Mother Lily Monteverde undergoes lung operation today

Nakatakdang sumailalim sa isang operasyon si Lily Monteverde, o mas kilala sa tawag na Mother Lily, ngayong araw, February 7, sa Medical City.


Kaninang alas-siete ng umaga, February 7, ay sumailalim sa operasyon ang isa sa mga haligi ng showbiz at Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde sa Medical City, Pasig.

Ito ay para tanggalin ang two-centimeter mass growth sa kanyang baga.

Samantala, kagabi, February 6, ay isang special mass ang idinaos ng mga kaibigan ni Mother Lily para ipagdasal ang success ng kanyang nakatakdang operasyon.

Inorganisa ng isa sa publicists ng Regal Films na si Jun Lalin, ginanap ang misa sa open-air lounge sa penthouse ng hotel mismo ni Mother na Imperial Palace Suites sa Quezon City.

Karamihan sa mga dumalo ay miyembro ng PAMI o Professional Artist Managers, Inc. gaya nina Ethel Ramos, June Torrejon, Norma Japitana, Veana Fores, Manny Valera, at Girlie Rodis.

Present din siyempre ang mga miyembro ng weekly social group ni Mother na Wednesday Club, led by Eat Bulaga! lady boss na si Malou Choa-Fagar.

Nandoon din si Direk Joel Lamangan, writer Jake Tordesillas, TV5 Executive Perci Intalan, movie columnist Ronald Constantino, at ang dating Regal employee-turned Taal, Batangas vice mayor Pong Mercado.

Namataan naming sumilip sandali ang ang mahiyaing anak ni Mother Lily na si Goldwin Monteverde ngunit hindi ito nagtagal.

Samantala, late namang nakarating ang isa ang anak ni Mother Lily na si Meme, ang siyang tagapamahala ngayon ng Imperial Palace.

Humabol din sa pagtitipon sina Annabelle Rama, GMA-7 executive Redgie Magno, and showbiz veteran writers Ricky Lo and Aster Amoyo.

Matapos ang misa ay hiniram sandali ni Jun Lalin ang mikropono. Gusto palang magpa-phone patch ni Mother Lily na noon ay nasa kabilang linya na ng telepono ni Jun.

Itinapat ni June ang mouthpiece ng kanyang cellphone sa mikropono matapos sabihin na: “May sasabihin daw si Mother,” ani Jun. “Eto siya… ’Sige na Mother, naririnig ka na naming lahat.’”

Naging kuwela ang sitwasyon dahil tila nalito si Mother sa medyo techie na proseso pag-uusap na siya rin naman ang may idea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hello, hello, can you hear me?” ang sabi ni Mother sa kabilang linya. “Hello…I cannot hear you. Jun, I cannot hear you…”

Ani naman ni Jun: “Mother, magsalita ka lang, naririnig ka namin.”

“Okey, okey…” panimula ulit ni Mother. “Good evening everyone. I just want to thank all of you who came to pray for me. I will undergo operation tomorrow and I’m happy that you are praying for me. I’ll be alright. Salamat po.”

Matapos noon, binilinan ni Mother si Jun na magpaluto pa ng dagdag na pagkain para may mapagsaluhan ang mga naroroon. In-assure naman siya ni Jun na everything is okay sa Imperial at ’wag na niyang intindihin ang mga bagay na iyon.

Samantala, nakausap sandali ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meme.

Ayon sa kanya, naapektuhan nang husto ang kanilang pamilya nang unang sabihin ni Mother ang kalagayan nito.

Pero dahil si Mother daw mismo ay hindi nagpapakita ng kahinaan, mas naging madali sa kanila ang pagtanggap.

“She’s really a strong woman,” pahayag ni Meme na tila teary-eyed.

“She’s really amazing. So, kami, ako, I just let her be.

"Kung ayaw niyang magpahinga, I let her ’cause I also don’t want to keep reminding her of her condition.

"In fact, kagabi, nag-e-exercise pa siya. I just let her.

“It’s a good thing naikuha ko na siya ng medical insurance two years ago. So it’s taken cared of. Hindi na kami ma-i-stress sa bagay na ’yon. And we can just all focus on taking care of her.

“We decided na dito na lang siya [sa Pilipinas] magpa-opera instead na sa U.S. kasi, what if something goes wrong, ’di dadalhin namin ulit siya doon? We’re all hoping for the best.”

Nauna nang naikwento ni Mother Lily sa PEP ang tungkol dito noong dumalaw kami sa kanya sa kanyang bahay sa Greenhills last February 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE TO VIEW GALLERY)

“My doctor told me to go to the U.S.,” kuwento ni Mother. “Sabi ko, ‘But Doc, that’s not just a hundred miles, it’s a thousand miles. ’Tapos, kinantahan ko sila ng ‘A thousand miles, a thousand miles…’ nalokoka sila sa akin.

"‘Yong mga nurses, nagtatawanan. Akala nila, naku-krung-krung na ako. But of course naman, it’s just my way of making the situation light. Siyempre naman, nate-tense din ako.

"Kasi ang mga doctor kausap mo, di ba, ‘O, you know, you have this and you do this…’ Ang serious nila. Kakabahan ka. Kaya kumanta na lang ako. Hahaha!”

Naibalita rin sa amin ni Mother noon na nakatakda siyang dalawin ng PNoy or President Benigno “Noynoy” Aquino III. Nangyari ang pagdalaw ng Presidente noong Lunes, February 4, kasama si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

“Ang sweet niya,” say ni Mother about PNoy. “Dadalawin daw niya ako.”

Isa si Mother Lily sa mga ardent supporters ni PNoy—at maging ni Mar Roxas— sa showbiz.

At press time ay wala pang nasasagap na balita ang PEP tungkol sa naging operasyon ni Mother Lily. But we are one with the whole showbiz industry in praying for her speedy recovery.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN