Glaiza de Castro on being single at 25: “Hindi naman dahil Valentine’s Day na, e, maghahanap ka na ng boyfriend.”

Ito ang magiging reaksiyon ni Glaiza de Castro sakaling may magpadala ng bulaklak o tsokolate sa kanya sa Araw ng mga Puso: “Di ko naman kinu-close yung door or windows. Kung may magpadala, e, tatanggapin ko. Nakakahiya naman doon sa tao na nag-exert ng effort ’tapos, di mo man lang i-appreciate, di ba?”


Malaki ang kaibahan ni Glaiza de Castro sa ginagampanan niyang kontrabida na si Heidie Fernandez sa GMA-7 primetime series na Temptation of Wife.

Sa mga malapit na nakakakilala kay Glaiza, mapapatotohanan nilang ang aktres ay malambing at mabait.

Napatunayan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya matapos niyang mag-online sa live chat ng GMANetwork.com.

Kuwento niya agad, “Siyempre, iba naman yung character ko sa palabas namin kaysa yung totoong ako.

“Pero sa ngayon, nai-embrace ko na yung character. Kasi before na parang nakukonsiyensiya ako dahil yung tipong marami ang naiinis.

“Ngayon, mas positive na ang response ng tao.

“Nakakatuwa nga, kasi kahit saan ako magpunta, ‘Heidie’ na ang tawag nila sa akin.

“Ibig sabihin, nagagampanan ko nang tama yung role ko.”


AVAILABLE. Sa edad niyang 25 years old, marami ang nagtataka kung bakit single pa rin ang kanyang status.

Hindi pa ba niya naisip na magka-boyfriend, lalo na’t ilang araw na lang ay Valentine’s Day na?

“Sa ngayon kasi gumaganda ang takbo ng career ko, e. Di ko muna inisip sa sarili ko to commit into a relationship.

“Masaya naman na minsan nagha-hang out with friends. Para sa akin, okey din na ganoon lang muna.

“Hindi naman dahil Valentine’s Day na, e, maghahanap ka na ng boyfriend.”

Pero aminado naman si Glaiza na minsan ay naiisip niyang gusto na niyang magka-boyfriend.

“Oo minsan, lalo na ngayon na love month, di ba? May times na, oo,” pag-amin niya.

“Pero, yung talagang full commitment, parang di ko pa talaga kayang pumasok sa isang relationship.

“Wiling naman akong maghintay, e.

“Gusto ko kasi pag natagpuan ko na yung lalaking gusto ko, yun na talaga.”


SUITORS. Marami ang nagtatanong kung nanliligaw ba sa kanya ang kamag-anak ni Robin Padilla na si Chris Padilla, na dating miyembro ng bandang Hilera at kasalukuyang miyembro ng Ely Buendia-fronted band na Oktaves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Si Chris kasi is a good friend of mine.

“Ayoko namang i-involve siya sa kuwentuhang showbiz kasi iba naman ang mundong ginagalawan niya.

“Hindi ko masabi kung nanliligaw siya, pero kasi, sinusuportahan din kasi niya yung band namin.

“Member siya ng Oktaves band. Yung sa amin naman ay Kagawasan.

“Tumutulong din siya sa paghanap ng gigs para sa band namin.”

Balitang may isang non-showbiz guy rin na nanliligaw sa kanya na dati niyang kaklase sa high school.

“A, yun?” natatawang sabi ni Glaiza.

“Si Martin, pero,‘wag na nating banggitin ang surname niya... Matagal ko nang kaibigan yun.

“Pero, hindi naman talaga sobrang pursigido. Basta, pag kailangan namin siya, nandiyan siya parati for us.

“Close siya sa family ko, kasi yung mom niya, e, kaibigan ng mom ko. ’Tapos, yung tita niya, friend din ng ate ko. So yun, close friends kami.”

Hindi kaya ito na ang “the one” sa kanyang buhay?

Aniya, “Ayoko pa. Ayoko pang mag-isip ng ganyan, e.

“Parang ang dami pang options. Marami pa ang puwedeng mangyari. Basta ako, cool lang ako. Hindi ako nagmamadali.

“Mahirap naman kasi ipilit yung parang di pa puwede. Baka ang ending, wala pa ngang isang month, e, break na kayo.

“Siyempre, ayoko naman ng ganoon.”


VALENTINE’S DAY. Bilang “love is in the air,” hindi maiwasang itanong sa kanya kung sino ang magiging special date niya sa Araw ng mga Puso.

“Wala, e!” bulalas niya.

“Ang alam ko, may trabaho kami sa araw na yun.

“Magsusunud-sunod kami ng taping for Temptation of Wife kasi naubusan kami ng pondo. Yun.

“Kami na lang magdedeyt-date sa taping. Bonding-bonding muna kami lahat sa location.”

Paano kung may magpadala sa kanya ng flowers o chocolates sa taping?

“Puwede,” nangingiting sabi niya.

“Di ko naman kinu-close yung door or windows.

“Kung may magpadala, e, tatanggapin ko. Nakakahiya naman doon sa tao na nag-exert ng effort ’tapos, di mo man lang i-appreciate, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN