Maricel Soriano visits Mother Lily at Regal matriarch’s Greenhills home

Binisita ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang Regal Films matriarch na si Lily Monteverde sa bahay nito sa Greenhills noong Sabado, February 2. Ito ang unang beses na nasilayan ng ilang entertainment press si Maricel pagkatapos ng insidenteng kinasangkutan niya at ni Gerald Anderson. Si Mother Lily naman ay madalang nang makita sa showbiz functions dahil sa napapabalita nitong karamdaman.


Noong Sabado, February 2, ay sorpresang dinalaw ng Diamond Star na Maricel Soriano—kasama sina Mr. Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar ng TAPE—si Mother Lily Monteverde sa kanyang bahay sa Northeast Greenhills.

Napapabalitang may karamdaman ngayon ang Regal matriarch.

Noong una ay si Ma’am Malou at ilang miyembro lamang ng Wednesday Club—grupo ng enterainment writers at ilang celebrities—ang nakaplanong dumalaw kay Mother Lily.

Pero nang malaman ni Mr. T (palayaw ni Mr. Tuviera) at ni Maria (palayaw ni Maricel) na dadalaw si Malou ay sumama ang mga ito.

Si Maricel ay original Regal baby, si Mr. T naman ay matalik na magkaibigan, habang si Malou ay katuwang ni Mother sa pagbuo at pag-maintain ng weekly social group na Wednesday Club.

Masaya ang naging kwentuhan ng hapon na iyon na karamihan ay pagre-reminisce ng masasayang araw ng kanilang pagkakaibigan at sabay-sabay na pakikipagsapalaran sa showbiz.

Masaya ang mood ni Maria kaya walang nagtangkang mag-ungkat ng kontrobersiyang kinasangkutan nito recently, involving ABS-CBN and Gerald Anderson.

Ibinalita lamang ng aktres na nakatakda na silang mag-story conference para sa proyekto niya sa Viva Films, ang Girl Boy Bakla Tomboy, by second week of February.

May puntong nilibot pa ni Maria ang kabahayan ni Mother Lily habang nagbabalik-tanaw ng mga alaala niya sa nasabing bahay.

Tawa lamang nang tawa noong hapon na iyon si Mother Lily, na halatang tunay na nasiyahan sa sorpresang pagdalaw na iyon ng malalapit na tao sa puso niya.

Samantala, ibinalita ni Mother Lily na desidido na siyang dito na lamang sa mga dalubhasa sa Pilipinas magpagamot imbes na sa Stanford sa Amerika gaya ng nauna niyang plano.

“Pero gusto ko doon sa isang ospital kasi ang guguwapo ng doctor!” tumatawang sabi pa niya in a characteristic Mother Lily way.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN