Sarah Geronimo saddened by her show’s final episode; nervous about coaching for The Voice

Sarah Geronimo on Sarah G Live’s final episode: “Kailangang mag-move forward. Sabi ko nga po, as a performer, ang importante ay magkaroon po ng pagkakataon na may maipakitang bago every time you go up on stage.”


Ikinalungkot ni Sarah Geronimo ang pagtatapos ng kanyang Sunday musical show na Sarah G Live sa darating na Pebrero 10.

Statement na ipinadala ng ABS-CBN sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ritong kinailangang tapusin na ang naturang show ni Sarah “to fulfill other commitments.”

(CLICK HERE for related article.)

Ayon naman sa artikulo ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN News kahapon, Pebrero 7, ikinalungkot man ni Sarah ang pagtatapos ng show, kailangan na rin niyang “mag-move forward.”

“May lungkot, siyempre, kasi espesyal sa akin ang show,” pag-amin ng Popstar Princess.

“Nag-grow din ako as an artist, as a person, sa show na ’yon, at napamahal sa akin ang Sarah G Live family.

“Pero kailangang mag-move forward.

“Sabi ko nga po, as a performer, ang importante ay magkaroon po ng pagkakataon na may maipakitang bago every time you go up on stage.”



NEW PROJECT. Bagamat natapos ang isa niyang show, makakasama naman si Sarah sa upcoming singing talent show ng ABS-CBN, ang The Voice of the Philippines.

Ito’y franchise ng international show na The Voice, na dito sa Pilipinas ay ihu-host ni Toni Gonzaga.

Ani Sarah, “Sobrang honored po to be chosen as one of the coaches or judges for The Voice.

“Siyempre, initially, na-surprised ako. Kumbaga, malaking task or responsibility itong pagiging mentor, pero I take the challenge.

“Alam ko na maggo-grow din ako dito.

“Isang malaking karangalan na maging parte o bahagi ng success kung sino man ang magiging The Voice of the Philippines.”

Malapit din si Sarah sa bagong proyektong ito, dahil katulad ng mga contestants ay nagsimula rin siya sa talent show na Star For A Night (2003).

Aniya, “Kumbaga, makikita ko din yung journey ko sa kung ano ang magiging journey noong magiging member ng team.”



OTHER COACHES. Bagamat magaling na performer, aminado si Sarah na hindi pa siya ganoong katiwala sa kakayahan niya na mag-coach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko din po ’yon,” pag-amin ni Sarah.

“Pero inimbitahan po ako at masama naman pong tanggihan at ang importante diyan ay yung sincerity ko na makatulong o maibahagi ang alam ko sa pagkanta at sa pagpe-perform.”

Sisiguraduhin niya rin daw na “hahanapin natin yung pure talent talaga."

Dagdag pa ni Sarah, “Kaya natutuwa ako sa The Voice, lalo na sa blind auditions, kasi hindi ka huhusgahan sa looks mo.

“Talagang ang unang maririnig ay yung voice mo talaga.”

Bukod sa pagku-coach, kinabahan din daw siya sa mga makakalaban niya na voice coaches.

Hindi lamang kasi ang contestants ang maglalaban-laban, kundi maging silang mga vocal coach.

“Na-tense lalo!” pagtukoy ni Sarah sa ibang coaches na hindi niya pinangalanan.

“Sabi ko, ’Oh my goodness! Baka lalong walang gustong magpa-coach sa akin.’

“’Yon siguro yung fun doon at doon din makikita ang professionalism namin.”

Bago simulan ni Sarah ang The Voice, magkakaroon muna raw siya ng drama anthology, na ayon sa kanya, “hopefully ay makatulong din sa growth ko as an actress.”

Inaabangan din ngayong taon ang third installment ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz na It Takes A Man And A Woman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN