Sharon Cuneta denies putting out feelers to ABS-CBN: "There’s no truth to that."

Pinabulaanan ng Megastar na si Sharon Cuneta ang balitang nagpaparamdam siyang muli sa ABS-CBN, matapos masibak ng show niyang Sharon, Kasama Mo Kapatid sa TV5 noong isang buwan.


Nagsalita na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa balitang “nagpaparamdam” siya sa ABS-CBN pagkatapos matanggal sa ere ang show niya sa TV5 na Sharon, Kasama Mo Kapatid.

Matatandaang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam sa TV5 first vice president for Creative and Entertainment Production na si Perci Intalan tungkol sa isyung ito.

Pinabulaanan niya ang isyung diumano’y aalis na si Sharon sa Kapatid Network.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa ulat ng abs-cbnnews.com na lumabas kahapon, February 8, pinabulaanan din ni Sharon ang balitang ito.

Sabi niya, "Gusto ko lang linawin yun, kasi iba-iba yung nakakarating sa akin na balita.

“There’s no truth to that.

“So far, at least, there’s no truth to that."

Sa panayam kay Perci, sinabi nitong may kontrata pa si Sharon sa TV5 at maraming mga proyekto ang nakalinya para sa Megastar.

Hinihintay lang daw ng management ang pagbalik ni Sharon mula sa abroad para mapagmitingan kung anuman ang kanyang gustong unahing simulang proyekto.

Limang taon ang pinirmahang kontrata ni Sharon nang lumipat siya sa TV5, mula ABS-CBN, noong November 2011. Kaya sa 2016 pa matatapos ang kontrata niya.

Dagdag pa ni Sharon, “I keep in touch with sila Tita Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] like I always have, so there’s nothing wrong with that.

“I think, kasi pamilya ko pa rin naman kayo, di ba?"

Nagtapos ang show niyang Sharon, Kasama Mo Kapatid sa TV5 noong Enero.

Ayon sa bali-balita, isang drama anthology ang isa sa mga nakalinyang programa ng Megastar sa TV5, ngunit wala pa itong pulidong detalye.

Kuwento pa ni Sharon, "I have shows lined up with TV5, pero pinag-aaralan mabuti muna.

“So I’m resting muna. I’m enjoying the time with my kids muna.

“I’m parang taking a break from TV muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN