Vicki Belo and Hayden Kho: Back in each other’s arms?

Naintriga ang mga netizens dahil sa "nakakakilig" na posts ni Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram at Twitter accounts. Sa dalawang larawan ay kasama ng cosmetic surgeon ang kanyang ex-boyfriend na si Hayden Kho Jr. Tuloy, ang tanong ng marami ay kung nagkabalikan na ba ang dalawa?


Back in each other’s arms na nga ba sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.?

Ito ang nakakaintrigang tanong ng netizens ngayon dahil may mga “nakakakilig” na Twitter posts at Instagram photos ang nai-post ni Dra. Belo sa kanyang account (@VickiBelo).

Una na nga rito ay ang post niya noong February 2, 6:38 p.m. Nakasaad dito, “Here with the men in my life. Missing the most important one @quarklovesyou. @atomhenares Edward Mendez @haydenjr.”

Kalakip nito ang litrato kung saan kasama ni Dra. Belo ang dating asawang si Atom Henares, kaibigan at model sa kanilang clinic na si Edward Mendez, at ex-boyfriend na si Hayden Kho.

Post naman ng cosmetic surgeon sa Instagram kahapon, February 3, 5:03 p.m.: “Love is in the air and its not even Valentine’s day yet! My fantasy [come] true.”

Kasama rin sa post na ito ang Instagram photo kung saan kasama ni Dra. Belo si Hayden na may dalang malalaki at makukulay na balloons.

May mga followers si Dra. Belo na nagtatanong kung sila na ba ulit, pero hindi niya ito sinagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN