Dingdong Dantes on strong buzz about network transfer: "I don’t wanna think way ahead."

Matatapos na sa kalagitnaan ng taon ang kontrata ni Dingdong Dantes sa GMA-7 kaya naman may kumakalat na balitang malaki ang posibilidad na lumipat na siya sa ibang network. Pero ayon sa aktor, "Nag-uumpisa pa lang ang taon, e, and so far, I’m here, so I don’t wanna think about those things yet. Basta, hindi… ang importante, yung ngayon na muna."


Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian Rivera, sinabi nitong baka may shooting siya para sa pelikulang My Lady Boss kaya hindi niya sigurado kung makakalabas sila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa Valentine’ Day.

Nang makausap ng PEP si Dingdong sa taping ng Pahiram Ng Sandali sa Brgy. Pinagkaisahan, Quezon City last Friday, February 1, tinanong namin siya kung ano ang gagawin niya kung sakaling may shooting nga si Marian sa mismong Araw ng mga Puso.

“E, di dun na lang ako [sa shooting] magse-set-up ng [dinner] table,” natatawang sagot ng Kapuso actor.

Ano ang gagawin nila ni Marian sa Valentine’s Day?

“Hindi ko pa alam pero may pinaplano.”

Hindi naman daw sila mag-a-abroad.

“A, hindi, dito lang for sure. Pero definitely, meron [plano]… hindi puwedeng wala.”

MARIAN’S HEALTH. Nagpa-check-up kamakailan si Marian dahil sa sobrang pananakit ng ulo nito.

Inamin ni Dingdong na hindi niya nasamahan ang kasintaham, “pero ako yung nag-ano ng doktor.”

Ano ba talaga ang naging karamdaman ni Marian?

Sabi ni Dingdong, “Maraming detalye yung pag-e-explain sa kanya. Mas maganda kung siya mismo ang kausapin ninyo.

“Kasi medyo official yun, e, so siyempre baka may sensitivity ano.

“Siyempre, she has a manager, ganyan-ganyan, ayoko naman na I’d be talking on her behalf.

“Kasi it’s very technical, so siyempre pag sasabihin ko nang totoo, sasabihin ko nang buo... so maganda sa kanila manggaling.”

ELECTION TIME. Malapit na ang eleksyon at magiging busy raw si Dingdong sa pangangampanya.

“I have a few friends, e, runnning for the Senate.”

Ayaw munang sabihin ni Dingdong kung sino ang mga ito.

“Malalaman ninyo rin.”

Nagpaalam na ba siya sa GMA-7? Inayos na ba ang schedule niya for work and for the campaign?

Sabi ni Dingdong, “Wala pa, hindi pa namin nauupuan kaya ayoko rin munang mag-divulge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pretty soon, like may isang magpe-presscon next week, e.

“So by that time, maglu-launch ng isang event, e, so sasama ako dun.”

Sa 2016 ba ay siya na mismo ang mangangampanya? Nasa plano ba niya na siya naman ang tumakbo sa susunod na eleksyon?

Natawa muna si Dingdong bago sinabing, “Hindi, wala po!

“Marami pong nagsasabi but, siyempre, klaro po naman sa akin yung priority ko.”

Natawa muli ang aktor nang banggitin namin na puwede naman siyang tumakbo bilang public servant.

SEXY PICTORIAL. Since pinag-usapan nang husto at naging record-breaker ang FHM cover ni Marian, wala bang plano si Dingdong na gawing muli ang pagpo-pose nang sexy sa Cosmopolitan magazine tulad nang ginawa niyang very daring pictorial noong 2007? Gagawin ba niya ulit iyon if offerred?

“Iniisip ko nga, e,” sagot niya.

May offer daw ulit sa kanya last year pero tinanggihan niya. Ayaw na ba niya?

“Hindi naman, pero parang feeling ko, mahihirapan na ako kasi.

“Effort kasi para sa akin, e, to get in shape, effort talaga.

“Hindi gaya ng iba na parang naturally ganun na sila.

“Kaya ayoko muna siguro.”

Kapag sa tingin niya ay handa na siyang muli?

“Baka... baka I can consider it. Baka I can consider it.”

NETWORK TRANSFER. May kumakalat na balitang may network executive daw na nangangakong kaya siyang kunin mula sa GMA-7 at ilipat sa ibang network, pati si Marian.

Bukod pa ito sa bali-balitang lilipat nga ang Kapuso actor sa ibang network since matatapos na ang kontrata niya sa GMA-7 middle of this year.

Ano nga ba ang katotohanan dito?

Saad ni Dingdong, “So far naman… well, siguro wala, e.

“Nag-uumpisa pa lang ang taon, e, and so far, I’m here, so I don’t wanna think about those things yet.

“Basta, hindi… ang importante, yung ngayon na muna.

“I don’t wanna think way ahead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, happy naman ako kung ano’ng meron ako ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN