Nora Aunor immediately returns to work after recovering from illness

Sumabak na agad sa taping ng TV5 drama series na Never Say Goodbye ang Superstar na si Nora Aunor pagkatapos niyang makalabas ng ospital dahil sa pagtaas ng kanyang presyon.


Kagagaling lang sa ospital ng Superstar na si Nora Aunor, pero sabak agad siya sa taping ng upcoming TV5 drama-seryeng Never Say Goodbye kanina, February 4.

Matatandaang dapat ay nag-pilot episode na ang show last January 28, pero iniurong ito ng TV5 management dahil nagkasakit ang Superstar at baka mabitin ang mga episodes ng show dahil hindi nito kayang mag-taping.

Kuwento ni Nora sa Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, ngayong gabi, “Tumaas kasi ang BP [blood pressure] ko, 200/120, talaga… kaya ki-nonfine nila ako.”

Kahit nanghihina, sumabak agad sa maraming eksena si Ate Guy sa taping ng show sa isang bayan sa Rizal kanina.

Pero wala raw dapat ipag-aala ang mga fans sa kanyang kalagayan.

Natatawang sabi ng 59-year-old actress, Alam mo na, bumabata, siyempre hindi na natin kailangang itago.

“Dahil ilang taon na ako ngayon, thirty-nine, kaya kailangan talagang paminsan-minsan magpapahinga.”

Sa February 11 na magsisimula ang airing ng Never Say Goodbye pagkatapos ng Kidlat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN