(UPDATED) Is Mariel Rodriguez jealous about Robin Padilla’s intimate scenes with Anne Curtis and Kris Aquino?

“NO. IT’S NOT OKAY.” Ito ang nakakaintrigang post ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account. Dahil dito ay marami ang naiintriga kung ano ang pinatutungkulan ng TV host. Ngunit hinuha ng ilan ay may kinalaman ito sa intimate scenes ng asawa ni Mariel na si Robin Padilla sa primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw.


Tila naaapektuhan na si Mariel Rodriguez sa intimate scenes ng kanyang asawa na si Robin Padilla sa ABS-CBN teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw.

Dalawa ang leading ladies ni Robin sa teleserye— sina Kris Aquino at Anne Curtis.

Noong unang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Rey Pumaloy si Mariel noong Enero 25, sa presscon ng Wowowillie, sinabi nitong napanood niya ang pilot episode ng teleserye ni Robin.

Pero nang tanungin kung kaya ba niyang panoorin ang love scenes ng asawa sa leading ladies nito, sinabi ng TV host na, “Ah, I don’t know yet, e. Pero feeling ko, dapat huwag na lang, dapat huwag na lang.

“Kasi feeling ko, hindi naman makakatulong sa marriage. Makakatulong ba?

“Siyempre, bilang babae, masakit pa rin yun, di ba? Mahe-hurt ka pa rin doon.

“So, para wala na lang na ganoong moment, mas okey na hindi ko na lang siguro papanoorin.

“Pero I’m sure may magtu-twit sa akin. I’m sure may mag-aano…

“Kasama talaga yun. Iyon yung trabaho, e. Kaillangan mong paghandaan yun.”

Ngunit nang matanong kung masasanay na ba siya sakaling ang mga susunod na proyekto ni Robin ay mayroon din kissing scenes, lumabas ang pagiging asawa ni Mariel.

Aniya, “Ayoko namang masanay… Ano ’to? Super-share? Buffet?

“So, as much as possible… pero depende, e.”

(CLICK HERE for related article.)



“IT’S NOT OK.” Ngunit base sa sunud-sunod na posts ni Mariel sa kanyang Instagram account (@marieltpadilla) ngayong araw, Pebrero 6, ay tila apektado na siya sa ilang eksena ng asawa sa teleserye.

Mayroon kasing balita na tila hindi na nagugustuhan ni Mariel ang intimate scenes ni Robin.

Gayunman, hindi malinaw kung sino sa leading ladies ng aktor ang pinagseselosan ng TV host.

Ang unang post ng 28-years-old na Wowowillie host ay isang larawan na mayroong caption na “only human.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalagay sa larawan ang mga salitang “Of course I get jealous when they hug you, because in that moment, they have my whole world in my arms.”

Naka-tag naman sa sumunod na post ni Mariel ang Instagram account ng kanyang 43-year-old na asawa.

Ang mensahe naman na nakalagay sa picture ay: “NO. IT’S NOT OK.”

Sinundan ito ng isang larawan na mayroong paulit-ulit na sinabing: “I DO NOT CARE.”

Sa Twitter account (@marieltpadilla) naman ni Mariel ay sinabi nito na, “U think its okay because it has to be okay but ITS NOT. That’s life”

Medyo naging positibo naman ang mood ng aktres sa sumunod niya na posts.

Aniya, “Time to put on my smile ☺ haha parang headband lang? Ahhahaha sinusuot? Hahaha ☺ don’t forget to wear yours!!! Haha”

“happiness is a choice”

Kalakip nito ang isang larawan kung saan sinasabi na, “‘being happy doesn’t mean that everything is perfect. It means that you’ve decided to look beyond the imperfections.’- Unknown”

Kasama pa rin ng nabanggit na larawan, matapos ang quote na iyon ay nakalagay ang salitang “happiness.”

Sa huili, ibinaling ng TV host sa ibang topic ang kanyang post nang banggitin niya na huling araw na ng kanyang “master cleanse.”

“last day of master cleanse!!! this is all i can think of!!! Hahaha,” at kasama nito ang larawan kung saan paulit-ulit na nakasulat sa isang speech balloon ang salitang “food.”


MARIEL’S "JOKE." Samantala, sa Wowowillie ngayong tanghali ay tila nakumpirma ang "pagseselos" ni Mariel kay Robin.

Sa opening spiels kasi ng lahat ng co-hosts ng TV5 noontime show ay sinabi ni Ate Gay na guest sa Saturday edition ang Superstar na si Nora Aunor.

Nang tanungin ni Ate Gay kay Mariel kung kailan naman kaya makakadalaw si Robin sa kanilang show, ang sagot ni Mariel ay, “Busy yun. Busy yun...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tapos, parang nagtawanan silang lahat.

Sunod na sinabi ni Mariel na may halong tawa: “Maraming niyayakap na babae yun!”

Ayon naman sa isang malapit kay Mariel, baka nga selos ang dahilan ng pagpu-post ng mga ganung mensahe ng TV host sa Instagram. Hindi raw kasi ito sanay na nakita ang asawa sa mga ganung klaseng eksena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN