba siya para maging cover girl ng FHM Philippines.

“Ilang beses na po!”

Hindi raw siya pumayag.

“Siguro masasabi kong hindi pa ako ready, and ayaw ng family ko, very conservative ang family ko kasi,” paliwanag ng Kidlat leading lady.

Kung siya ang magdedesisyon?

“No, kasi parang... sabi ng family ko kasi, okay na mag-pose ka na sexy kung may mga theme or yung parang theme na sailor ka…”

May theme naman ang photoshoots ng FHM, banggit namin.

“Yeah, pero it’s still a men’s mag,” mabilis nitong sagot.

Kung pambabaeng magazine naman daw tulad ng Cosmopolitan magazine?

“Yun, okay siya.”

“Yun yung ano ng family ko... na okay lang mag-two-piece ka... okay lang, huwag lang sa men’s mag,” diin niya.

Nag-two piece na raw siya sa ilang eksena dati.

“May mga scenes lang, mga shots lang na mabilis, ganun lang.

“Pero hindi pa rin ako comfortable,” naiilang niyang pag-amin.

LOVE SCENES. Marami na raw siyang nagawang love scenes at ang pinakagrabe…

“Yung sa amin ni Leandro [Muñoz] sa The Sisters [TV5].

“Yun ang natatandaan kong pinakagrabe,” balik-tanaw niya.

Sa Kidlat naman ay may love scenes rin sila ni Derek Ramsay.

Aniya, “Okay lang, mas mild, yung very, mas tame lang.”

Marami ang nagpapantasya kay Derek.

“Pansin ko nga, e,” sabay tawa ni Nadine.

“Ako kasi yung taong hindi ako tumitingin sa labas. Kahit sinasabi nilang ‘Uy, ma-muscle! Uy, ma-abs, uy, guwapo!’

“Ako yung bulag na tao, feeling ko, e,” at muling tumawa ang aktres.

“Kasi ang tinitingnan ko yung ugali. Kasi sa akin kung maganda yung ugali mo, maganda rin yung ikaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BASTED! Maraming nanliligaw kay Nadine ngayon, isa na rito ay isang male star mula sa ABS-CBN na ayaw i-reveal ni Nadine kung sino.

“Nabasted ko na siya!” bulalas niya.

Dahil?

“Actually, pumupunta siya sa house talaga para manligaw,” kuwento ni Nadine.

“Sobrang very gentleman siya pagdating sa ganun, kasi talagang pumupunta siya sa house sa Laguna, may dala siyang flowers.

“Nakilala niya si mommy, okay naman siya kay mommy.

“Tapos nung may stage play ako sa UP, nagpapadala siya ng maraming food. Darating ako sa backstage meron na akong food doon.

“Mabait siya kung mabait, ang ano lang kasi...

“Nung time na nagde-date kami, magkasama kami, parang gusto ko nga kasi sa isang... di ba sinasabi ko nga lagi, ayoko na ng showbiz.

“Ang hirap kasi ng showbiz.

“So, sabi ko sige, let’s try it kasi at least mabait naman yung tao tapos nag-e-effort naman siya talaga.

“So, why not give him a chance, di ba?

“So nitong lumabas kami, parang yung naramdaman ko na pinapakita niya sa akin na totoo siyang tao pero in a way na meron nang showbiz effect, yung ganun.”

Na niligawan siya dahil artista rin siya?

“Hindi naman, hindi ko naman naramdaman yun sa kanya.

“Yung parang pag magkasama kami sa mall, na marami kami... parang pinapakita niya sa tao na, ‘Artista ako!’

“Yung ganun. Ayoko nung ganun,” paliwanag niya.

Kaya binasted niya ito…

Pero hindi raw ito agad huminto sa panliligaw.

“Ayaw niya, nasaktan daw siya,” patuloy niyang kuwento

“Tapos, nanligaw ulit siya, hindi siya tumigil. Binasted ko ulit siya, ayoko talaga.

“Binigyan ko ng chance ulit pero iba e, iba yung feeling na ano, e. Kasi iba yung nagpapakatotoo ka sa sarili mo.

“So, ayoko nung ganun,” ulit niya.

Huminto na eventually ang guy sa panliligaw kay Nadine.

Nitong nakaraang November lang naganap ang pambabasted ni Nadine kay male star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw sinabi ni Nadine dito kung ano ang dahilan ng pambabasted niya.

“Wala, sabi ko I’m not yet ready,” paglinaw niya.

Ngayon ay malalaman na ng guy ang tunay na dahilan, biro namin sa kanya.

“Hayaan mong malaman niya para at least alam na niya,” natatawa niyang saad.

Magkaibigan pa ba sila?

“Ahhh, I think so!”

Pero hindi na raw nagte-text sa kanya ang lalaki.

DEREK. Ayaw niya ng taga-showbiz, so ano ang namamagitan sa kanila ni Derek Ramsay na leading man niya sa Kidlat?

May chance ba sila ni Derek?

“Lahat naman kasi ng lumalapit sa akin, binibigyan ko naman ng chance. Na para ipakilala nila kung sino sila,” paglinaw ni Nadine.

“Iyon ang lagi kong sinasabi, gusto kong makilala kung sino ka.

“Ayoko nung one step forward, ayoko na ng ganun kasi later on malalaman ko rin naman kung sino ka, e. So, mas maganda yung ngayon pa lang.”

Ang kapwa niya Kapatid star na si Ritz Azul ay may crush umano kay Derek.

“Ah, talaga? Hayaan mo siya, e di mag-crush-an silang dalawa,” tawa nang tawa si Nadine.

Going back sa kanila ni Derek…

“Oo, may chance naman din basta as long as... iyon nga e, di ba gusto ko nga nakikilala ko ’tsaka di ba lagi kong sinasabi husband material na ang hinahanap ko.”

Ganoon si Derek.

“Oo very responsible, very mabait naman siya, sweet.

“Pero ngayon yung parang gusto ko lahat ng bagay, okay.

“Kasi nga ayoko nang pumasok sa isang relasyon na after how many months or years maghihiwalay na naman kayo, tapos meron ka na namang bagong makikilala.

“Papakilala ka na naman,” wika niya.

Ang mga ugali ni Derek na nakikilala na niya…

“Sweet, nagpapakatototo talaga siya kung sino siya, iyon ang ipinapakita niya sa akin which is doon ako natutuwa sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghahanap siya ng husband material, ibig ba niyang sabihin gusto na niyang mag-asawa?

“Hindi, ayoko lang nung playing games lang. ’Tsaka sabi ko nga gusto ko nang magkaroon ng pamilya.”

Twenty-four si Nadine, kailan ba niya gustong magkapamilya?

“Kahit next year na nga e,” sabay-tawa muli ni Nadine.

Kapag nag-asawa raw si Nadine ay hindi naman daw siya magku-quit sa showbiz.

Okay rin kay Nadine ang older men, in fact…

“May nanliligaw sa akin… well, hindi ko naman masasabing nanliligaw na pero he’s asking me out on a date. He’s forty years old. He’s half-American, half-German.”

Half-German din si Nadine.

“He will be coming this February 14.”

Nasa California ngayon ang lalaki.

“Nag-meet kami two years ago sa Opus. Nagdi-dinner kami ng best friend ko, tapos tumabi siya, mag-friends sila.

“He’s a fighter, MMA [Mixed Martial Arts], coach na siya ngayon, three-time world champion kickboxer siya.

“Meron silang laban sa February, yung alaga niya lalaban... retired na siya, e.

“I think I’ll be watching yung laban, Saturday iyon, e.

“February 16 show sa [SM Mall Of Asia] Arena so he’s asking me na mag-coffee after, kuwentuhan... ganun,” detalye niyang kuwento.

Constant ang communication nila?

“Hindi masyado pero nag-e-email lang kami, ganun lang.”

Binata raw ang lalaki. So may chance na magkaroon sila ng relasyon?

“Let’s see.”

Okay kay Nadine ang foreigner.

“Gusto ko nga foreigner ang anak ko, e!” natatawa niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN