PEP SCOOP: Did Kim Chiu and Maja Salvador turn their "fight scene" in Ina Kapatid Anak into a real-life fight?

Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg">

Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg">

Ayon sa report ng isang network insider, naging makatotohanan ang "sampalan at sabunutan scene" sa teleseryeng Ina Kapatid Anak nina Kim Chiu at Maja Salvador. Nagkaroon umano ng mga pasa ang dalawang aktres, liban pa sa mga kalmot kay Maja.


Tila nagkatotohanan ang “fight scene” sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador sa kanilang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN.

Ito ay ayon sa latest feed sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang Kapamilya insider.

Sinabi ng insider na kinunan noong Miyerkules, Pebrero 6, ang “sampalan at sabunutan scene” ng dalawang aktres.

Sa salita ng source, "Ang ending, pasa-pasa sila pareho at may mga kalmot si Maja! Umiyak si Kim after."

Dagdag nito, narinig daw ng mga nasa set na itinanong ni Maja kay Kim, "Okay ka lang ba?"

Wala daw silang narinig na sagot mula kay Kim. Sa halip ay “tumakbo ng dressing room si Kim, nag-iiyak."

Ang kuwento pa ng source, "Nag-walk out si Kim. Hindi na nakunan ang continuity ng eksena. Maya-maya, sumakay na ng car. Pack up!”

Pinabulaanan naman ng isa pang network source ang sinasabing walkout.

Bagama’t tikom ang bibig nito sa tanong ng PEP kung naging makatotohanan nga ba ang fight scene sa pagitan ng dalawang Star Magic stars ("I will neither confirm nor deny"), mariin naman nitong sinabing walang naganap na walkout.

Sabi ng pangalawang source na oras na talaga ng pack-up. "Hindi, walang walkout. Cut-off time na talaga ng cast. Kaya umuwi na si Kim."

Mga matalik na magkaibigan na nagkasiraan ng relasyon ang ginagampanang papel nina Kim at Maja sa Ina, Kapatid, Anak.

Sa primetime teleserye, naging maanghang ang pakikitungo ni Margaux (Maja) kay Celyn (Kim) mula nang naibunyag na si Celyn ang tunay na anak ng pamilya Marasigan at si Margaux ay ampon lang.

Naging lubos ang pagkamuhi ni Margaux kay Celyn dahil pakiramdam niya’y naagaw nito ang lahat ng dating pag-aari niya, kabilang na ang mga karapatan niya sa pamilya at ang atensiyon ng mga lalaking nakarelasyon niya.

Ang pinakahuling kaganapan sa teleserye ay nakatakdang pumutok ang alitan sa pagitan nina Margaux at Celyn na hahantong sa pisikal na kumprontasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang eksenang ito ang kinunan noong Miyerkules.

Samantala, kaya nagkakaroon ng kuwento tungkol sa naganap na fight scene nina Kim at Maja ay dahil na rin sa kaalaman ng marami na may bahagyang pagkakahawig sa tunay na buhay nila ang ginagampanan nilang mga papel sa Ina Kapatid Anak.

Matatandaang naiulat noon sa PEP na may nagbago sa relasyon ng dalawang dating mag-best friends at mag-confidante simula noong na-link si Maja sa dating boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Nang tanungin noon si Kim tungkol sa usap-usapang may namumuo nang relasyon sa pagitan nina Maja at Gerald, sinabi naman nitong, kung totoo nga ang usap-usapan, masaya siya para sa kanila.

Nagpahayag nga lang siya ng panghihinayang at pagkadismaya sa kinahantungan ng pagkakaibigan nila ni Maja.

“Parang nalungkot lang ako kasi yung taong [Maja] sinabihan ko nung time na down ako dun [Gerald]… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya,” pahayag ni Kim.

(CLICK HERE to read story.)

Pero wala raw tensiyon sa pagitan nila ni Maja, kahit pa taliwas ito sa obserbasyon ng ilang showbiz insiders na nakakakilala sa kanila.

Ayon sa mga huli, hindi na raw nagkikibuan ang dalawang aktres sa set at, kung dati ay masaya sa loob ng set, hindi na raw ganoon ngayon.

Sa huling panayam kay Kim, tinanong ito kung wala na talaga ang mga intriga sa pagitan nila ni Maja.

Sagot ng Cebuana actress, “Oo, ang importante, kung trabaho, trabaho, di ba?”

(CLICK HERE to read story.)

Nakalap din ng PEP na inaalam na ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na may hawak sa careers ng dalawang stars, ang mga pangyayari. Ngunit hindi malinaw kung magbibigay sila ng official statement.

Pinadalhan na rin ng PEP ng text message ang corporate communications department ng ABS-CBN, pero wala pa itong pahayag.

Bukas ang website na ito sa pahayag nina Kim at Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg">


Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg"> Ina Kapatid Anak into a real-life fight?" data-url="https://www.pep.ph/news/37398/pep-scoop-did-kim-chiu-and-maja-salvador-turn-their-fight-scene-in-ina-kapatid-anak-into-a-real-life" data-desc="Both actresses were said to have bruises after their fight scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4df9a0b8d.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN