Isabel Oli says John Prats is not yet courting her: "I don’t wanna assume."

Ito ang reaksiyon ni Isabel Oli sa paghanga sa kanya ni John Prats: “Nakakatuwa lang na, alam mo yun, may humahanga sa ‘yo. Siyempre ako, hindi pa ako artista, kilala ko na siya, napapanood ko na siya. So, nakakatuwa lang. Yun lang talaga, nakakatuwa lang. Pero I can’t say more. Wala akong masasabi pang iba kasi hindi naman siya nanliligaw, e. So, ang hirap! I don’t wanna assume. Siya na lang yung magsalita kasi mas ano siya, e…&rdq


Nagpapasalamat si Isabel Oli sa magagandang deskripsyon sa kanya ni John Prats sa interviews ng Kapamilya talent sa ilang entertainment writers.

Nagpahayag naman ng kanyang kasiyahan ang Kapuso actress sa favorable words ni John tungkol sa kanya, bagamat hindi raw niya nabasa nang buo ang panayam nito.

Nakausap sandali ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel pagkatapos ng live airing ng Party Pilpinas nong Linggo, February 3.

“Nakakatuwa lang na ganyan yung paghanga niya sa akin. Hindi ko ini-expect.

“But we’re friends,” reaksiyon ni Isabel sa mga nababalitaan niyang paghanga sa kanya ni John.

Nagmamadali si Isabel noong sandaling iyon kaya naman habang bumaba ng hagdan ang aktres, pinukol na namin siya ng mga tanong na may kinalaman sa kanila ng Kapamilya star.

Sabi ni John sa interview, pag nagkaroon siya ng kasintahan sa pagkakataong ito, ito na gusto niyang pakasalan.

Ano ang reaksyon o masasabi ni Isabel tungkol dito?

“Hindi ko alam, hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi sa akin,”

Nanliligaw ba sa kanya si John?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

Dagdag pa ni Isabel, “Hindi pa kami nag-date.”

Bakit may mga nakakakita sa kanila sa mga lakaran at gimik?

“Hindi, with group lang… group lang lagi,” depensa naman ni Isabel.

Pero hindi silang dalawa lang?

“Alam mo, it’s too early to say,” tugon niya.

NOT COURTING HER YET. Halatang iwas si Isabel na pag-usapan ang kanyang personal life. Nakita namin ito sa kanyang reaksiyon at sa matipid niyang sagot sa aming mga tanong.

Pinuna namin ito kay Isabel na parang ilang siyang pag-usapan ang kanyang lovelife at ang lalaking nali-link sa kanya.

Paliwanag niya, “Kasi, hindi pa naman siya nanliligaw. Alangan namang… kaya wala akong masabi.”

In-advice namin si Isabel na basahin nito ang kabuuang interview ni John para malaman niya kung gaano kalaki ang paniniwala ng aktor sa kanyang qualities bilang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Ilan sa mga nabanggit ni John ay ang pagiging mabait, masayahin, at napakagaang kasama niya.

Napangiti si Isabel nang sabihin naming humahanga rin si John sa kanyang kagandahan.

Sabi ng dalaga, “Nakakatuwa lang na, alam mo yun, may humahanga sa ‘yo.

“Siyempre ako, hindi pa ako artista, kilala ko na siya, napapanood ko na siya.

“So, nakakatuwa lang.

“Yun lang talaga, nakakatuwa lang. Pero I can’t say more.

“Wala akong masasabi pang iba kasi hindi naman siya nanliligaw, e.

“So, ang hirap! I don’t wanna assume.

“Siya na lang yung magsalita kasi mas ano siya, e…”

Gusto niya lang bang mag-ingat?

“Oo, kasi mahirap na.”

VALENTINE DATE. Okey ba sa kanyang maging Valentine date si John kung saka-sakaling yayain siya nito?

“May work ako sa Valentines, Day Off taping ko yun,” nangiting pag-alala niya sa inaasahang pagkakaabalahan.

Posible bang pumayag siyang makipag-date kay John bago mag-Valentine’s Day o pagkatapos ng Araw ng mga Puso?

“Every day kami ngayon,” na ang tinutukoy naman niya ay ang trabaho niya sa teleseryeng Forever.

“Tapos si Heart [Evangelista], aalis this week, so…”

Masaya naman siya kay John?

“Anong klaseng masaya?” paglilinaw na tanong ni Isabel sa pag-aalalang baka magkaroon ng ibang kahulugan ang magiging sagot niya kung sakali.

“Kasi ayokong mag-ano… kasi hindi naman siya ano [nanliligaw].

“Baka may sabihin ako, tapos hindi pala, di ba? Nag-a-assume lang ako.”

Handa na ba siyang magmahal at magkaroon uli ng karelasyon?

“Ready naman akong mag-boyfriend. Pero siyempre, hindi naman kung sinu-sino lang, di ba?

“Parang ipagdasal ko na lang yung darating, di ba? I’m ready naman,” sagot ni Isabel.

Ano naman ang masasabi niya sa naobserbahang qualities ni John sa kanya?

“Mabait si John, mabait siya…” sagot ni Isabel at nagpaalam na sa amin.

Sa hiwalay na panayam ng PEP sa kapatid ni John na si Camille Prats, kinumpirma nitong nagde-date nga sina John at Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN