Who will be Derek Ramsay’s date on Valentine’s Day — Nadine Samonte or Cristine Reyes?

Sa dalawang babaeng nali-link ngayon kay Derek Ramsay, sino kaya kina Nadine Samonte at Cristine Reyes ang magiging ka-date ng aktor sa Valentine’s Day? Sagot ni Derek, “On Valentine’s Day, I won’t be hanging out with Cristine unless it’s all of us going out, like a group thing. But kaming dalawa lang, hindi mangyayari yun... Maybe Nadine and I may be able to go out on Valentine’s day, but for now, there’s no plans pa.&


Hindi nakitaan ng kapaguran si Derek Ramsay sa sunud-sunod na interview at picture-taking kahapon, February 5, sa event na “There’s Only Dunkin’ Donuts For Me” sa main store ng Dunkin’ Donuts sa Mandaluyong City.

Isa raw kasing magandang pangregalo sa mga minamahal ngayong Valentine’s ang ini-endorse niyang donut, pero magiging masaya rin kaya ang Valentine’s ni Derek ngayong taon?

Tugon niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I don’t know who am I to go out with.

“The last Valentine’s, I went out with my ex.

“I don’t know, I don’t know what’s lined up… but the times that I was single, I wasn’t looking for someone for Valentine’s.

“I don’t usually go out to celebrate Valentine’s.

"But lahat siguro ng mga friends ko na single, who will go out and celebrate, maybe that’s what will happen this year.”



NADINE SAMONTE. Dalawang babae ang nali-link ngayon kay Derek—sina Nadine Samonte at Cristine Reyes.

Pero sa magkakahiwalay na interview ay sinabi ng tatlo na kaibigan lang ang turing nila sa isa’t isa.

Pero ang ipinagtataka ng PEP ay alam ni Derek ang schedule ng dalawang StarStruck alumnus.

Nang matanong namin kay Derek tungkol kay Nadine, na co-star niya sa TV5 series na Kidlat, alam na alam ng aktor ang detalye kung saan ang dalaga.

Sabi ni Derek, “Nadine, right now she’s in Marinduque shooting a movie for Cinemalaya…”

Patungkol naman sa kanilang serye, namatay na noong Huwebes ang karakter ni Nadine, pero ayon kay Derek, “Wala pa siya sa set ng Kidlat pero tingnan natin kung may mga magaganap.”

Madalas maibalita noon na pag break sa taping ay lumalabas sila ni Nadine, kasama ang co-star nilang si Baron Geisler, para kumain.

Ngayon ba ay lumalabas pa rin sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, actually yes, it’s been what... a week and a half, two weeks, since her [Nadine] character passed away. We’ve hang out after that.”

CRISTINE REYES. Birthday naman ni Cristine Reyes kahapon, February 5.

Nang makausap ng PEP ang Kapamilya actress, sinabi nitong sa Boracay siya magsi-celebrate ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya niya.

Pero tila updated si Derek sa schedule ni Cristine nang sinabi naming nasa Bora pa yata ang kaibigan.

Aniya, “Wala na siya sa Bora, nandito na siya. She’s in Bora February 1 to 3, but she’s back.”

Dagdag pa niya, “Salubong nga niya yesterday… I was supposed to follow to her party pero late na kami na… late kami natapos ng taping so hindi na nakapunta.

“But yesterday afternoon [February 4], I had a break sa taping and we went out and we had lunch.

“So that was my gift to her, so lumabas kami.”



DEREK’S VALENTINE... So puwede kayang isa kina Nadine at Cristine ang maging ka-Valentine’s date niya?

Natatawang sagot ni Derek, “On Valentine’s Day, I won’t be hanging out with Cristine unless it’s all of us going out, like a group thing.

“But kaming dalawa lang, hindi mangyayari yun.”

Paliwanag pa niya, “Cristine and I don’t look at each other that way, so it’s kinda weird if the two of us going on a date on Valentine’s day.

"I don’t know... maybe Nadine and I may be able to go out on Valentine’s day, but for now, there’s no plans pa.”



PAMBANSANG PLAYBOY? Kumakalat na ngayon ang bansag kay Derek na “Pambansang Playboy.”

Nag-ugat marahil ito sa mga role na ginagampanan niya sa pelikula, sa pagkaka-link niya kay Nadine, at sa paglabas-labas nila ni Cristine.

Ano ba ang masasabi niya dito?

“What can I do? She’s [Cristine] my friend and will continue to be her friend, even though may mga intrigang nangyayaring ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And today is her birthday but yesterday I took her out for lunch.”



SUPERHERO SERYE. Tatlong “heroserye” ang natutunghayan ngayon ng mga Pinoy sa tatlong pinakamalalaking istasyon sa bansa.

Unang napanood ang Kidlat ng TV5 noong January 6 sa movie made for TV episode nito. January 7 naman ito nagkaroon ng regular run sa TV5.

After one week, January 14, nag-pilot naman sa GMA-7 ang Indio na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

Noong Lunes, February 4, nag-pilot episode naman ang Juan Dela Cruz ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Sinasabing “three-cornered fight” na ang labanan ng tatlong programa, pero very sport si Derek tungkol sa development na ito sa primetime TV.

Aniya, “First, I wanna congratulate Juan Dela Cruz, they had a very good pilot.”

Paano niya nasabing “good pilot.” Napanood ba niya?

Ayon kay Derek, hindi niya ito napanood pero may mga nag-tweet daw sa kanya.

“I was tweeted, I saw the tweets and the feedback.

“I’m not competing with them or Indio or Juan Dela Cruz.

“We’re just here to do a good show and so far so good.

“Our show’s rating, kids are happy... parents of these children, even yung mga lalaki, astig na astig sila sa show namin.

“That’s the only focus I have.”

Dagdag pa ni Derek, “Right now, the story of Kidlat is getting better and better.

“Nag-uumpisa na yung mga kalaban ko, halimaw, iba’t ibang characters.

“And yung bagong loveteam ko na si Ritz Azul, may mga kilig moments kami ni Ritz.

“And may mga twists and turns na mangyayari pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN