Maxene Magalona to spend Valentine’s Day with rumored boyfriend Renz Fernandez in Hong Kong Disneyland

Bagamat wala pang direktang inaamin si Maxene Magalona sa totoong estado ng relasyon nila ni Renz Fernandez, sinabi ng Kapuso star na magkasama sila sa darating na Valentine’s Day. “First Valentine namin ito ni Renz na magsi-celebrate kami together—as friends!” natatawang sabi ni Maxene.


Iba ang aura ngayon ng actress-TV host na si Maxene Magalona—tila inspired at in love.

Iyon nga lang, kapag tinatanong kung kumusta na sila ng rumored boyfriend niyang si Renz Fernandez—anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez—matipid siya sa pagsagot. Madalas ay idinadaan na lang niya sa ngiti at tawa.

Kagaya sa Party Pilipinas kahapon, February 3, sa umpisa ay panay lang ang halakhak ni Maxene nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kung ano ang plano nila ni Renz sa nalalapit na Valentine’s Day.

“We’re going to Hong Kong,” sabi ni Maxene nang maramdamang hindi talaga siya tatantanang kulitin ng mga nag-i-interview sa kanya.

“We’re gonna meet up with some friends there. And then, yun, ikut-ikot lang.

“Kasi malamig sa Hong Kong kaya masarap mag-ikut-ikot doon.

“First Valentine namin ito ni Renz na magsi-celebrate kami together—as friends!” sabay halakhak niya.

Patuloy niya, “And siyempre, pagdating ko doon sa Hong Kong, mag-i-Instagram din naman kami, di ba?

“Nando’n kami from February 13 to 15… short vacation lang.

“Siyempre, it’s a vacation na rin from work… to relax. Gano’n.”



VALENTINE’S IN HONG KONG DISNEYLAND. Sa Hong Kong Disneyland daw sila sa mismong Araw ng mga Puso. Bakit doon?

“Actually, nung sinabi namin na Hong Kong kami magbabakasyon, tapos naisip ko, ‘Why not spend the whole Valentine’s Day sa 14th sa Disneyland?’

“Tapos manonood kami ng fireworks… yiii!” tila kinikilig na sabi ni Maxene.

Pero paliwanag niya, “Hindi… kasi, I’ve always been a fan of the Disney Princesses.

“Kaya for me, yung mga Disney Princesses, sila yung idol ko pagdating sa pag-ibig.

“So I think it’s just very special na first time kong mag-celebrate ng Valentine’s sa Disneyland.

“Naniniwala ako sa story ng mga Disney Princesses na sa ending, laging ’... and they live happily ever after.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, no matter what, no matter how many heartbreaks you go through, there will always be, you know, a rainbow after the rain.

“There will always be a happy ending. And you will always be happy as long as you choose to be happy.

“Na… walang drama. Walang away. Walang gulo o kahit ano.

“Basta masaya ka lang… alam mo ‘yon?

“And you know, when it comes to Valentine’s Day, hindi naman ibig sabihin dapat may boyfriend ka o girlfriend.

“You can also spend it with your family.

“It’s just about love and loving yourself And loving the people around you.

“Iyon lang naman ang importante do’n.”



TITA LORNA. Balitang gustung-gusto raw siya ni Lorna Tolentino para sa anak nitong si Renz?

Nangiti naman ulit si Maxene nang matanong tungkol dito.

Aniya, “Love na love ko rin naman si Tita Lorna and buong family nila—they’re so nice.

“They’re so family-oriented, and it’s very admirable.

“You know, to see a family in showbiz that’s so strong despite what happened to Tito Rudy… siyempre it was very hard for them.

“But I see them now na they’re so happy. And they’re just solid talaga as a family.

“Just like our family na solid din… iyon naman ang importante.”

Pareho nang namayapa ang ama nina Maxene at Renz na sina Francis Magalona at Rudy Fernandez.

Kumusta naman si Renz sa pamilya ni Maxene?

“They all love him. They all love Renz.

“Because he’s very funny… he’s a comedian talaga, e.

“He’s very nice and… dahil dalawa lang silang magkapatid ni Kuya Ralph, sa mga kapatid ko, tuwang-tuwa siya siyempre.

“Kasi ang dami namin, gano’n.

“So, masaya lang. It’s just really fun.

“And walang arti-artista pag nagha-hangout kami as a family. ‘Yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“LOVE IS SUPPOSED TO BE EASY.” Pumasok na rin sa pag-aartista si Renz. Iyon nga lang, sa ABS-CBN siya tumanggap ng projects.

Hindi ba gusto ni Maxene na sa GMA-7 na lang sana si Renz?

“Bahala na!” sabay tawa ni Maxene.

“Ako, I really believe na pagdating sa pag-ibig, dapat hindi tayo masyadong nag-iisip.

“Love is supposed to be easy, kaya dapat wala tayong problema.”

She looks so much in love talaga sa ngayon?

“Basta… I’m happy. And I deserve to be happy,” nakangiting sabi ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN