LJ Reyes feels pressured as FHM cover girl after Marian Rivera; says no need to ask permission from partner Paulo Avelino

Ito ang naging reaction ni LJ Reyes nang malaman niyang si Marian Rivera ang susundan niyang cover girl ng FHM: “Nakaka-pressure. Sabi ko nga sa kanila [FHM staff], ‘Hindi niyo man lamang ako in-inform! Hindi niyo ako in-inform, ha? Naka-oo na ako nung sinabi ninyo sa akin. Niloko niyo ’ko!’ Ganun, binibiro ko sila."


Positive feedback ang natatanggap ni LJ Reyes sa pagpu-pose niya sa February issue ng FHM magazine.

Lahat ng mga kasamahan niya sa GMA-7 ay nagsasabing in good taste ang mga larawan niya at napakaganda ng kanyang pigura.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa GMA-7 studios kamakailan, sinabi nitong hindi naging madali para sa kanya na ma-achieve ang kasalukuyang ganda ng kanyang pangangatawan.

“Ay, mahirap talaga kasi masarap kumain. Saka yung sa trabaho namin instead na itulog mo na lang siyempre kailangan mo pa ring mag-work out.

“Pero basta, active lifestyle lang at hindi yung hihiga-higa lang diyan at gusto mo sexy ka. Hindi puwedeng gano’n,” giit niya.

Why does she feel the need to be sexy kahit may tatlong taon na siyang anak?

“Ah, for me lagi nilang tinanong [yung ibang artista] na parang,‘Uy, mukha ka na raw mommy?’

“Gusto kong i-prove them wrong na, ’pag mommy ba hindi ka puwedeng sexy?’

“Di ba hindi naman dapat gano’n na porke’t mommy ka… may concept ang mga tao na kapag mommy ka na kailangang, mataba ka? Kailangan hindi ka na sexy?

“Hindi dapat ganun, kasi new-age mom na tayo, e. Hindi porke’t mommy ka, may mga standard na ang pagiging mommy.

“Dapat ‘eto ka lang. Dapat hindi ka na masyadong maganda?”

SIMPLY BLESSED? Mula nang manganak si LJ hanggang sa kasalukuyan, parang wala namang ipinagbago ang maganda nitong hubog.

Sumang-ayon naman sa aming obserbasyon si LJ, “Hindi naman talaga rin. Kaya nga sabi ko, blessed ako with a very petite figure, frame actually.

“Pero at the same time, hindi naman puwedeng blessed ka nga pero pinapabayaan mo naman.

“Dapat mini-maintain mo rin, dapat alagaan mo,” dagdag niya.

Hindi ba siya nahirapang magdesisyon o tanggapin ang offer na mag-pose ulit since may pamilya na siyang dapat isipin; kung ano ang magiging epekto nito sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi naman. Na-excite pa nga ako actually,” mabilis niyang sagot.

“Ang dating kasi sa akin ng FHM nakaka-excite kasi medyo kilala ko na rin sila.

“Na-excite ako kung ano ang kalalabasan ng mga photos. Hindi ko iniisip kung mababastos ba ako dito? Iba na, e.

“Hindi katulad noon na takot pa ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao.

“Although, ngayon, medyo kabado rin ako kung ano ang magiging feedback ng mga tao.

“Pero kung paano ako alagaan ng mga tiga-FHM, yung part na yun medyo secured ako na alam kong aalagaan nila ako.

“Siguro it comes with the maturity na alam ko na kaya kong magpakita ng skin na at the same time hindi naman bastusin.”

AFTER MARIAN. Aminadong naloka si LJ nang malaman niyang susundan niya si Marian Rivera na cover model ng January issue ng FHM.

“Nakaka-pressure. Sabi ko nga sa kanila [FHM staff], ‘Hindi niyo man lamang ako in-inform! Hindi niyo ako in-inform, ha? Naka-oo na ako nung sinabi ninyo sa akin. Niloko niyo ’ko!’ Ganun, binibiro ko sila.

“I’m also happy for Marian. She’s a friend. Happy ako na ang ganda-ganda ng feedback sa FHM niya.

“Lahat ng mga tao, kahit ako naghintay na lumabas siya sa FHM.

“And honor din naman for me na sumunod sa kanya kasi yung mga tao nag-aabang kung sino ang susunod na magku-cover after Marian.

“’Nakuha niyo na si Marian, sinong next?’ Na-flatter ako kasi feeling ko kaya kong gawin ito.”

On a positive note, umani rin naman ng papuri si LJ sa bonggang photos niya sa magazine.

“For me naman kasi, hindi naman maku-compare. Magkaiba naman kami ni Marian, e.

“Pero happy ako sa feedback itself sa mga pictures ko, sa mga photos na magaganda raw? Yun masaya na ako dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BETTER AND BOLDER? Sabi ng mga tiga-FHM, nagpakita ng confidence si LJ pictorials niya ngayon. Hindi na nga raw nila masyadong tinuruang umanggulo ng sarili niya ang aktres.

“Siguro kasi tumatanda na ako. Saka kapag napi-feel mo na sexy ka, lalabas at lalabas yun. Kung hindi ka sure na sexy ka lalabas din yun sa pictures na hindi ka sigurado.

“Before kasi, ang feeling ko nandun pa ako sa age na parang bagets pa ako. First time ko rin sa FHM, lumalabas rin yung awkwardness ko. Para akong nene,” biro niya.

“Pero ngayon iba na. Sabi nga ni Doc Marlon [Pecjo], yung photographer namin, iba na ngayon. ‘Uy, iba ka na ngayon, dalaga ka na.’

“Dalaga na raw ako, hindi ako mommy. Parang bumalik ’ata ako sa pagkadalaga.”

Paglaki ng kanyang anak, sa tingin ba niya magiging proud ito sa FHM shoots niya?

“Sana naman, sana naman. Kasi maganda naman yung photos,” asam niya.

PAULO AVELINO. Ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang ama ng anak niyang si Ethan Akio.

Nagpaalam ba siya kay Paulo bago niya tinanggap ang paglabas sa FHM?

“Hindi na kailangan. Lagi kong sinasabi na hindi naman nag-a-anuhan pagdating sa trabaho.

“Kung gusto kong gawin, gagawin ko. Kasi may trust kami sa decision ng isa’t isa, di ba?

“Hindi naman siguro akong gagawa nang desisyon na ikasasama ko. Yun lang naman yun, e.”

Napakaganda ng set-up nila ni Paulo dahil wala silang pakialamanan sa career ng isa’t-isa?

“Care ko!” masayang bitaw na biro ng sexy actress

“Pareho naman kasi kaming nag-grow dito sa industry, so alam na namin yung paikut-ikot.

“Siguro sa iba, kaya sila takot kasi baka nga may mangyari o masama sa isang tao yung gagawin niya.

“For me, basta yung trust nandun at hindi naman masama yung gagawin mo, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila nagagawang ilagay sa ayos at palaging smooth ang relasyon nila ni Paulo gayong magkaiba sila ng home network?

“Siyempre, malaking-malaking tulong ang pagdadasal. Lahat ng problema or whatever, or blessings we give thanks.

“Yung mga problems i-alay mo na lang sa Kanya. Ang lagi kong katulong talaga ay ang Diyos.”

Walang selosan?

“Huwag na yun! Don’t attract negative thoughts, di ba?”

Marami ang bumilib kay LJ dahil nagagawa niyang magkaroon ng sarili niyang identity kahit sikat ang kanyang kasintahan.

“Maganda naman talaga yun na meron kang sariling identity, hindi lang sa mga artista,” paliwanag ni LJ.

“Kahit yung mga non-showbiz people… alam mo lalo na dun sa mga mommy?

“I really advice kahit sa mga friends ko na mommys-to-be na, ‘Dapat you take care of yourself also. Hindi lang yung family lang ang iniisip mo.’


“Kasi pag hindi ka happy, hindi mo maibibigay yung same happiness sa family. Hindi mo sila maalagaan nang mabuti or maayos.”

May effort ba kay LJ na i-angat ang sarili para hindi mapag-iwanan ni Paulo o para hindi masabihang girlfriend lang siya ng aktor?

Sa kanyang pag-uumpisa kasi sa showbiz ay hindi makikitaang sasabak din siya sa pagpapaseksi.

“E, kasi nakita niyo ako na dyugets-dyugets ako, di ba?” na ang ibig niyang sabihin ay bagets o batambata pa siya dati.

“Ahmm, siguro dumarating na lang siya. Before kasi nag-start ako Starstruck hindi ko naman alam na ‘eto ang magiging path ko or pupuntahan ko.

“Pero as time passed by, nari-realize ko na gusto ko talagang maging actor, ganun!

“Pero yung path na ganito, na sexy, hindi naman yan every inch plinano.

“Kung ano yung dumating na kaya ko at maganda naman yung patutunguhan, okey naman ako sa ganun.”

READY FOR MORE? Handa na ba siya sa mas mapangahas o daring roles?

“Kung anu-ano na nga ang nakita sa akin, e,” na ang tinutukoy ay ang mga larawan niya sa FHM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin basta kailangan at kung makakatulong sa artistic merit or side ng film, gagawin ko.

“Kasi may mga times na yung iba gagawa ng ganitong eksena para lang may masabi na, ‘Eto yung eksena.’ Ayoko ng gano’n. Gusto ko may purpose.”

Sakaling kunin siyang modelo para sa isang nude painting, payag ba siya?

“Well, if ever na talagang nude talaga, siguro gagawin ko yun. Artistic pa rin, artistic way.

“Marami kasing paraan na maging sexy na hindi ka mababastos.

“Open ako sa ganyan, wala naman akong ano… pero we’ll see.

“Ayokong magsalita nang tapos. Kasi yung pictorial naman namin, wala naman plinano na, ‘Ganito yung pose mo. Eto yung papakita mo?’

“Siyempre, kami ang nag-set ng limits. Never naman naming pinag-usapan kung ano lang yung gagawin mo.

“Pagdating sa photo shoot lumabas na lang lahat at maganda naman yung naging outcome,” saad niya.

WORK, WORK! Tungkol naman sa kanyang trabaho sa GMA-7, anu-ano mga shows na naka-line up sa kanya ngayon?

“Alam ko mero’n pang projects na hindi pa sa akin kinu-confirm. ‘Tapos meron ako sa GMA News TV na parang HBO original series.

“Ipalalabas ito every Sunday ng gabi. Tapos, may indie film rin akong gagawin,” pagwawakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN