Andi Eigenmann on rumored reconciliation with Jake Ejercito: “Hindi kami nagkabalikan. How I wish!”

Ito ang nararamdaman ni Andi Eigenmann para sa dating boyfriend na si Jake Ejercito: “We’re friends, we’re okay, pero yun nga po, I guess we pushed things too much. We forced things na kahit alam namin na hindi pa naman kaya… kaya siyempre, nag-fall apart siya. I don’t know with him but, of course, I care for him a whole lot. And I’m just here for him.”


Bago magtapos ang taong 2012 ay lumabas ang balitang hindi pagkakaunawaan o tampuhan ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann.

Nagsimula ito sa pagsisiwalat ni Jaclyn ng kanyang saloobin tungkol sa mga magulang ni Jake Ejercito na sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez.

Ito ang naging dahilan para magkaroon ng problema sa relasyon nina Andi at Jake, hanggang sa tuluyan na nga silang mag-break.

Sa maikling panayam ng The Buzz kay Andi, kinumusta sa Kapamilya young actress ang lagay ng relasyon nilang mag-ina ngayon.

“Okay lang,” matipid nitong sagot.

Magkasama ba silang ipinagdiwang ang nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon?

“Okay lang, we were together on Christmas,” sabi ni Andi.

ANDI & JAKE. May balita namang nakita raw sina Andi at Jake na nanood ng sine na magkasama at tila patago raw.

“Hindi!” ang natatawang tanggi ng young actress.

Nagkabalikan na ba sila ni Jake?

“Hindi kami nagkabalikan. How I wish!” ang nakangiti pa rin niyang sabi.

Pero magkaibigan sila?

“We’re friends, we’re okay, pero yun nga po, I guess we pushed things too much.

“We forced things na kahit alam namin na hindi pa naman kaya… kaya siyempre, nag-fall apart siya.

“I don’t know with him but, of course, I care for him a whole lot.

“And I’m just here for him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN