Jessy Mendiola on talk about relationship with Matteo Guidicelli: “Hindi ba puwedeng ano muna… ligawan muna?”

Madalas nagkakabiruan at minsan naman ay seryoso rin sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli sa kanilang pagtatambal sa Paraiso. Hindi sigurado si Jessy kung saan ito hahantong. Sabi niya: “Si Matteo kasi, ewan ko, siguro hintay-hintay muna kami.”


Maraming larawan nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli na kuha sa kanilang afternoon soap na Precious Hearts Romances (PHR) Presents Paraiso ang lumalabas ngayon sa ilang online sites.

Karamihan ay nagpapakita ng kakaibang sweetness ng dalawa tulad ng isang larawang ipinadala sa The Buzz—nakayakap ang babae sa likod ng lalaki, at sinasabing iyon ay sina Jessy at Matteo.

Naitanong tuloy kay Jessy kung nagkakadebelopan nga ba sila ni Matteo.

Sagot naman ng young actress, “Agad-agad, kami na?

“Hindi ba puwedeng ano muna… ligawan muna?”

SONG FOR JESSY. Pero ayon pa rin kay Jessy, ilan sa mga ipinapakita sa kanya ni Matteo ay mga kakaiba nitong kilos at atensiyon.

Kuwento niya, “Minsan, kinakantahan niya ako… Pinupuntahan niya ako sa set… Nilalapitan niya ako.

“’Alam mo, I have a song for you.’

“Parang ako, ‘What’s your song?’

"‘Take It Slow.’"

“Tapos, maya-maya, kakantahan niya ako ng... ‘It Might Be You’ na ang kakantahin niya.”

Pero hindi pa rin masabi ni Jessy kung ano ang kahihinatnan ng pagkilos na iyon ni Matteo.

“Si Matteo kasi, ewan ko, siguro hintay-hintay muna kami.”

VALENTINE’S DAY. Pero paano kung yayain siya ni Matteo sa Valentine’s Day?

Natatawang sagot ni Jessy, “Niloloko ko na nga siya ng, ‘Uy, wala akong ka-date sa Valentine’s Day. Tayo na lang!’

“Kasi kahapon, sa taping, sabay kaming mag-lunch.

“Tapos lahat ng ano, ‘Ano? Nagpa-practice na kayo para sa Valentine’s Day, kayo ni Matteo?”

Pero natatawang sabi ni Jessy, “Abangan…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN