PEPtalk. Derek Ramsay: “Ang daming ngang nagsasabing I’m the pambansang cheater or this and that... but sa totoong buhay, hindi, malayo sa ‘kin yung ganun.”

Derek Ramsay on Kidlat co-star Nadine Samonte: “We really get along, we have chemistry so tignan natin. I really enjoy hanging out with Nadine.”


Nauwi sa isang masayang usapan ang pinakabagong episode ng PEPtalk kasama ang isa sa pinakamainit na artista ngayon—si Derek Ramsay.

Last January 30, Wednesday, mahigit sampung tanong ang inihanda ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa-isang sinagot ang mga ito ng actor-host.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang buhay-artista, lovelife, pati na rin ang kanyang action-fantasy primetime series sa TV5 na Kidlat.

Sa unang tanong ng aming hosts—ang managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan-Caliwara kasama ang associate editor na si Rommel Llanes—hindi na nagpatumpik-tumpik pa at diretsuhang tinanong si Derek tungkol kay Nadine Samonte.

Rommel: “Sir, una sa lahat kasi we’re very honored to have you here, pero may nabalitaan kami.

“May kaguluhan daw kayong ginawa sa Dinagyang Festival. Nagkagulo daw yung mga tao dun nung nag-kiss kayo ni Nadine Samonte. Ano ba yun?”

Derek: “Diretsuhan, dun kaagad, ha. Wow, walang warm-up, boom!”

Rommel: “Ano ba yun? Paano ba nangyari yun? Pakuwento muna.”

Derek: “Ayun, lips to lips, ganun… pak!

“Uhm, hindi, kasi si Nadine, lumabas siya sa stage and ang daming tao, and then gumawa sila ng game na sumisigaw siya ng tulong, tapos yung three contestants were gonna imitate si Kidlat.

“So, ire-rescue siya, and then after the third contestant, sumigaw si Nadine [tapos] lumabas naman ako in Kidlat costume.

"And, yun paglabas ko, gusto ng crowd, kiss. Alam mo naman ’tapos…”

Rommel: “Mapagbigay ka, e, so pinagbigyan mo na [yung mga tao].”

Derek: “Hindi, ang daming tao so I got lost in the moment, and she’s a good-looking girl. I gave her a kiss on the lips.”

Rommel: “Ayun nga, e, pinag-uusapan tuloy, ano ba yun? Meron bang something behind that kiss? Ano ba? Nagkakadebelopan na ba o ano ba?”

Derek: “Wow, you guys are straight, huh...

“I don’t know. She’s a wonderful girl. We really get along. We’ve been hanging out off the set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She just recently did a vacation. She went to Europe. Pumunta siya sa Europe para yung [family] roots niya.

“I think she’s from Germany, from Rosenheim, and shinare [share] ko yung experiences ko sa kanya na umiikot ako sa Germany.

“So, we just have a lot to talk about. We really get along, we have chemistry so tingnan natin. I really enjoy hanging out with Nadine.”

Karen: “Nabigla ba siya? Nabigla ba si Nadine kasi lips kaagad, e, di ba? Parang hindi ba niya sinabi after na, ’Bakit ganun?’”

Derek: “Hindi ni-lips kaagad. Pinuwesto ko muna dito sa cheeks tapos hindi pumasa sa crowd. Talagang gusto talaga [sa lips].”

Rommel: “Nagkagulo nga raw, e, sabi, ‘Hindi, lips agad!’”

Derek: “Oo, nagkagulo yung crowd. They’re really pushing us to do it. Siguro nagustuhan nila yung mga scenes sa teleserye. Meron na nga kaming parang, anong tawag dun? Pinagkakabit yung pangalan namin at yung pangalan… Dere... NaDer, parang ganun.”

Rommel: “Hindi lang Derek, parang combination of your names…”

Karen: “Na-Der [Nadine-Derek]…”

Derek: “Oo, e, namatay yung character niya the other day and ang dami ngang nagtu-tweet na dapat hindi siya mamatay, dapat bumalik siya, so tingnan natin kung anong mangyayari sa istorya.”

KIDLAT. Sa bahaging ito nagpatuloy ang usapan tungkol sa unang serye ni Derek sa TV5.

Karen: “Kasi pataas nang pataas yung rating niya, ’no? Tumataas siya kaya nga mamaya [January 30], may thanksgiving [party] kayo, di ba?

“Masasabi mo ba at this point, it has already surpassed your expectation or there’s more to come? Ano ba ang expectations sa Kidlat?”

Derek: “I didn’t really know what to expect kasi sobrang tuwa ko na isa sa mga dreams ko na magiging akong isang superhero, puwede ko nang i-tick off my wish list.

“And with every project that I do, I don’t really expect anything. Ang gusto ko lang, team player ako, ibibigay ko lahat ng kakayahan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And right now, we’re taping right now so with the increase in popularity of the show, we have to work harder.

“May ginawa nga kaming eksena sa Clark [Pampanga] the other day. Hindi namin natapos kasi gusto namin talaga na maganda. Puwede naming dayain pero ayaw namin dayain. Gusto namin maganda talaga.

“So, expectations… I really didn’t know what to expect. I’m just really, really happy na ganito nga ang reaksiyon ng mga tao.”

Karen: “And anong aabangan nila in the coming [days]?"

Derek: “Yung mga twist. Well, definitely lalabas na yung mga kalaban ni Kidlat at marami sila. There are a lot of new characters that are going to be put in and I think nasa point of the show kami na kalaban ko ang dalawang kambal. May power of ice and fire yata, e. So yun ang unang makakalaban ko and marami pa. Tapos, baka may third party pa ako na ipapasok na love interest.”

Karen: “How taxng it is to become Kidlat?”

Derek: “I’ve lost fifteen pounds kasi mahirap, e.”

Karen: “Wow, baka puwedeng mag-Kidlat na rin tayo!”

Derek: “Hiramin mo yung costume!

“No, kasi you lose a lot of water kapag nagpa-fight scene ka in that costume. Napakaganda ng costume but our weather is so hot so talagang pawis na pawis ka.”

Rommel: “Mas lalo kang naging lean?”

Derek: “Hindi nga ako kundisyon ngayon, e.”

Karen: “Sa lagay na ’yan?”

Derek: “I don’t think kasi, I don’t… I have to sacrifice my sport at hindi na ako naglalaro ng Frisbee or ng football or… Golf na lang ako nang golf.

"So, I don’t feel like I’m in the best shape, but I try to, kasi puyatan ‘yan, and I still try to keep myself in shape for…

“You know if you’re gonna be a superhero, you have to be in shape.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karen: “Derek, kasi you have this electrifying effect on girls, parang Kidlat, bagay na bagay sa’yo. Pag ganun, how do you handle, like pag may girl na, ‘Ay! Si Derek!’ ganyan. How does it feel pag sinisigawan [ka], parang gusto namin marinig. Does it bother you sometimes?"

Derek: “No, it never bothers me. Kahit sinong itanong mo na kakilala ako, I will stop for a picture for everybody. Kung kakayanin ko, gagawin ko.

“You can’t get used to that feeling. I mean I was just a normal person and I consider myself a normal person. For somebody na isigaw yung pangalan mo, hawakan ka lang, that’s a wonderful feeling, and I don’t think I’ll get used to that.

“Kaya nga nung nasa Dinagyang kami, Sinulog, I loved it. Kahit na sobrang init, naka-costume ako, sabi ko, ‘Hindi, isusuot ko yung costume.’

“Ilang beses ngang natatanggal na yung mask kasi yung pandikit, yung pawis, so dikit lang kami nang dikit, balik-balik.

"Nasunog na nga yung dito ko [eye area]. But when they scream, like when you lift your left hand, people here scream, you lift your right hand, and they scream. That’s just… How can you get used to that feeling and how can that bother you?"

Karen: “Wala pang nangha-harass sa ‘yo? Yung parang literally throwing herself at you?”

Derek: “I have a lot of funny moments like being touched in weird places!” (laughs)

Rommel: “May mga nangangagat.”

Derek: “O, hindi ko lang alam kung ano yung gender nung humahawak... but you know it’s an experience. How many people can say that you know, they’ve experienced something like that and yun nakakatuwa na naghihintay lang sila dun for hours and hours tapos isang glimpse lang sa ‘yo…”

Karen: “Masaya na sila.”

Derek: “Oo, mas lalo na yung mga bata pag suot mo yung costume, talagang lumalaki yung mga mata nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MR. TOPLESS. Tungkol sa kanyang mga endorsements, napansin ng PEP.ph na karamihan sa mga ito, commercial o print ad, ay naka-topless siya.

Rommel: “Derek, kasi sa tingin ko, definitely the way people look at you is the way… kasi yung pagpa-package sa ‘yo, lalo na sa mga commercials and TVCs [television commercials] mo, lagi kang shirtless. Maski nga yung relo, yung Swatch, naka-ano ka dun, e, kita pa rin yung abs, e. So…”

Derek: “Kahit clothing nga, wala naman akong suot na clothes…”

Rommel: “Laging kailangan kita yung abs, so ano ba ’an? Required talaga? Nire-require ka ng mga clients to take off your shirt.”

Derek: “Hindi ko nga alam kasi ako, ako nga sinasabi ko, ‘sana yung layout wala naman topless.’ I’m Mr. Topless nung bago ako pumasok sa showbiz. Around the house, kapag maganda yung weather, I’m taking off my shirt and I’m running around everywhere. I just… That’s just who I am.

“When I’m in Australia, when I go visit my sister in Australia, you can walk in to the supermarket at naka-paa ka lang. It’s just how I grew up, and funny enough na I’m making a living taking off my shirt and…”

Rommel: “Kelan ka ba pupunta ng Australia kasi baka may mag-book dito, e…”

Derek: “It’s weird kasi ang sabi nga sa ’kin when you metioned Swatch, ako yung pinaka-cost efficient na endorser nila kasi hindi na nagme-make-up, wala nang hair at wala pang wardrobe.

Rommel: “Nabanggit mo yung hair, di ba, pagdating mo dito sa Pilipinas ganyan na itsura mo?”

Derek: “No, no, no… mahaba buhok ko.”

Rommel: “Pero nung pumasok ka sa showbiz, ganyan na, e. May pag-asa pa bang humaba ‘yan? May balak ka pa ba?”

Derek: “Depende kung may role akong tanggapin na [pahahabain] but I don’t think I will. I look weird. My hair is wavy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But pinatubo ko ‘to, I think four-five years ago. Sakto pa na nag-cover ako ng Cosmo [Cosmopolitan magazine] and it was at the alanganin stage so mukha akong may road kill sa ibabaw ng ulo ko.

"It was for a commercial in Thailand and I was growing it out, shampoo commercial, actually. I was growing it out and I just looked…”

Rommel: “Halimbawa kung yun yung shampoo commercial tapos ganyan ang buhok mo?”

Derek: “Pero mas malakas pa akong gumamit ng shampoo kesa siguro sa ‘yo. I wash my hair, whatever is there, twice a day.”

Karen: “A, really?”

Rommel: “Talaga?”

Derek: “You have to take care of your scalp, I like my scalp [clean].”

Rommel: “Hindi nga, yung maintenance? How do you maintain your looks, siyempre napaka… pero hindi ka naman pala matipid sa shampoo.”

Derek: “Hindi, actually…

Rommel: “Sabihin ko sana matipid sa hair, e, kaya lang kasasabi lang…”

Derek: “It’s not vain, pero ako, hindi ko kayang matulog kung hindi ako maliligo, e, or at least maghilamos.

"Every time I shower, I don’t feel like malinis ako kung hindi ko lalagyan ng shampoo yung ulo ko. So, I shampoo at least twice a day and I always have to wash my face before I go to sleep.”

Karen: “Very active din kasi yung lifestyle mo…”

Derek: “Super, super… Unfortunately now, hindi ako masyadong naglalaro ng sports but okay lang, may kapalit naman yung…”

Karen: “Was there a time na medyo lumaki ka or what? Ever?”

Rommel: “Nagkaroon ka ng fats. Parang ikaw yata yung lalaking walang… walang fats.”

Derek: “Ngayon, medyo tumataba ako ngayon. Like I said, I don’t feel like I’m in shape right now. Ito siguro ang worst shape ko in the past four [years]…”

Rommel: “Worst ka pa niyan? Anong tawag mo sa ‘kin kung worst ka?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"PAMBANSANG CHEATER." At dahil sa kanyang very masculine image, karamihan sa mga characters na kanyang nagampanan for the past two years ay isang lalaking pinag-aagawan ng mga babae.

Rommel: "Kasi last year and the year before that, yung mga role na napunta sa ‘yo, laging pinag-aagawan ng mga babae. Pero in real life ba, how close is that role, yung ganung klaseng image mo, sa pelikula sa real life?”

Derek: “Malayo, malayung-malayo. We’re acting, tinanggap ko yung mga roles na yun na… Ang daming ngang nagsasabing I’m the pambansang cheater or this and that.

"I accepted those roles ‘cause they were good stories and I like the characters, but sa totoong buhay, hindi, malayo sa ‘kin yung ganun.

“It’s not a secret, I was in a six-year realationship with Angel [Angelica Panganiban] and, yeah, there was no third party there so ’ala siyang connection sa totoong buhay ko.”

Rommel: "Valentine’s Day is just around the corner. May mga nali-link, may mga sightings. Alam na natin ‘yan, Cristine Reyes and non-showbiz girl, so sino ba? Sino ba ang magiging ka-date mo sa Valentine’s?"

Sa susunod na bahagi ng PEPtalk, abangan ang isasagot ni Derek Ramsay kung sino nga ba ang kanyang magiging date para sa Valentine’s Day.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN