Shaina Magdayao admits to going out with Sam Milby "three times pero with my friends"; now enjoying "extra" time for herself

Wala mang boyfriend si Shaina Magdayao, nagkaroon naman siya ng oras para sa sarili. At bago siya umibig muli: “Makikinig muna ako sa mga tao sa paligid ko, that I should take my time, just be patient. I’m in no rush to enter a new relationship right now.”


Sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin kamakailan, inamin ni Sam Milby na may crush siya kay Shaina Magadayo at ilang beses na rin daw silang lumabas kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Sa nasabing interview din ay inamin ng aktor na nagpaalam pa siya kay John Prats tungkol sa plano nitong ligawan ang ex-girlfriend ng matalik na kaibigan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Shaina last Sunday sa ASAP 2013, hindi ikinaila ng aktres na ilang beses na nga silang lumabas ng actor.

Paglilinaw niya, “Hindi… Parang mga three times pero with my friends, never kaming dalawa lang.

“Hindi ko naman itatago, wala naman… ako pa? Pero wala naman, e, walang nangyayari na anything more than friendship.

“Sinasabi ko naman ang totoo, lalo na ako, wala akong balak itago kung anuman ang mangyayari at mangyayari sa buhay ko…

“Pero wala naman akong itatago,” giit ni Shaina.


POSSIBILITIES. Tinanong din ng PEP si Shaina kung bukas siyang makipag-date sa mga gustong manligaw sa kanya?

“Oo, oo naman. Di nga ako marunong mag-date. Parang ngayon lang ako natututong mag-date… ‘Ah, ganoon pala yun!’

“Nakakatuwa lang na maraming tao ang nakaka-appreciate sa iyo.

“Nakakatuwa dahil naa-appreciate nila ako bilang tao. Flattering na gusto nila akong makilala.”

Aminado si Shaina na ngayon niya talaga na-e-enjoy ang pagiging single dahil sa loob ng matagal na panahon ay lagi siyang may boyfriend.

Kuwento niya, “Masaya pala maging single, yun ang na-discover ko.

“Hindi… Siguro, stress free lang kasi ang buhay ko ngayon, wala akong masyadong iniisip.

“May time ako na extra para sa sarili ko ngayon.

“Ngayon ko lang na-e-enjoy, ngayon lang ako natututo and this time around and I want to take my time.

“Makikinig muna ako sa mga tao sa paligid ko, that I should take my time, just be patient.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m in no rush to enter a new relationship right now.”


MR. RIGHT. Sa kabila naman ng pag-e-enjoy sa pagiging single ay hindi rin naman nagsasarado ng pinto si Shaina sa pagdating ng tamang tao na para sa kanya.

“Never! Kawawa naman ako. Wait lang tayo para dun sa tamang tao.”

Puwede raw kaya na si Sam ang susunod na taong mamahalin ni Shaina?

“Tingan natin. Mabait siya saka dati pa naman kaming magkaibigan. Di naman ngayon lang kami naging magkaibigan ni Samuel.

“Mabait at na-appreciate ko naman siya bilang tao.”


VALENTINE’S DAY. IMay ka-date ba ang aktres sa espesyal na araw na ito?

“Wala pa, wala akong plano, wala akong plano para sa sarili ko. Wala, wala talaga.

“Date? Oo naman. Sige, okay lang… Go, let’s enjoy! Wala namang problema.


INSPIRED. After ng success ng Kung Ako’y Iiwan Mo, marami ang nag-aabang sa susunod na proyektong gagawin ni Shaina.

Siniguro naman ng aktres na mas inspirado at mas focused sa mga proyektong nakalinya niyang gawin.

“Yes, marami pa at kailangan nilang abangan. Yun. I’m very, very inspired and siguro first time na 100 percent na buong-buo ang maibibigay ko sa trabaho ngayon.

“I’m very, very excited sa mga projects na gagawin ko this year… this is going to be a better year,” paniniguro ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN