Nadine Samonte misses StarStruck Batch 1 reunion; blames schedule and communication problem

Ayon kay Nadine Samonte, si Katrina Halili lang ang nakapagsabi sa kanya na magkakaroon ng StarStruck Batch 1 reunion. Aniya, “Ang nagsabi lang sa akin, thru DM [direct message] sa Twitter, dinirect message ako ni Katrina... at least may nagsabi sa akin, di ba?”


Naiinis at masama ang loob ni Nadine Samonte dahil hindi siya nakasama sa reunion ng ilan sa mga miyembro ng StarStruck Batch 1.

Magkasamang gumimik, nag-bonding, at nag-videoke last January 20 sa Centerstage Tomas Morato sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Cristine Reyes, Sheena Halili, Jade Lopez, at Katrina Halili.

Kabilang si Nadine sa grupong ito ng pinakaunang reality-based artista search ng GMA-7 noong 2003.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine last January 31, Huwebes, sa thanksgiving mass and dinner ng Kidlat sa Carte Blanche Restaurant sa Quezon City.

Nagpaliwanag si Nadine kung bakit hindi siya nakarating sa StarStruck reunion.

“Una po, nasa Sinulog [Festival] po ako noon.

“Tapos, pangalawa, ang nagsabi lang po sa akin na may reunion is… hindi naman ako sa nagtatampo sa kanila...

“Pero naiinis kasi ako, e, sa Twitter, na ang daming nagku-question sa akin, bakit hindi daw ako pumunta sa reunion.

“Sinasabi ko, ’Teka lang, meron akong Sinulog, di ba?

“At saka hindi mo naman ma-explain sa lahat ng tao yung nangyari... na parang hindi naman ako tinext, e."

OUT-OF-TOWN. Nalaman lang daw ni Nadine na magkakaroon ng reunion ang StarStruck Batch 1 sa Twitter account niya.

Sabi niya, “Ang nagsabi lang sa akin, thru DM [direct message] sa Twitter, dinirect message ako ni Katrina.

“Siya lang ang nag-invite sa akin thru direct message."

Sino ba ang in-charge sa pag-iimbita sa bawat member at sino ang nag-organize ng reunion?

“Hindi ko alam! That’s why…” sagot ni Nadine.

“Noong i-direct message niya [Katrina] ako, sabi ko, ‘Sige ita-try ko, pero kasi may Sinulog ako niyan.’

“Which is si Katrina din yung nag-direct message sa akin noong in-invite niya ako doon sa binyag ng anak niya... which is, hindi rin ako nakapunta.

“Friday po kasi iyon, may taping kami ng MWF [Monday-Wednesday-Friday] for Kidlat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POST-REUNION. Ayon kay Nadine, nakausap niya ang ibang ka-batch niya sa StarStruck pero tapos na ang reunion.

“Tapos, merong... si Jennylyn naman, nagkita kami noong Iloilo na, noong Dinagyang [Festival], noong tapos na silang mag-reunion.

“Tapos na yung reunion nila, so sabi niya, ‘Tinatawagan kita.’

“Sabi ko, ‘Wala namang tumatawag sa akin.’

“Yun pala, yung number na gamit niya, iba yung number...

“Kasi, pag number ang tumatawag or text na number lang ang lumalabas, hindi ako sumasagot talaga.

“Sabi ko, ‘Iba yung number mo sa akin, e.’”

Pagpapatuloy pa ni Nadine, “At least, may nagsabi sa akin, di ba?

“Thankful pa nga ako kay Katrina kasi nabanggit pa niya sa akin, di ba? So, okay lang.”



COMMUNICATION. May contact pa ba siya with the other StarStruck members, o nagkikita pa ba sila?

“Hindi, hindi na.

"Kasi Siete [GMA-7] sila, e, Singko [TV5] ako, e, at iba-iba ang schedules, e.”

Nasa GMA-7 sina Mark, Jennylyn, Yasmien, Sheena, Dion Ignacio, at Katrina; si Cristine ay nasa ABS-CBN; habang sina Nadine at Rainier ay nasa TV5.

Si Jade naman ay medyo nag-lie low sa kanyang showbiz career, pati na sina Alvin Aragon, Anton dela Paz, at Christian Esteban.

Yumao naman na ang isang ka-batch nila na si Tyron Perez noong 2011.



NEXT AFFAIR. Magkakaroon daw ulit ng reunion ang StarStruck Batch 1. A-attend na na si Nadine dito?

“Sabi nga... hindi ko rin alam,” sagot ni Nadine.

Last Sunday naman, February 3, ay nagkaroon ng production number sa Party Pilipinas ang karamihan sa mga produkto ng lahat ng seasons ng StarStruck.

Ang ilan sa mga nag-perform na Kapuso artists pa rin hanggang ngayon ay sina Mark, Jennylyn, at Dion ng Batch 1; sina Mike Tan, LJ Reyes, at Kevin Santos ng Batch 2; si Vaness del Moral ng Batch 3; sina Kris Bernal at Chariz Solomon ng Batch 4; at sina Diva Montelaba, Enzo Pineda, at Steven Silva ng Batch 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN