Rachelle Ann Go on her strong chance of bagging much-coveted Miss Saigon lead role: “Kung yun ang destiny, bakit ko naman tatalikuran, di ba?”

Base sa mga usap-usapan at testimonya ng mga nakasama niya sa Ms. Saigon audition gaya ng kapwa niya Kapuso Stars na sina Aicel Santos at Frencheska Farr, malaki raw ang posibilidad na masungkit ni Rachelle ang lead role.


Sa pinaka-recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rachelle Ann Go sa dressing room ng GMA-7, ibinalita nitong sa susunod na taon pa magsisimula ang production ng Miss Saigon sa London.

Muling ibabalik sa mga Asian actors, partikular na sa mga Pinay artists, ang isa sa kinikilalang pinakamalaki at pinakamatagumpay na Broadway musical sa Europe na unang pinagbidahan ni Lea Salonga at naging pasaporte rin nito para makilala bilang world-class talent.

At sa ginanap na local auditions ng Miss Saigon production last year, lumutang ang pangalan ni Rachelle Ann na posibleng susunod na gaganap sa papel ni Kim na siyang lead character sa Broadway musical.

“Ipinagdadasal ko po,” bungad ni Rachelle nang tanungin ng PEP kung umaasa ba siya na sa kanya mapupunta ang role

“Ayoko pong mag-expect ng kung ano. So, ipagdasal na lang.

“Sabi ko nga sa lahat kapag tinatanong ako palagi, ipagdasal na lang kasi kapag natatanong ako, napi-pressure ako, kinakabahan ako kapag naiisip ko siya.

“So, ipag-pray na lang natin. Kasi lahat naman po naghihintay,” na ang ibig niyang sabihin ay para sa mga nakapasa sa audition.

RIPE FOR LEAD ROLE? Base sa mga usap-usapan at testimonya ng mga nakasama niya sa audition, gaya ng kapwa niya Kapuso Stars na sina Aicel Santos at Frencheska Farr, malaki raw ang posibilidad na masungkit ni Rachelle ang lead role.

Paliwanag nila, ipinakanta raw kasi kay Rachelle ang mga solo songs ng lead.

“Ahmm, lahat naman po ng nag-auditon na mga babae doon, gusto nila yung role na Kim. So, yun ang ginawa nila. Ako, yun rin,” paliwanag niya.

Pero ayon nga kay Frencheska, ang ipinakanta raw sa kanya ay ang role ni Isay Alvarez, isa sa mga supporting cast sa musicale.

“Hindi, kung sino ang gusto mo. Nasa sa iyo yun,” paliwanag ni Rachel sa ginawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang lagi raw ipinakanta sa iyo ay yung mga songs ng lead character?

“Kasi doon ako naga-audition para sa role ni Kim,” pagtatapat niya.

Nung sabihin namin kay Rachel na ang mga tiga-Miss Saigon ang pumipili ng awiting ipinapakanta nila sa mga naga-audition, nag-alinlangan na siyang magsalita pa.

“Hindi ko alam kung dapat kong ikuwento yun, e... kung bakit gano’n. Parang sini-sikreto nila kung ano yung mga naging kaganapan doon sa audition.”

Nakini-kinita na ba niya ang pagkakaroon niya ng international career kapag siya ang nakuha para sa role?

“Hindi ko pa alam. Ayoko ko pa siyang planuhin. Ayokong magplano,” pag-amin niya.

“Mangyayari at mangyayari na lang. Kasi mahirap magplano tapos hindi naman pala mangyayari. Ano na lang, hintayin na lang.”

SURPASSING LEA. Sinasabi ng ibang mahirap nang pantayan o lagpasan pa si Lea Salonga sa nagawa nito para sa Miss Saigon at sa natamo nitong international recognition.

May mga sumunod pang nagbida pero hindi na ito kasinglakas ng impact na nagawa ni Lea.

Naisip niya ba yun?

Sagot ni Rachelle, “Ganun? Hindi ko iniisip na nandun na ako, kung ano ang mararating ko o kung matatapatan ko ba.

“Ano lang... kung para sa akin, mangyayari yun. Kung hindi naman, okey lang din.”

Willing kang iwan ang career mo sa Pinas?

“Kung yun ang destiny, bakit ko naman tatalikuran, di ba? Kung hindi, e, di hindi,” sagot niya.

Tanging ang manager lang ni Rachelle na si Veronique del Rosario ang nakausap niya, at hindi si Boss Vic del Rosario tungkol sa plano niyang ito.

Natutuwa naman siya dahil susuportahan daw ng talent management agency niya ang pagpasok niya sa Miss Saigon.

Pasubali naman ni Rachelle, “Actually, ayokong pag-usapan yung audition, yun ano... kasi parang nakakahiya lang…

“Huwag mo na lang kayang ilabas, iba na lang ang pag-usapan natin,” suhestiyon ni Rachelle sa interview namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May duda ka bang hindi ka makukuha?

“Posible naman. Dalawa lang naman ’yan—makuha ka o hindi.

“Sa ngayon wala talaga akong idea. Ayoko lang sabihin ng tao na bakit ako nagsasalita ngayon. Ipagdasal na lang natin. Ayokong magsabi ng…

“Yun nga, e... secret nga lang yung audition ko, ayaw ko siyang ma-hype.

“Nagulat ako may mga camera dun. ‘Bakit ganito? Bakit may camera.’

“So, parang wala akong choice. In-interview ako, sasagutin ko na lang.

“Thank God nga lang dahil nakapasa ako.

"Ako, masaya na ako dahil umabot ako dun. Sabi ko nga, ‘Lord, kayo na ang bahala.’”

Hindi kaya napapansin ni Rachelle na mas masuwerte siya sa mga audition at competition?

Dito palagi nagsisimula ang kanyang career. Taong 2004 noon manalo siya sa Search For A Star sa GMA-7.

Nakuha niya ang silver medal award sa Shanghai Song Festival at sa Astana Song Festival noong 2005.

At posibleng makuha raw niya ang Miss Saigon.

“Ahmm... thankful ako. Parang malaking blessing ito.

“Sabi ko nga, try ko lang wala namang mawawala. Hindi ko ini-expect na kahit paano makakahabol ako sa audition nun.

“Thankful talaga ako kay God, bless niya yun sa akin at ibinigay niya. So, bahala na.”

ACTING CAREER. Maganda naman ang takbo ng career ni Rachelle, nagti-taping siya ngayon para sa epic serye ng GMA-7, ang Indio, at posibleng gumawa raw siya uli ng musicale.

Nagbida na si Rachelle sa Little Mermaid musical na ginawa sa Meralco Theater, ilang taon na ang nakakaraan.

Paliwanag niya sa muling pagsabak sa bagong musicale production, “E, sobra kasi akong na-in love sa teatro.

“Ang sarap-sarap nang pakiramdam, gusto kong ulit-ulitin. Kailangan mo lang talagang mag-commit doon... yung time, everyday rehearsal.

“Pero kasi may Party Pilipinas ako, tapos every Sunday yung show sa musicale...

“Hirap talaga nung time ko sa Little Mermaid. Kaya nga pinaghahandaan ko yung susunod na yung time, ilalaan ko talaga para sa theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, may pinaplano kaming album, under Viva... so sana matuloy.

"Surprise na lang kung sino ang makakasama ko doon. Bale, pang-seventh album ko na ito.

“Yung latest album ko, hindi ko nga na-promote dahil meron akong Little Mermaid.

HANDS-ON FOR NEXT ALBUM. Hindi ba nagagalit ang Viva Records dahil nag-i-invest sila sa album tapos hindi naman ito napu-promote ng artist nila?

“Well, sila naman yung nag-aayos ng schedule ko, e.

“Kumbaga, sila na yung nag-aayos sa Little Mermaid ko. Saka yung days ng album na puwede kong mai-promote. Well, diskarte na yun ng Viva.

“Sumusunod lang naman ako sa kung ano yung... ‘O, eto, gawin mo ito, eto yung trabaho.’

“Sumusunod lang ako kung kailan ilu-launch, kung kakanta ba ako.

“Pero this time, yung susunod kong album, mas hands-on na ako.”

Nanghinayang ka ba at hindi mo nai-promote yung album mo?

“Well, nakapag-release ako ng dalawang singles… hindi ako nanghinayang kasi masaya ako sa album.

“Nakapaglagay ako ng single na ako mismo ang gumawa ng kanta, yung worship song. So, okey ako doon... happy ako.

“Tapos, nai-produce ko rin yung music video na gusto ko… masaya ako sa album.

“And this year, baka mag-direct ako ng music video ko... sayang kasi yung album.

“May ginawa kaming fast song dun. So, baka ako yung mag-direct ng music video.

“Sayang kasi, nandiyan pa naman yung album, bakit hindi pa gumawa ng video? Or baka isama yung single sa bagong gagawin kong album.”

Nakapag-produce na ng sarili niyang concert si Rachelle. Nakapag-compose na siya ng kanta.

Lumalabas na siya sa mga musicales at magdi-direk na siya nang sarili niyang music video.

Nakikita mo na ba kung anong career path ang tatahakin mo sa showbiz sa mga darating na taon?

“Siguro habang tumatanda marami akong gustong gawin. Gusto kong mag-grow. Ayokong ma-stuck sa pagiging singer lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya naman maging singer. Pero gusto ko lang mag-grow, i-explore sa life ko,”

Nakini-kinita niya bang magkaroon ng sarili niyang record label?

“Bakit hindi? Ipapaalam ko muna sa Viva.Tingnan natin...

"Kita mo naman sina Ms. Regs [Regine Velasquez] at Kuya Ogie [Alcasid], di ba?”

Kapansin-pansin lang na incidental lang ang pagpasok niya sa Indio at parang hindi naman niya ito kina-career.

“Nagtataka nga ako, nagugulat... bakit ako napasama sa mga teleserye.

"Pero thankful na rin kasi nabibigyan nila ako ng chance na maging part ng mga ganyan.

“Pero yung singing talaga ang top list ko. Bata pa ko, first love ko na ang pagkanta.”

Pagdating naman sa lovelife wala raw maikukuwento si Rachelle.

“Wala e, baka hindi ko pa talaga panahon. Hindi po, e.

"Alam ko namang darating din ’yan sa akin,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN