Angelica Panganiban on relationship with John Lloyd Cruz: "In love na in love ako!"

Hindi maitago ni Angelica Panganiban ang kasiyahang nadarama niya sa relasyon nila ngayon ng kasintahang si John Lloyd Cruz. Pahayag ng aktres, “Sabi ko nga, wala na, wala na akong hihilingin pa. Parang dumating ako sa point ng life ko na, ‘Gaano ba katagal itong magla-last? Puwede bang ma-maintain ko ‘to?’ Kasi, para bang death na yung tomorrow. Parang ibinibigay na sa akin ni Lord ang lahat. Para bang wala nang maibibigay pa.”


Sa panayam ni Angelica Panganiban sa The Buzz noong Linggo, February 3, binati ng host na si Toni Gonzaga ang pagiging masuwerte ngayon ng young actress.

Bukod kasi sa magandang showbiz career nito ay blooming din daw ang lovelife ngayon ni Angelica, sa katauhan ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Nakangiting sabi naman ni Angelica, “Sobra! Sabi ko nga, almost perfect na—next to God, Angelica Panganiban.”



NAGKAKALABUAN? Pero sabi nga, ang buhay-artista ay hindi nawawalan ng intriga.

Una na rito ang isyung nagkakalabuan na raw sila ni John Lloyd.

“Hindi, e,” kaswal na sabi ni Angelica.

“Siguro yung problema namin, wala kaming isyu. Wala kaming mapagtalunan.

“Palaging okay. Palaging, kumbaga, nagtutugma ang mga gusto namin.”

Dalawa raw ang itinuturong dahilan ng diumano’y pagkakalabuan nila.

Una, kung hindi raw si Angelica ang selosa ay si John Lloyd ang seloso.

Totoo nga ba ito?

Saad ni Angelica, “Ako, yung pagiging selosa ko, siguro yung pa-sweet.

“Sabi ko nga, dati, nangunguna ako. Pumipila ako para manood ng mga pelikula niya [John Lloyd]. As in, first day.

“Tapos, pinapanood ko, sobra akong fan ng John Lloyd Cruz talaga.

“Tapos noong kami na, kapag nakikita ko... isang beses, napagdaanan namin ang One More Try, tapos may kissing scene sila ni Bea [Alonzo], para talaga akong yung tao na siyempre, yung lalaking mahal mo, parang ang hirap na makitang may ibang babae siyang sinasabihan ng ‘I love you.’

“Pero, hindi ko naman siya pinipigilan na, ‘Uy, sa mga eksena mo…’

“Siyempre, hindi ko naman siya pinapakialaman sa mga ganoon.

“Siyempre, trabaho niya yun.”

Matagal na siyang artista at sanay siya sa mga ganoon. Ngayon, naninibago siya?

“Kaya nga, e!” natatawang sabi ni Angelica.

“Hindi talaga ako ganoon. Dati, sobra kong supportive. Nanonood ako ng love scene ng dati kong dyowa.

“Ngayon, hindi ko kaya. In love na in love ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ikalawa na sinasabing dahilan ng pagkakalabuan daw nila ay wala diumano silang oras sa isa’t isa.

Sabi ni Angelica tungkol dito, “Hindi naman namin napag-aawayan.

“Noong una, parang tinatanong ko siya, ‘Ganoon ka ba talaga kasikat? Sobra kang busy.’

“Parang wala talaga siyang time.

“Nagkikita lang kami kapag weekend, kapag Sunday.”

Sabi naman ni Toni, sobrang sikat din ni Angelica.

Sabi ng aktres, “Hindi, kasi dati, sanay ako na may time sa akin ang lalaki.

“Ngayon, kapag nagkikita naman kami, talagang sagad. Sinusulit namin ang oras namin.

“Hindi namin mahawakan ang mga telepono namin.”

Walang katotohanan na nagkakalabuan sila?

“So far, wala naman.”



PROMISE OF FRIENDSHIP. Kung hindi sila nagkakalabuan, gaano naman katibay ang samahan nila ngayon?

“Siguro, yung samahan namin, kaya siguro namin nae-enjoy nang sobra, para siyang a promise of friendship.

“Para siyang blessing sa akin na nakahanap ako ng partner ko na para kong best friend.

“Wala kaming dapat na itago sa isa’t isa.

“Relaxed na relaxed. Lahat puwedeng pag-usapan.”

Ayon kay Toni, nakita raw niya sa Instagram ni Angelica na sumasayaw sila ni John Lloyd.

“Yung debut ko,” pag-alaala naman ng dating child star tungkol sa nasabing larawan.

“Kasi, alam mo ba, noong bata kami, as in, witness ako sa relationship nila ni Kaye Abad.

“Kasi ang mama ko… sobrang close si John Lloyd at mama ko.

“Tapos yung family ni Kaye Abad, sa family ko.

“So, nakita ko, kapag may niligawan siya dati, ako pa ang bridge niya.”



JOHN LLOYD AS BOYFRIEND. Ilang buwan pa lang ang itinatagal ng relasyon nina John Lloyd at Angelica. Pero anong klaseng boyfriend ba si John Lloyd Cruz?

“Mapagsilbi,” sambit ni Angelica.

“Mapagsilbi siya. Sabi nga niya, yung mga nami-miss niya, nami-miss niya akong pagsilbihan.

“Siyempre, ako naman, ine-enjoy ko.

“At saka, he makes sure na ikaw ang priority niya at sa ‘yo umiikot ang mundo niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang pinaka-sweet na nagawa sa kanya ni John Lloyd?

“Meron nga yun, isang beses, dinalhan niya ako ng flower. Nandoon ang mga kaibigan ko sa bahay.

“Dinalhan niya ako ng mga bulaklak na parang nabili lang niya sa isang gasoline station.

“Sabi ko, ‘Uy, thank you.’

“Tapos, sabi niya, ‘Ayaw mo?’

“’Hindi, gusto ko.’

"’Wala kang vase sa bahay mo?’

“Sabi ko, ‘Wala. Kasi, hindi ako nabibigyan ng bulaklak.’

“Sobra. Parang first time kong makatanggap ng bulaklak, so hindi ko alam kung paano mag-appreciate ng ganoon.

“Simula nang maging kami, binigyan na niya ako ng vase. Sobrang daming vase kasi may ilalagay na ‘ko.”

PERFECT… Gaano siya kasaya ngayon?

“Pabaliw na!” ang natatawang sagot ni Angelica.

“Hindi na maganda… ang perfect ng lahat.

“Sabi ko nga, wala na, wala na akong hihilingin pa.

“Parang dumating ako sa point ng life ko na, ‘Gaano ba katagal itong magla-last? Puwede bang ma-maintain ko ‘to?’

“Kasi, para bang death na yung tomorrow. Parang ibinibigay na sa akin ni Lord ang lahat.

“Para bang wala nang maibibigay pa.”

Naniniwala ba si Angelica sa konseptong “a person can really complete you?”

Tugon niya, “Kasi, palagi ko ngang sinasabi, bago ko pinasok ang relationship na ‘to, sabi ko, ang pinaka-importante pala talaga ay mahalin mo ang sarili mo.

“Parang ako ang gumawa noon sa sarili ko.

“Buo ako. Kasi, I don’t… kaya akong mahalin ng ibang tao kung hindi ko mamahalin ang sarili ko.

“Kung paano ko naa-appreciate ang sarili ko.”



PIOLO & DIETHER. Sa kabila ng magandang relasyon nila, hindi ba nagseselos si John Lloyd sa kapareha ni Angelica sa teleseryeng Apoy Sa Dagat na si Piolo Pascual?

“Hindi… nakakagulat nga.

“Minsan may pagka-ano siya, lalo na kapag medyo may pagka-hunky talaga ang hitsura ng tao.

“Pero siya, hindi.”

Pero parang may “certain flirtation” daw kasi kapag magkasama sina Piolo at Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Angelica, “Hindi, kasi may certain joy kapag kami ni Piolo ang pinagsama.

“Siguro kasi bago naman pumasok sa picture si Lloydie, may ganoon na kaming friendship ni PJ [palayaw ni Piolo].

“I don’t think may… or wala sa huwisyo ni Lloydie na ‘iwasan mo ‘to,’ wala naman siyang ganoon.”

Si Diether Ocampo na nakatrabaho na niya dati ay katrabaho muli ni Angelica sa Apoy Sa Dagat.

Ano ang kaibahan nina Diether at Piolo?

Sagot ni Angelica, “Si Diet, parang palabiro dati.

“Ngayon, medyo para siyang nag-mature. Seryoso na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN