Dennis Trillo remains mum about rumored reconciliation with Cristine Reyes

Bagamat tikom ang bibig ni Dennis Trillo tungkol sa napapabalitang pagbabalikan nila ni Cristine Reyes, inamin ng aktor na maayos sila ngayon ng dating kasintahan. Sabi ni Dennis, “Okey naman kami. Magkaibigan kami. Hindi lahat kasi sinasabi ko rin, e. Alam mo yun? Etong parte ng ano na ito… maayos kami. Kaya yun, walang problema.”


Malabong magbigay ng malinaw at konkretong deskripsyon sa ngayon si Dennis Trillo kaugnay ng napapabalitang pagkakabalikan nila ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes.

Tila walang epekto kay Dennis ang pagiging open ng Kapamilya actress sa nakaraang interviews nito tungkol sa pagkakaroon nila ng tsansang magkita uli nang madalas, maliban sa pagkakaroon nila ng communication.

Tila gustong umiwas ni Dennis sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last Sunday, February 3, sa backstage ng Party Pilipinas pagkatapos ng live airing ng musical-variety show ng GMA-7.

Nag-alinlangan noong una sa interview si Dennis at nagsabi siya agad na wala siyang maiku-comment kung tungkol kay Cristine ang magiging sentro ng usapan.

Nang marinig ni Dennis sa amin na pangungumusta sa kanyang career at ilang anggulo sa kanyang personal life ang mga itatanong namin, pumayag naman ito.



MOVIE PROJECT. Una naming kinumusta kay Dennis ang movie career niya, kung meron ba siyang gagawing movie project sa taong ito.

Sagot ng Kapuso actor, “May indie [film] dapat, e. Pero hindi natuloy, e. Inaayos pa lang ang schedule.

“Dapat nung December ito. Kaso nga lang, na-move, pero hanggang ngayon wala pa ring definite na schedule.”

Anong klaseng indie film ito?

“Well, dun sa script, ang nakalagay na title ay Gaydar… Derek Ramsay and Jodi Sta Maria. Yun yung gusto nila.

“Pero hindi ko alam kung natuloy yung ano…”

Gay-themed ba ang indie film na ito?

“Sila rin yung producer ng Zombadings, e,” pagtukoy niya sa 2011 indie film.

Gaganap ba siya ng gay role dito?

“Ay, hindi… hindi. Hindi ako yung bading dito.”

Para malinawan kami sa titulo ng movie, ikinuwento ni Dennis na isa itong love triangle story na may twist sa mga character.

Inamin nitong hindi pa niya tapos basahin ang script kaya hindi niya masyadong maibigay ang detalye ng kuwento.

“Pero makikita mo yung mga signs na ng pagka-bading sa tao,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Dennis dahil kahit madalang siyang gumawa ng pelikula ay hindi siya nawawalan ng movie offers.

Noong isang taon, 2012, ay nakatatlong pelikula siya: ang Cinemalaya entry na Ang Katiwala, ang comedy film na Boy Pick-up The Movie, at ang Metro Manila Film Festival entry na Shake Rattle & Roll 14.

Dagdag pa ni Dennis, “Tapos, may TV [show] pa ako na nagri-rate nang magandang-maganda, di ba?

“Parang kalabisan siguro kung malulungkot pa ako sa nangyayari sa career ko.”



DREAM ROLE. Ang tinutukoy na TV show ni Dennis ay ang kasalukuyang ipinapalabas na serye nila nina Marian Rivera, Rafael Rosell, at Glaiza de Castro—ang Temptation of Wife.

Kakaiba ang character dito ni Dennis bilang isang asawa na iniwan ang kanyang misis (Marian) at pumatol sa ibang babae (Glaiza).

Sa husay ni Dennis sa acting, parang minamani na lang niya ang pagganap sa nasabing character.

Meron pa ba siyang gustong gampanang role na sa palagay niya ay hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktor?

“Madami pa, madami pa.

“Eto kasing mga ginagawa ko, mga safe pa ito, e. Marami pa sanang puwedeng pag-eksperimentuhan.

“Katulad ngayon, dito sa ginawa kong role, dalawang babae ang nag-aagawan sa akin.

“Gusto ko naman sa susunod, ako naman yung obssessed na stalker, humahabol, may sayad.

“Gusto ko namang ganun yung peg ng character.”

Nangyari na ba sa kanya sa tunay na buhay na may dalawang babaeng na-obssess sa kanya?

“Uhm… wala pa naman, wala pa," mabilis niyang sagot.

Si Dennis ba ay na-obssess na sa isang babae?

“Hindi pa rin naman.

“Sobrang nagmahal, pero hindi naman na-obssessed.

“Kasi kabaliwan naman yung mao-obssess ka, e,” sabay ngiti niya.



VALENTINE’S DATE. Ngayong malapit na ang Valentine’s Day, nakikita ba niya ang sarili na may ka-date?

Matamang nag-isip muna si Dennis at saka sinabing, “Ngayon? Uhm… wala, e.

“Siguro ngayong Valentine’s, wala akong ka-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na ako magpaplano ng date. Tutal, malamang may taping din kami nun.

“Siguro kung may bakanteng araw para mag-celebrate ng Valentine’s, pamilya ko na lang ang kasama ko.”



CRISTINE REYES. Sa pagkakataong ito ay tinangka ng PEP na usisain si Dennis tungkol kay Cristine.

Nagtataka ba siya at natsitsismis silang muli ng aktres ngayon?

“Uhm… hindi naman… hindi naman,” tugon niya.

Sinabi namin kay Dennis ang mga naging pahayag ni Cristine, lalo na ang pag-amin nitong nagkikita sila at meron silang communication.

(CLICK HERE to read related story.)

Ibig sabihin nito ay okey naman pala sila ni Cristine. Inakala kasi ng iba na hindi sila okey mula nang mag-break sila.

Sabi ni Dennis, “Okey naman kami. Magkaibigan kami.

“Hindi lahat kasi sinasabi ko rin, e. Alam mo yun?

“Etong parte ng ano na ito… maayos kami.

“Kaya yun, walang problema.”

Ano ang natutunan ni Dennis sa nangyari sa kanila ni Cristine noon na hindi niya gustong maulit ngayong muli silang nagkalapit at maayos ang kanilang samahan?

“Yung pagiging ano… uhm... ano ba?” alinlangan na ang aktor sa susunod niyang sasabihin.

Nang mapagtanto niyang hindi siya dapat nagsasalita, umiwas na ito.

“Hindi ko alam… hindi ko alam,” sunud-sunod niyang sabi.

“Huwag na lang nating pag-usapan. Huwag na lang nating pag-usapan,”

Naging magalang naman si Dennis sa pakiusap niyang hindi na siya magsasalita.

“Pasensiya na, ha… pasensiya na. Ibalato na lang ninyo sa akin ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN