Karylle is happy that mom Zsa Zsa Padilla is busy again

Natutuwa si Karylle na abala na naman sa trabaho ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla. Kasama ang Divine Diva sa ABS-CBN fantasy series na Juan dela Cruz. Saad ni Karylle, "Si Mama kasi is taping a lot, she gets tired more easily now. Kasi siyempre, mayroon siyang surgery before, kahit papaano apektado yun. But minsan, kasi ang physical pain, mas masakit pa yung emotional. Para maka-move on na rin talaga siya, e, okay na rin na sa kanya na busy siya. She is happy, but I think mor


Naunang ipinapareha at tinutukso sina Anne Curtis at Vhong Navarro sa It’s Showtime!.

Ngayon naman, ang Vice Ganda-Karylle-Jhong Hilario "love triangle" ang tampulan ng tukso sa noontime show ng ABS-CBN.

Sineseryoso tuloy ng iba ang punchlines minsan ni Jhong kay Karylle na baka nga may bahid ng katotohanan ang panunukso at biro ng dancer-TV host sa dalaga.

May ilan na ring nagtatanong kung hindi kaya pinagseselosan si Jhong ni Yael Yuzon, ang vocalist ng bandang Spongecola at boyfriend ni Karylle.

Sinagot naman ito ni Karylle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, February 3, sa ASAP 18.


“Jhong and Vice, love triangle kami,” pabirong kumpirma ng singer-actress.

“May mga friends kami sa Twitter na ViceRylle… mga ganyan. Inaabangan nila na may mangyaring something.

"Hindi naman siya [Yael] seloso, so okay lang naman.

“Biru-biruan lang naman, e. Parang sila Vhong at Anne, ganoon lang... kulitan.

“Wala namang nagseselos… ang nagseselos lang pala si Vice,” pahabol niyang sabi.

Pero nang tanungin ng PEP kung kumusta na ba sila ni Yael, matipid at iwas sumagot si Karylle tungkol dito.

“Hindi ko pinag-uusapan. Basta iyon na lang yun,” sabi lang niya.



NEW SEGMENT. Masayang nagkuwento si Karylle na may bagong segment ang It’s Showtime! na “Kalokalike” kung saan naghahanap sila ng mga celebrity-lookalike.

Sabi niya, “Marami kaming bagong games… nandoon na rin yung ‘Kalokalike.’

“Nag-guest na sa amin si Coco Martin, Tito Joey de Leon, Angel Locsin, Senator Bong Revilla… mga ganyan. Nakakatuwa siya."



MOVING ON. Balik-serye na rin ang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla, na naulila ng yumao nitong partner na si Dolphy noong isang taon.

Kasama si Zsa Zsa sa bagong fantaserye ng ABS-CBN na Juan dela Cruz.

Ayon kay Karylle, malaking tulong ito para maka-move on na nang tuluyan ang ina.

Ipinakita ni Karylle ang suporta sa ina nang dumalo siya sa nakaraang special screening ng Juan dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Nabisita ko na rin siya sa set ng Juan dela Cruz at nakita ko kung gaano sila ka-hardworking at mabusisi sa detalye.

“Noong napanood ko yung premiere night sa big screen, sabi ko, pampelikula ito.

“Hindi naman ako magugulat kung after maipalabas itong teleserye, magiging big hit ito dahil action-packed talaga yung mga eksena.

“Hindi nila tinipid at all, pinag-isipan nang mabuti.

“I think ang pinaka-proud ako, nakagawa sila ng bagong Pinoy superhero na bagung-bago… brand new.

"And for her to be part of this, sabi ko nga, ‘Ikaw ang queen of aswang.’

“Yes. Si Mama kasi is taping a lot, she gets tired more easily now.

“Kasi siyempre, mayroon siyang surgery before, kahit papaano apektado yun.

“But minsan, kasi ang physical pain, mas masakit pa yung emotional.

“Para maka-move on na rin talaga siya, e, okay na rin na sa kanya na busy siya.

“She is happy, but I think more than anything, it’s because it’s such a good project.

“Kagabi kami nanood at hanggang ngayon, hindi ako matigil sa kasasabi na, ‘Ang ganda, ang ganda, pang-pelikula!’

"Napakaganda talaga.”



NEW ALBUM. Kinumusta rin ng PEP si Karylle kung anu-ano ang mga nakalinya niyang gawin bukod sa Showtime.

“Right now, I just released my new single sa MYX, so everything about it.

“Nag-start na rin akong gumawa ng demo for my next album.

“Guest din ako sa show ni John Williams sa Meralco Theater with Jose Mari Chan this February.

“I’ll also be a part of ABS-CBN Philharmonic Orchestra this February din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN