Eula Caballero clarifies statement that Daniel Matsunaga is not "boyfriend-material"

Ito ang paliwanag ni Eula Caballero sa isyung sinabi raw niyang hindi niya type si Daniel Matsunaga: "Kasi I’m too childish for him and he’s a grown-up man. So, parang it’ll look funny na kaming dalawa."


First shooting day ng pinagsasamahang comedy film nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Joey Marquez, Ogie Alcasid, at Michael V na Raketeros kahapon, February 5.

Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kinukunan ang isang eksena nina Mayor Herbert sa isang bahay sa may Kamuning area sa Quezon City.

Kaeksena niya rito ang komedyanteng si Lassie at Kapatid talent na si Eula Caballero na gumaganap bilang kanyang anak.

Nagtaka ang ilang kasamahang manunulat kung paano napasama si Eula sa nasabing pelikula.

“Noong una, there has been a problem dito, pero naayos naman nila,” simula ni Eula.

Nagbiro pa nga si Herbert na, “Anak ko siya dito sa pelikulang ito. Sa next movie, leading lady ko na.”

“Why not? Eighteen na ako nun,” nakangiti namang sagot ni Eula nang itanong namin ang tungkol sa biro ni Mayor Herbert.

“Fun naman. Oo, it’s fun lalo na kung comedy.”



YOUNG "NORA AUNOR." Nag-taping kamakailan si Eula para sa upcoming TV5 primetime series na Never Say Goodbye, kaya nabalitang papasok na siya sa cast.

Tampok sa serye sina Nora Aunor, Cesar Montano, Alice Dixson, Gardo Versoza, at ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Pero paglilinaw ni Eula, “Flashback lang po. Young Nora Aunor."

Pagkatapos nito ay ipinakita niya sa amin ang picture niya na nakaayos bilang character ni Ate Guy sa nasabing series.

Patuloy ni Eula, “Siya kasi dapat po gagawa noong flashback niya. May sakit siya sa lalamunan niya at hindi siya puwedeng basain.

“Kasi may eksena na matinding basaan, na bumabagyo... ganyan.

"Hindi siya puwede so they have to get a younger star na lang.”

Pinaitim nga raw siya nang konti at nilagyan ng nunal para makahawig ni Ate Guy.

“Personal make-up artist niya yung gumawa,” sabi pa ni Eula, kaya malaki raw ang naging pagkakahawig nila ng Superstar nang siya ay maayusan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DANIEL MATSUNAGA. Nabalitang sinabi raw ni Eula na hindi "boyfriend-material" para sa kanya ang kanyang co-star sa Third Eye na si Daniel Matsunaga.

Pero paglilinaw muli ni Eula, “Uy, hindi naman.

"Yun nga yung lumabas na balita, e. Ang rude ko naman if I would say that.

“What I said is that, for me, as a girl, I don’t find Daniel as someone I could be in a relationship right now.

“Kasi I’m too childish for him and he’s a grown-up man.

"So, parang it’ll look funny na kaming dalawa.

“So, I don’t know, pero in the future po, why not naman? We all grow…”



VALENTINE’S DATE? Pinapayagan na ba siyang mag-date, especially ngayong parating na ang Valentine’s Day?

“Puwede naman actually.

"Mom ko nga, sobrang excited sa gano’n, pero ewan ko ba... I don’t know what’s wrong with me.

"Kasi ako, I’m a very simple girl naman. Hindi ako yung parang maghahangad nung tipong sobrang luxurious or sobrang fancy na date.

“Yung simple lang.

"Kung akong-ako, I would appreciate the guy who would go to my house and would prepare food for us. And then mag-prepare ng table sa garden namin.”



IVAN DORSCHNER. Na-link ang pangalan ni Eula dati sa Pinoy Big Brother Teeen Edition runner-up na si Ivan Dorschner.

Sabi ng Kapatid talent, “Si Ivan Dorschner? Yeah, because we worked in a movie.

“And siguro nung time na yun, hindi pa pinapalabas and wala pa ring mga press release masyado na ganito-ganyan... na we are working together.

“And siyempre, may mga nakakita, kasi we were shooting sa MRT station po ng… yung sa may Trinoma po.

“Ayun, nando’n kami. And pagka-pack-up naming dalawa, biniro lang niya ako. Kinarga niya ako pababa.

"Pero biro lang talaga yun. Maloko lang talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala nila… kasi may mga nakakita and napag-usapan sa Twitter na ganito-ganyan."

Niligawan ba siya ni Ivan?

“Never.”



NEXT FHM COVER GIRL? Sa May 23 ay magde-debut na si Eula. Sakali, puwede na rin ba siyang magpa-sexy o mag-cover sa FHM magazine?

“Ayoko na lang siguro sabihin ‘ayoko,’ baka gawin ko din, e!” natawa niyang sagot.

Yung January 2013 cover ni Marian Rivera sa FHM, hindi todong naghubad ang Kapuso actress pero naging mabenta.

“A, yeah, oo naman. Tsaka as long as...” maganda raw ang execution ng shots.

“Tsaka yung kay Ritz [Azul] tsaka kay Meg [Imperial],” pagtukoy niya sa kapwa niya Kapatid stars na naging cover girls na rin ng nasabing men’s magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN