Matteo Guidicelli on falling in love with Jessy Mendiola: “Let’s just say, getting there… getting there.”

Ito ang dahilan ni Matteo Guidicelli kung bakit ayaw niyang madaliin ang anumang namamagitan sa kanila ni Jessy Mendiola: “Kasi I believe that in everything, especially with love, you have to take it slow and carefully. The slow things are the things that really last long.”


Live na naging guest si Matteo Guidicelli sa The Buzz kahapon, February 3.

Pero hindi pa man siya nakakabati, tinanong agad ng The Buzz host na si Boy Abunda kung siya ba at si Jessy Mendiola ang nasa larawan na ipinadala sa programa.

Sa larawan, nakayakap ang babae sa lalaki habang pareho silang nakatalikod.

“Yes, it’s me and Jessy!” natatawang pag-amin ni Matteo.



INTIMATE. Napaka-intimate ng larawan na hindi sadyang photo shoot at tila hindi rin nila alam na sila’y kinuhanan habang nakatalikod.

Ano ang ibig sabihin ng larawang iyon?

Tugon ni Matteo, “Ang ibig sabihin, kami ni Jessy, sobrang close kaming dalawa.

“If there’s friendship, if there’s a borrowed friendship—I think, a little above that.”

Si Boy ang nagpatuloy na “a little above friendship but less than lover.”

Dugtong agad ni Matteo, “That’s why I’m really controlling myself!”

Bakit kailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili?

“Because Jessy is amazing, you know,” sagot ni Matteo.

Kung amazing si Jessy, why control, not let go?

Natatawang sagot ni Matteo, “Yeah, I know. I might fall in love again!”



LIKE A SONG. Si Boy ang nagsabi na gusto niyang “to take it slow.”

Sinang-ayunan naman ito ni Matteo ng, “very slow.”

Inamin din ni Matteo ang naging pahayag ni Jessy na minsan nga ay kinakantahan nito ang leading lady ng “Take It Slow at “It Might Be You.”

“Yeah, minsan, minsan. Si Jessy talaga…” ang nakangiti niyang sabi.

Patuloy niya, “Kasi I believe that in everything, especially with love, you have to take it slow and carefully.

“The slow things are the things that really last long.”



GETTING THERE. Diretsahan namang tinanong ni Boy si Matteo kung mahal na ba nito si Jessy.

Tugon niya, “Mga one year na kaming magkasama ni Jessy at yung mga pinagdaanan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think it can be replaced or I can forget.

“The thing we’ve gone through, sa isla, sa Paraiso, all the emotions that given to each other…

“I can never gonna forget and it means so much to me.”

Pero ayon kay Boy, ang tanong raw ay answerable lang ng yes or no.

Mahal na nga ba niya si Jessy Mendiola?

“Let’s just say, getting there… getting there,” nakangiti niyang sagot.



V-DAY. Binibiro na raw siya ni Jessy na bakit hindi na nga lang sila ang mag-date sa Valentine’s Day?

Sabi naman ni Matteo, “Actually, may pinaplano na po ako together with Jessy—we’ll gonna watch concert together.”

Ito na ba ang pinaka-posibleng araw na maipagtapat nga niya kay Jessy kung anuman ang saloobin niya?

“We’ll never know… we’ll never know. As I’ve told Jessy, ‘Let’s take it slow.’”

Kung may isang pangalan ng babae ang Paraiso, ano ito?

“Senorita... that’s her [Jessy’s] name in Instagram.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN