Jennica Garcia on tackling mother roles: “Baklang babae kasi ako, obviously naman at kahit itago ko, hindi ko yun maitatago.”

Isinantabi ni Jennica Garcia ang isyung hindi raw boto ang Mommy Jean Garcia niya sa boyfriend na si Alwyn Uytingco. “At si Mommy, with how she treats Alwyn now, iba na siya. Siya na nga ang pinagluluto, hindi na nga ako.”


Ang huling teleserye ni Jennica Garcia sa GMA-7 ay ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? na sinundan ng bagong pang-hapong serye na Bukod Kang Pinagpala.

Ayon kay Jennica nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bago niyang project noong February 5, hindi isyu sa kanya ang apat na buwang wala siyang regular show.

Sabi niya, “Naranasan ko yung nine months na wala, kaya itong four months na ito, wala— kering-keri.”


R& R. Ginugol ni Jennica ang apat na buwang pagkakataon para magbakasyon at magbiyahe sa labas ng bansa.

Kuwento niya, “Yung isang out-of-the country, aming dalawa ni Alwyn [boyfriend Alwyn Uytingco], pumunta kami ng Singapore, almost a week kami.

“’Tapos, kami naman ni Mommy, together with Alwyn din, almost one week din sa Bangkok. Nag-Hong Kong din pala kami."

“Pero, yun naman ang mga hindi magawa kapag may show.

“Ako naman usually, kapag alam kong walang kasunod, we plan it ahead of time na.

“Tapos, kumukuha na rin kami ng ticket early para cheaper. Yung ganoon.”

Ayon kay Jenny, hindi siya ang tipong artista na kapag walang trabaho, nagpa-panic na o nangangalampag sa network para sa susunod na project.

“Hindi. Tiwala naman kasi ako kay Lord na hindi niya ako pababayaan, na magpo-provide siya for me and, at the same time kasi, may contract naman ako sa GMA-7. Alam ko naman na hindi naman.

“At saka, iniisip ko palagi na wala pa sigurong role for you, ito na lang muna.

“And I make it a point naman na if I have free time, hindi ko sinasayang.

“Kasi, during work hours, ang dami mo rin iniisip na kapag napahinga, ito. So, pantay lang.”


MOTHER ROLES. Walang kaso para sa 23-year-old actress ang gumanap bilang isang ina sa Bukod Kang Pinagpala, kung saan makakasama niya sina Jackie Rice at Camille Prats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “This is my first mother role ever. I’m very happy kasi at least, iba naman.”

Okay na ba sa kanya ang gumanap ng nanay?

“Okay sa akin,” ang mabilis niyang sagot.

“Actually, okay sa akin ang kahit na anong role basta hindi bastos. At saka, wala namang masama sa role.”

Nagpasalamat pa si Jennica nang malaman niya na "nanay" ang gagampanan niyang karakter lalo pa nga’t sa kanilang tatlo, siya ang pinakabata.

Lahad niya, “Wala akong dalawang isip kasi, noong unang sinabi na may project ka na, ‘Thank you, Lord.’

“Okay lang ba na mother role? ‘Thank you, Lord.’ Pareho lang. At na-excite lang ako na mother role, at least… bago.

“Kasi, alam mo yung kapag lagi ka kasing nagpapakilig?

“Minsan, ang hirap na rin baliin lalo na kung ibang show na, ibang pagpapakilig naman. Yung ganoon.

“E, minsan, nakakakaba rin. Ang kaba ko naman dito, yung hindi ako magmukhang nanay.

“Kailangan, kapag nakita nila, ‘Ah, nanay ito.’”

Sa aspetong iyon, paano ba niya magagawang “convincing” na nanay na nga siya?

“Baklang babae kasi ako, obviously naman at kahit itago ko, hindi ko yun maitatago.

“So, dito, hindi kasi yun puwedeng ganoon… hindi puwedeng ang tining ng boses mo.

“Tapos, I remember, si Camille, she told me, ‘Mars, ganito lang. Isipin mo lang, paano ka kapag Mommy ka?’

“Siyempre, kapag mommy ako, hindi ko nga naman kakausapin ang anak ko na parang magkaibigan lang kami. Siyempre, may authority.

“And ito rin, gusto ko na rin i-take ang opportunity na ito talaga dahil sobrang thankful ako naka-work ko rito si Cams [Camille]. Na siya ang kasama ko sa mga mabibigat kong eksena because we’re good friends.

“She’s one of my very first friend talaga in the industry at napakabait niya.”

Hindi pa masagot ni Jennica ang magiging takbo ng kuwento sa pagitan nila ni Carl Guevarra dahil tila balik-loveteam na naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jennica, “Hindi pa kasi pumapasok si Carl. Pero, may konti akong desire kay Kuya Mark [Anthony Fernandez].

“Medyo ang awkward kasi, kuya nga, tapos, naka-work ko siya before sa Kim Sam Soon at kuya ko siya.

“Lahat na lang ng kuya ko, nakaka-work ko na may love interest.

“Si Dennis Trillo rin,” kumpirma niya.


BOYFRIEND ALWYN. May tatlong taon na rin ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Alwyn kahit pa nagsimula ito na pinalibutan ng intriga.

Nandiyang sinasabing bad influence si Alwyn sa kanya o hindi raw boto ang mommy niya na si Jean Garcia sa boyfriend.

Ayon naman kay Jennica, “Ako naman kasi, dedma naman kasi ako sa sasabihin ng tao.

“I know what’s real, I know the truth— how Alwyn influences me as an individual and as a couple.

“Ang ayoko lang naman noong mga time na yun, ang mommy ko, napi-feed ng kung anu-ano.

“Hindi mo maiiwasan na apektado siya sa write-ups.

“Ako kasi, kahit anong write-ups, dedma ako.

“Siya kasi siguro, sa tagal na niya sa industry, very particular siya sa image… With how she will look.

“Ako kasi, basta wala akong ginagawang masama, alam ko na may darating at darating na mas malaki kesa rito sa isyu ko na matatabunan ito.

Hindi pinapansin ni Jenny ang mga isyu tungkol sa pagtanggap ng inang si Jean Garcia kay Alwyn.

Sabi niya, “At si Mommy, with how she treats Alwyn now, iba na siya.

“Siya na nga ang pinagluluto, hindi na nga ako,” natatawang sabi pa niya.

Patunay pa ni Jenny, si Alwyn pa nga ang tumanggap ng award nang manalo noong isang taon si Jean Garcia sa Urian Awards.

“Yes, so funny. At feeling ko nga, doon nag-stop ang speculation kasi, super tagal na.

“Parang, ‘Uy, ano ba? Two years na kami, mag-move-on na kayo sa isyu na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m really happy with my relationship and yung boyfriend ko.

“I’m really happy and super thankful kay Lord.”


GETTING READY. Kung ilalarawan niya ang relasyon niya kay Alwyn ngayon, masasabi ba niyang seryoso na sila at handa nang magpakasal?

“I don’t think kasi I’m the one to answer that,” tugon ni Jennica.

“Secondly, may mga bagay kasi sa amin na gusto ko, sa amin na lang.

“Pero lahat naman, feeling ko—feeling ko lang naman ito—ang ino-owe ko lang sa public kung ano ang status namin.

“Yun lang naman ang feeling ko, pero, kung anuman ang sa aming dalawa… siguro, ang maise-share ko lang, I am very happy and I feel na late this year, ito ang year namin na na-feel ko na God-centered kami.

“Tapos, sobrang happy ko kasi, magpapa-baptize na siya as a Christian.

“Supposedly, last year pa. Kaso, nagkataon, palaging may schedule.

“E, two days kasi yun, yung immersion. Ako kasi, baptized na ako as a born-again Christian.

“Pero, magpapa-baptize pa rin ako dahil feeling ko, ngayon ko lang naintindihan.

“Believer naman ako ni Jesus Christ pero feeling ko, last year lang ako yung nagkaroon ng solid na relationship.”


INFLUENCE. Nasabi niya rin na maraming naimpluwensiya sa kanya ang boyfriend, paano ba siya nabago nito?

“Feeling ko, we help each other in so many ways. Like, Alwyn, he looks confident, but he’s really not.

“Before, ang dami niyang… hindi naman insecurities, but hindi niya alam na sobra siyang talentadong tao.

“Like ngayon, he has a band, yung Kagawasan, with Glaiza de Castro, siya yung gumagawa ng background music.

“Actually, hindi ko kasi alam yung sa banda-banda bilang hindi ako ma-music na tao.

“Ang gusto ko lang na singer si Justin Bieber, Selena Gomez, at saka si Angeline Quinto,” natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, as his partner, nandito talaga ako to support him in his life.

“As long as he’s glorifying God, he is consulting God in everything that he’s doing, nandito lang ako.

“Si Alwyn, siguro, he helps me lang to speak more. Minsan kasi, wala akong care.

“Kung ganito ang naparating ko, sorry. Madali kasi akong mag-sorry.

“Sa aming dalawa, ako yung madaling mag-sorry, kasi, kung patatagalin pa, lalaki pa.

“E, yun lang naman ang kailangan niya—one word lang,” saad niya.


BEST FRIEND. Bukod pa sa pagiging boyfriend, bestfriend na rin daw niya si Alwyn.

“Ang galing lang kasi, dati, hindi ko sinasabi sa kanya... ang iba kasi, baka mag-iba ang tingin niya sa akin.

“Pero ngayon, parang sinabi rin sa akin ni God, ‘Jennica, if you will introduce a different Jennica to Alwyn.’

“Pero, thankfully naman kay Lord, love pa rin niya ko.”


SURPRISES. “Bebe,” ang tawagan daw nila pero, tingin ni Jennica mas sweet daw siya.

Pero bigla nitong naalala kung anong surpresa ang ginawa ni Alwyn para sa kanya.

Aniya, “Last year kasi, sa U.P., nag-ano siya ng mga floating lanterns. Sweet nga yata siya.

“E, kumain lang kami, merong nakalatag, may basket sa U.P. open field lang.

“Pinanood kasi namin ang Tangled, tapos sabi ko, ‘Wow, ang ganda! Ano yun?

“Tapos, sabi nga niya, floating lanterns. So, doon yata niya nakuha ang idea.”

Ngayong Valentine’s, ano naman kaya ang magiging date nila?

“Ngayon, hindi ko pa alam. Pero, magbo-Boracay kami kasama ang pamilya niya, nandoon kami sa Valentine. “

WEDDING PLANS? Kung titingnan ang relasyon nila kahit parehong bata pa, napaka-kumportable sila sa isa’t-isa at tanggap na tanggap na sila ng kani-kanyang pamilya.

Hindi pa nga ba nila napag-uusapan ang kasal?

“Ako, huwag na natin siyang isama, I’m praying about it. Pero kung ano pa rin ang gusto ni Lord.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero handa na ba siya?

“Ako naman kasi, sa lahat, well, hindi naman si Alwyn ang first boyfriend ko.

“My first boyfriend is Mart Escudero. Pangalawa ko itong si Alwyn.

“Maski naman kay Mart, hindi naman ako nakikipag-dyowa na, ‘O, dyowa na kita, pero, two years lang tayo.’

“Hindi naman ganoon. Gusto ko talaga yun na… ayoko nang makaranas ng marami pang heartaches.”

Napag-uusapan na ba nila ni Alwyn?

“Napag-uusapan… pero, sorry ha? Ayoko na kasing i-tackle ang bagay na ‘yan.

“Basta ako talaga, ang prayer ko ngayon kay God, bigyan niya ako ng listening ears.

“Gusto ko talagang marinig kung ano ang gusto niya at kung ano ang gusto man niya.

“E, hindi ko gusto, strange naman na mahindian ko dahil gusto niya.

“Yun talaga ang prayer ko for this year.

“Kasi sa totoo lang talaga, this year, hindi ko na alam ang wants ko sa desire ko.

“Kasi, tina-try kong i-set-aside ang wants ko sa needs ko.

“Kasi, minsan, kapag yung desire mo, ipipilit mo, nakakapagod. Tapos yung disappointment, sobrang laki.

“Pero, kapag ini-entrust mo kasi kay God, ang dali lang lahat. Tapos, nagugulat ka pa sa blessing.

“Basta as of now, Alwyn is one of the best gift that God has really given me and I’m really, really thankful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN