TV5 exec Perci Intalan on talk that Sharon Cuneta wants to go back to ABS-CBN: "Parang ayaw ko naman maniwala na siya yung nagpaparamdam..."

Perci Intalan reacted to rumors that Sharon Cuneta wants to go back to ABS-CBN, "To be fair, hindi naman sa ano, no, pero si Sharon Cuneta na siya. Parang ayaw ko naman maniwala na siya yung nagpaparamadam. Any network, you know, would want to work with Sharon. Kaya I think it’s unfair na hayaan naming kumalat yung tsismis na siya yung nagpaparamdam."


Ini-launch kahapon, February 4, ang pinakabagong singing search ng TV5 na Kanta Pilipinas sa Broadway Centrum.

Isang recording contract at one million pesos ang pinaglalabanan ng 24 hopefuls ng Kanta Pilipinas na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa nasabing press launch ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang first vice president for Creative and Entertainment Production ng TV5 na si Perci Intalan.



KEEPING SHARON. Isa sa mga nilinaw ni Perci ang biglaang pagkawala sa ere ng talk show ng Megastar na si Sharon Cuneta—ang Sharon, Kasamo Mo Kapatid.

Nagsimulang umere ang show ni Sharon noong May 14, 2012 at nag-last episode noong January 11, 2013.

Ani Perci, “Nag-apologize na din naman kay Sharon. Sorry na hindi na-explain sa [kanya] before it happened.

“And I think, you know, after napag-usapan yun, even kay Boss Vic, naging maayos na rin. It did not become a big issue anymore.”

Si "Boss Vic" ay si Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Entertainment at siyang humahawak sa career ni Sharon.

Kung ganun ay hindi totoo ang bali-balitang nagpaparamdam diumano si Sharon na nais na niyang bumalik sa pinanggalingang istasyon, ang ABS-CBN?

Sagot ni Perci, “Uhm, nakarating sa ‘min yun.

"To be fair, hindi naman sa ano, ’no, pero si Sharon Cuneta na siya.

“Parang ayaw ko naman maniwala na siya yung nagpaparamadam. Any network, you know, would want to work with Sharon.

“Kaya I think it’s unfair na hayaan naming kumalat yung tsismis na siya yung nagpaparamdam.

“You know, she’s been very vocal about, you know, very personable siyang tao, e.

“There are people that she’s still close to there. And she’s still in touch with them.

“Pero hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tsismis na she’s asking them to go back.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Perci, mayroon nang mga nakalatag na proyekto para kay Sharon sa TV5 ngayong taon.

Paglalahad niya, “Marami, actually. May a few nga…

“We’re really waiting for her to come back para ma-discuss which one she wants to do first, how to go forward.

"Tsaka baka she has other ideas.”

Kung magkakaroon man daw ng season two ang talk show ni Sharon ay pinag-iisipan pa ng management.

CONTROVERSIES. Marami ang naghinuha na baka dahil sa kontrobersiyang kinaharap ng Megastar, na may kinalaman sa kanyang pagsagot sa online bashers, kaya biglang nawala sa ere ang show niya.

Itinanggi naman ito ng TV5 head.

Sabi ni Perci, “Hindi naman, hindi naman.

"I think that she has already addressed herself... di ba, na-interview na rin naman siya about it?

“Yung end of season kasi natapat lang na end of year.”

Hindi rin daw mababang ratings ang dahilan ng pagkawala ng show, ayon pa kay Perci.

“Hindi, hindi naman.

“Actually, nakailang seasons rin kami, di ba… three? Three seasons kami. Kasi summer kami nagsimula, e.

"So, yeah, not bad.

“And again, we are not closing our doors naman to doing another season of the show.

"Nakita rin naming magandang style yun, e. Titigil muna tapos babalik.”

Isa sa pinakamahalagang kunsiderasyon diumano ng TV5 ay kung anong klaseng proyekto ang magugustuhan ng Megastar.

Patuloy ni Perci, “So we’ll sit down again, and we’ll sit down with Boss Vic [del Rosario] also, with Miss Sandra [Chavez].

"We’re looking forward to find out kung ano yung gusto niyang gawin next.

“Kasi, ultimately, lalo na for her, maganda yung what she’s most excited about.

“Ayaw namin kami yung mag-impose na eto yung kailangang gawin. Kailangan something that she really feels excited about also.”

HANDLING THE CONTROVERSY. Hindi na rin naiwasang itanong kay Perci kung bakit hindi nagbigay ng pahayag ang network sa kainitan ng kontrobersiyang hinarap ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Perci, “Hindi, ganito, between Ms. Sandra tsaka si Boss Vic, tiwala kami dun.

“Yung sa ‘min is, wag na.

"Kunyari our own shows, hindi na namin ginagawang malaking story or anything, kasi what’s the point?”

Gayunpaman, hindi rin naman daw nila mapipigilan ang pagkalat ng balita.

Wika niya, “Hindi na namin inaano… hindi naman namin puwedeng sabihin, ’Wag, wag ganyan.’

“Tsaka alam natin na social media, e. Lalo na ngayon, napakabilis humusga ng mga tao. Pero napakabilis rin mawala, di ba?

“Hindi, tsaka, una, tiwala kami dun. She’s a very intelligent woman. She knows how to handle herself.

“She’s been in this industry for a long time. So ayaw na namin masyado makialam kasi baka…

"Una, hindi naman kami in the business of managing her.”

Bilang nasa ilalim daw ng management ng Viva si Sharon, kinonsulta rin nila kay Boss Vic ang sitwasyon.

Wika pa ni Perci, “Between Boss Vic tsaka Miss Sandra, sila talaga yung nag-alaga sa career niya, e, di ba, from the time she started?

“Kaya kami, parang, at most, sinasabi namin, ‘O, Boss Vic, may lumalabas sa… ‘A, ganun ba?’ Okay na. Then humuhupa… kita n’yo naman, e, wala na.

“Di ba, may sasabog, may puputok, then bukas-makalawa, may bago nang sasabog at may bago nang puputok.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN