Imelda Papin insists she is a registed voter of San Jose Del Monte, Bulacan

Hindi pinanghihinaan ng loob ang singer na si Imelda Papin kaugnay ng naging deisisyon ng Comelec na idiskwalipika siya bilang kandidato sa pagka-kongresista sa bayan ng San Jose Del Monte sa Bulacan. Sabi ni Imelda, “Siguro sabi nila, dahil kapag malakas ang kandidato, ang kalaban gagawa ng paraan kung paano ka babagsak. Pero God is with us... Ang clamor nila dito ay mapalitan ang kanilang congressman, na gusto po nila tunay na pagmamahalan at magkaisa.”


Nagsalita na si Imelda Papin tungkol sa pagkaka-disqualify ng kanyang kandidatura bilang kongresista sa lone district ng San Jose Del Monte, Bulacan.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com kahapon, February 7, nasorpresa ang Jukebox Queen sa desisyon ng Second Division ng Comelec na ipawalang-bisa ang kanyang Certificate Of Candidacy (COC) dahil sa isyu ng "residency."

Hindi pa raw natatanggap ni Imelda ang resolusyon, ngunit sinabi nitong meron siyang kopya ng Comelec decision na siya ay isang registered voter sa Bulacan.

Kaya daw “eligible” na siyang makapag-file ng COC.

Saad pa ng singer, “Kaya ho nakapag-file ako ng aking certificate of candidacy bilang congresswoman dito po sa San Jose del Monte City sa Bulacan, dahil nga po ako ay accepted as a new voter ng San Jose del Monte City, Bulacan.

“So as regards to that new news, bagong news ho ’yan, e.

“Sa akin, sa Comelec, ay wala pa ho akong natatanggap at hayaan ninyo at kakausapin ko po ang aking mga abugado tungkol diyan.”

BULACAN RESIDENT. Sa artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kakulangan sa “residency requirements” ang dahilan kung bakit na-disqualify si Imelda sa kanyang balak na pagtakbo sa Bulacan.

Ngunit iginiit ni Imelda na ang kanyang residency ay hindi na dapat pang kuwestiyunin dahil matagal-tagal na siyang naninirahan sa bahay niya sa Bulacan.

Aniya, “Matagal na. Pabalik-balik nga lang since 2000 dahil siyempre, busy po ako.

“Kumakanta ako all over the world at siyempre naging vice governor din ako [sa Camarines Sur] for six years.

“So, pag nandito po ako sa Maynila, nandito po ako sa Bulacan.”

Kuwento pa niya, marami na siyang nasamahang community programs para sa mga mamamayan ng San Jose del Monte City.

“Hindi ko malaman bakit kinukuwestiyon ang aking residency.

“Siguro sabi nila, dahil kapag malakas ang kandidato, ang kalaban gagawa ng paraan kung paano ka babagsak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero God is with us...

“Ang clamor nila dito ay mapalitan ang kanilang congressman, na gusto po nila tunay na pagmamahalan at magkaisa.”

Ayon naman sa Chairman ng Comelec na si Sixto Brillantes, hindi pa final ang desisyong ito ng Second Division ng Comelec.

Ito ay sa kadahilanang ang desisyon ay ibinaba ng Second Division, kaya daw “subject to a review” pa ito ng Commission en banc sakaling mag-file ng appeal si Imelda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN