Valeen Montenegro on maintaining sexy figure with help of gym-instructor boyfriend: “Baka kapag nagkaroon ako ng bilbil, breykin ako!”

Valeen Montenegro is getting positive feedback about her hosting skills in TV5 shows like Artista Academy (2012) and Jeepney Jackpot Pera o Para. What if her previous network, ABS-CBN, offers a new project to her, will she accept it? She replied, “I will think about it really hard. I won’t close [my doors] for opportunities.”


Marami ang nakapuna sa magandang pangangatawan ngayon ni Valeen Montenegro.

Kaya naman na-curious ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kung ang pagbabawas niya ng timbang ay tanda ng bagong image na nais niyang i-project.

Natawa naman ang TV host at sinabing “healthy image” ang nais niyang ipakita sa mga tao.

Aniya, “I’m super sporty.

“So mahilig ako mag-gym, mahilig ako mag-sports, so gusto ko ‘yong healthy ‘yong itsura ko.”

Nakausap ng PEP si Valeen sa presscon ng Jeepney Jackpot kanina, Pebrero 6, sa Flip Bistro sa Tomas Morato, Quezon City.



POSE FOR FHM. Tinukso tuloy si Valeen na tutal ay sexy na siya, mag-pose na rin siya sa men’s magazine na FHM.

Ilang Kapatid talents na rin kasi ang nag-pose sa FHM tulad nina Ritz Azul at Meg Imperial.

“Actually, nililigawan na ako ni Xander [Angeles] ngayon na mag-FHM,” pag-amin ni Valeen.

“Pinag-iisipan ko talaga siya.

“Tatanong ko muna yung peg, kung ano yung… kung kaya ko."

Ano ba ang kaya niya?

Napatawa nang malakas ang TV host at saka sinabing, “Hindi ko kaya yung walang suot talaga.

“Swimsuit siguro kaya ko, parang as long as edgy siya tingnan, hindi yung bastusin tignan.

“Kunwari, white polo tapos mag-posing-posing ka na ganyan, kaya ko yung gano’n.”

Twenty-five ang waistline ngayon ni Valeen, na kanyang na-achieve na rin dahil sa kanyang boyfriend na isang gym instructor.

“Kaya nakabantay sa akin!

“Baka kapag nagkaroon ako ng bilbil, breykin [break] ako!” biro pa niya.



HOSTING CAREER. Samantala, maganda ang feedback na nakukuha ni Valeen sa pamamaraan niya ng paghu-host.

Gayunman, sa limang taon niya sa dating istasyon na ABS-CBN, hindi siya nabigyan ng break pagdating sa pagho-host.

Pero ani Valeen, “Hindi naman sa hindi ako nabibigyan sa kabilang station.

“Feeling ko lang kasi, yung TV5, mas nagke-cater siya sa kung ano yung willing kong ibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sinabi ni Eugene Domingo, ‘no acting-acting,’ gano’n, so mas masaya talaga.”

Bukod pa sa paghu-host, kasama rin siya sa sitcom na Lokomoko U.

Ang dalawang bagay na ito, ayon kay Valeen, ay bagong “discovery” para sa kanya.

“Kasi hindi ko naisip na I ca be a funny person sa Lokomoko, na makakasama ko sina JC [de Vera], sina Arci [Muñoz], sina Empoy, ganyan.

“Sobrang masaya ako, kasi natututo pa rin ako, e.

“Kasi yung timing naman, you don’t learn it overnight, e.

"‘Tas with the help pa of Ate Tuesday, ganyan, nakakatulong din sila.”

Hindi ba siya nahihirapan na magpatawa, lalo na dahil noong magsimula siya ay nalinya siya sa mga drama series tulad ng Ysabella (2007)?

“Ako kasi, I’m not scared to look stupid?” patanong na sinabi ni Valeen, na tila hindi sigurado kung tama ba ang salitang nagamit para ipaliwanag ang nais niyang sabihin.

“So, mas gusto ko nga yung mukha akong stupid, kasi feeling ko, mas nakaka-relate ako.

"’Tsaka character ko rin kasi ‘yon, so mas nakaka-relate ako sa ibang tao.”

Maingat naman ang naging sagot ng TV host nang tanungin kung sakali na mapansin siya ng Kapamilya network at magbigay ng offer, tatanggapin niya ba ito?

Sagot ni Valeen, “I will think about it really hard.

“I won’t close [my door] for opportunities.

“Pero as of now, hindi ko iiwan ang Jeepney Jackpot, sobrang ang daming potential, [and] ang laki ng potential ng show kaya hindi ko talaga iiwan ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN