Mariel Rodriguez apologizes to Robin Padilla on Instagram: "...sorry for being such a brat!”

Ito ang dalawang larawan na ipinost ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram, kung saan nilagyan niya ng caption na: “i miss you so much robinhoodpadilla sorry for being such a brat!”


Happy na ulit ang tono ni Mariel Rodriguez sa kanyang Twitter at Instagram accounts (@marieltpadilla).

Matatandaang kahapon, February 6, heto ang ilan sa mga posts ni Mariel: "Of course, I get jealous...," "only human," at "NO. IT’S NOT OK."

Walang direktang binanggit si Mariel tungkol sa pinanggalingan ng kanyang mga posts. Pero ang tingin ng mga nakakakilala sa host, may kinalaman ito sa episode ng seryeng Kailangan Ko’y Ikaw noong February 5, kung saan ipinalabas ang kasalan at honeymoon scene ni Robin Padilla at leading lady/ ex-girlfriend na si Kris Aquino.



TWITTER. Kaninang hapon, heto ang naging tweet ni Mariel: “thank you very very much ate kris!!!! :).”

Hindi malinaw kung ano ang ipinagpasalamat ni Mariel kay Kris dahil wala ito sa conversations nila sa Twitter.

Ang sagot ni Kris, “I’m so happy we talked. Be happy forever okay? RT @marieltpadilla: thank you very very much ate kris!!!! :)”

At ang sabi ni Mariel, “@krisaquino214 yes ate kris!! love you!!! thank u again. im on my way home,” ang kasunod namang twit ni Mariel.

Ang recent post ng 28-year-old na misis kaugnay sa kanyang isyu, “Wipe your eyes by Maroon 5 ☺”

INSTAGRAM. Nag-post naman si Mariel sa kanyang Instagram ng picture ng bouquet of flowers na may caption, “thank you babe robinhoodpadilla.”

Kasunod nito ay dalawang litrato ng couple: ang una, nakayakap si Mariel sa asawa; ang pangalawa, sinusubuan siya ng pagkain ni Robin. Ang caption na nakalagay sa picture ay, “i miss you so much robinhoodpadilla sorry for being such a brat!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN