Jake Vargas on non-committal relationship with Bea Binene: “Akala mo talaga, kami. Pero friends talaga kami ni Bea.”

May alinlangan si Jake Vargas sakaling buwagin ang loveteam nila ni Bea Binene. Pag-amin niya, “Si Bea kasi, matagal ko nang kasama. Normal na lang sa akin yung hawakan ang kamay… tinginan… Natatakot din kami dahil baka dumating yung time na i-partner na kami sa iba.”


Hindi pa malinaw kay Jake Vargas ang balitang bubuhaying muli ang loveteam nila ni Bea Binene.

Walang maibigay na detalye si Jake tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, February 3, sa Party Pilipinas.

Nasabi lang ng young actor na umaasa siyang matuloy ang balik-tambalan nila uli sa telebisyon ni Bea.

Ang huling team-up ng dalawa ay sa nagwakas na seryeng Angelina del Cielo.

Pero kung oobserbahan sina Jake at Bea sa studio ng GMA-7 tuwing Linggo, makikitang very close pa rin ang dalawa.

Kaya tinanong ng PEP si Jake kung ano ba talaga ang estado ng samahan nila o closeness ni Bea.

Natawa si Jake at hindi halos makasagot nang diretso.

“Yung friendship namin na mataas na mataas na mataas! Joke!” bulalas niya.



VERY CLOSE. Sinabi namin kay Jake na walang naniniwalang friends lang sila ni Bea dahil sa nakikitang sweetness nila sa isa’t isa.

“Talaga?” reaksyon muna niya at saka nagpaliwanag.

“Sabi nga ng iba… pero yun talaga yung closeness namin ni Bea.

“Akala mo talaga, kami. Pero friends talaga kami ni Bea,” giit niya.

Kahit sinasabi ni Jake na magkaibigan lang sila ni Bea, marami pa rin ang duda.

Kaya tinanong namin muli si Jake kung hindi pa nila puwedeng i-reveal ang tunay na status ng closeness nila ni Bea.

“Puwede naman,” nangingiti at pabirong sagot niya.

“Sa ngayon kasi, inaatupag muna namin ang career namin.

"Ayaw muna naming isipin yung boyfriend-girlfriend.

“Sa ngayon, tutok muna sa career.

"Pero darating naman yung time na yun na kung kami, kaming dalawa.”



UNOFFICIAL. Masasabi bang kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Bea ay non-committal relationship—o may unawaan pero walang commitment?

“Oo naman. Nangyayari yung ganoon... kami ni Bea, parang ganoon,” amin ni Jake.

Ibig sabihin, sila, pero hindi official?

“Oo, hindi official,” kumpirma niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung maipareha sila sa iba na meron na pala silang “understanding?”

“Yun nga ang pinag-uusapan namin ni Bea.

"Kami ni Bea, matagal na kaming nagsama.

“Kaya kapag may ipinartner sa aming iba, siyempre mangangapa muna kami…

“Kung paano namin iisipin na super close na kami kahit nagsisimula pa lang yung team-up.

“Si Bea kasi, matagal ko nang kasama. Normal na lang sa akin yung hawakan ang kamay… tinginan.

“Hindi kami nahihiya sa isa’t isa.

“Natatakot din kami dahil baka dumating yung time na i-partner na kami sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN