Kris Aquino signs last check for “financial settlement” with ex-husband James Yap

Though her Twitter account (@krisaquino214), Kris Aquino revealed that she just signed the last check for her “financial settlement” with ex-husband, James Yap. “I cried because of my past stupidity & sa exhaustion I feel sa trabaho na unfortunately hindi naman kay josh & Bimb napunta ang pinagpapaguran ko...”


Nakakaramdam daw ng “birthday blues” si Kris Aquino.

Kris will turn 42 on February 14, Valentine’s Day.

Sa apat na sunud-sunod na posts ni Kris ngayong araw, Pebrero 8, sa kanyang Twitter account (@krisaquino214), sinabi nito na mabigat ang kanyang loob na pirmahan ang “last payment” sa financial settlement kay “u know who.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang kanyang ex-husband na si James Yap.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay sinagot ni Kris ang mga diumano’y fans ni James na nagtu-tweet ng kung anu-ano sa kanya.

Aniya, “Fans of my ex r anonymously bombarding me w/ hate tweets.

“How sad for them they haven’t moved on.

“W/ the millions he got from me and my sons, I wish they’d just let me have peace.

“Di ko kaya ginugulo, I more than ’paid’ for my peace already.

“Don’t dare me name the amount because then every1 will know y i’m so afraid of being used again, because Josh and Bimb ang nabawasan ang savings for their future.”

(CLICK HERE for related article.)



NO MORE HAPPILY EVER AFTER? Nasabi rin ng Queen of All Media na naiyak siya nang maisip na “hindi naman kay josh & Bimb napunta ang pinagpapaguran ko...”

Si Josh ay ang anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador, habang si Bimby o James ay anak niya sa basketbolistang si James Yap.

Dagdag pa ng TV host-actress, “Honest parang cold water was poured all over me to realize that maybe wag na lang ever to find my happily ever after...”



KRIS’S TWEETS. Narito ang sunud-sunod na posts ni Kris Aquino sa kanyang Twitter account ngayong araw, Pebrero 8.

“Siguro birthday blues talaga- last night while taking care of Bimb I had to sign another check in the millions, last payment sa financial”

“(Cont) settlement w/ u know who... I cried because of my past stupidity & sa exhaustion I feel sa trabaho na unfortunately hindi naman kay”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“josh & Bimb napunta ang pinagpapaguran ko... Honest parang cold water was poured all over me to realize that maybe wag na lang umasa”

“(Cont) ever to find my happily ever after... Haayyy birthday blues. Just needed to get that pain off my chest.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN