Mona Louise Rey on successive projects with GMA-7: “Nakakatulong po ako sa family ko at para rin po sa mga gamot ko.”

Nagbigay ng preview si Mona Louise Rey tungkol sa papel niya sa bagong teleseryeng Bukod Kang Pinagpala. Lahad niya: “Iiyak na naman po ako rito. Iinom po ako ng maraming tubig para hindi ako mawalan ng luha.”


Unang nakilala ang Kapuso child star na si Mona Louise Rey sa Munting Heredera.

Ngayon, si Mona Louise na ang pinaka-busy among the child stars ng GMA-7 dahil hindi na ito nababakante sa trabaho since nakilala siya.

Katatapos lang ni Mona ng Aso ni San Roque at kaagad siyang binigyan ng bagong teleserye na Bukod Kang Pinagpala.

Biniro tuloy si Mona ng entertainment press at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press launch ng Bukod Kang Pinagpala last February 5, Martes, sa GMA Network Center.

Sinabi naming among the child stars ng GMA-7 ay siya nga ang “bukod na pinagpala” dahil sa magkakasunod niyang TV shows.

Sagot naman niya, “Lahat naman po kami may kanya-kanyang trabaho po.

“Nagpapasalamat po ako, kasi tuluy-tuloy ang bigay sa akin ng shows.

“Nakakatulong po ako sa family ko at para rin po sa mga gamot ko.

(CLICK HERE for related story.)

“Sana ay panoorin din po nila itong Bukod Kang Pinagpala kasi katrabaho ko po ulit sila Kuya Mark [Anthony Fernandez] at Ate Camille [Prats].

“Iiyak na naman po ako rito. Iinom po ako ng maraming tubig para hindi ako mawalan ng luha,” sabay tawa pa niya.

MOVING AHEAD. Mas popular nga raw ngayon si Mona kesa kay Jillian Ward dahil mabilis lumaki ang huli kaya nahirapan na ang network na hanapan ito ng roles.

“Huli ko pong nakasama si Jillian sa Luna Blanca. Nami-miss ko na nga po siya.

“Lumabas lang po siya sa Indio, di ba?

“Siguro naman, may show pang ibibigay sa kanya. Sana magkasama po ulit kami,” sabi pa ni Mona.

SELF-INJECTION. Diabetic si Mona Louise at kailangan niyang mag-inject ng insulin parati kaya kinumusta namin ang lagay niya.

Si Mona mismo ang nag-i-inject ng insulin sa kanyang sarili at pinakita niya ang kanyang kanang braso na maraming turok ng injection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito na po ako sa may kanang pige nag-i-inject po ng insulin. Hindi na po sa braso kasi sobra na raw po doon.

“Mas gusto ko po na ako na lang mag-inject kasi alam ko na po kung saan puwede.

“Yung tita ko nga po, ayaw niyang gawin na mag-inject kasi baka raw magkamali siya, kaya ako na lang po talaga.

“Si Mommy, siya nagpapaalala sa akin na kailangan ko nang mag-insulin.

Pupunta kami sa isang lugar na walang tao, ’tapos doon na po ako mag-inject,” saad pa ng seven-year-old child actress.

LIMITATIONS. Isa pang nakakabilib kay Mona ay maingat na ito sa kanyang mga kinakain.

Kung ang ibang bata ay basta na lang kinakain ang binibigay sa kanila, tsine-check pa ni Mona kung ilang calories ang mga ito.

May tamang amount lang daw ng calories ang puwedeng kainin ni Mona dahil sa kanyang sakit.

Kapag nag-exceed sa allowed calories, kapirangot lang daw ang kakainin niya.

“May mga nagbibigay po sa akin ng chocolate. E, bawal po sa akin iyon. Okey lang kung sugarless, mapait lang yung lasa.

“Titingnan ko ang calories kung ilan. Kung mataas masyado, kapiranggot lang po ang kakainin ko. Hindi po ako puwede sa malaking piece.

“Kahit din po sa mga cookies, biscuits, konti lang po ang puwede kong kainin.

“Kailangang tingnan ko rin po ang calories nila kung mataas po ba or hindi,” dagdag pa niya.

Bawal din kay Mona ang sobrang matatamis, maaalat at maaasim na pagkain.

Kahit nga raw rice ay hindi siya puwedeng kumain ng marami.

“Mataas din po ang calories ng rice. Puwede po akong kumain ng rice pero isa o dalawang kutsara lang.

“Hindi po puwedeng one cup kasi baka po mahilo na ako.”

HOT FOODS. Gustung-gusto at paborito ni Mona ang mga maanghang lalo na ang tabasco sauce.

“Masarap po siya!” sabay ngiti niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala ko po hindi ko magugustuhan, pero masarap pala.

“Kapag may kinakain ako, nilalagyan ko po minsan ng tabasco sauce. Hindi naman po sumasakit ang tiyan ko.

“Basta po may tabasco sauce, happy na po ako!” tawa pa niya.

ARABIAN FATHER. Hindi kataka-takang mahilig si Mona sa maanghang na pagkain dahil half-Arabian siya.

Taga-Bahrain ang kanyang amang Arabo na nagngangalang Samir Al-Alawi.

Nasa Manila raw ngayon ang kanyang ama, pero dalawang taon na raw niya itong hindi nakikita.

“Matagal na po silang hiwalay ni Mommy. Kilala ko naman po siya, pero matagal ko na rin po siyang hindi nakikita.

“Pero alam naman daw po niyang artista na ako.”

Gusto ba niyang makita ang ama niya?

“Opo. Sana po magkita kami. Gusto ko po siyang kumustahin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN