KC Concepcion on French suitor Pierre Emmanuel Plassart: “I’ve decided na rin na ayoko munang i-push through, kasi hindi pa ako ganoong ka-ready.”

KC never runs out of good things to say about Pierre. She asserts: “Pero ang sweet niya, ang bait niya, sobrang lambing, nasa kanya naman yung mga hinihingi ko, pero it’s just that ayoko muna maging serious talaga."


Boto man ang inang si Megastar Sharon Cuneta sa kasalukuyang manliligaw ng anak na si KC Concepcion, ayaw daw munang magpaka-seryoso ng actress-TV host dahil hindi pa daw siya ready.

Sa ulat ng abs-cbnnews.com, nagpahayag ang X Factor Philippines host na kahit taglay ni Pierre Emmanuel Plassart ang mga katangiang hinahanap niya sa isang posibleng maging boyfriend, ayaw daw muna niya itong i-push through.

Tugon ni KC, "I’ve decided na rin na na ayoko munang i-push through, kasi hindi pa ako ganoong ka-ready.

“Pero ang sweet niya, ang bait niya, sobrang lambing, nasa kanya naman yung mga hinihingi ko, pero it’s just that ayoko muna maging serious talaga."

Last Christmas, kasama daw ng pamilya ni KC ang french suitor. Pero, nasa ‘getting-to-know’ stage pa lang daw sila.

Dagdag pa ni KC, "I’m very open to getting to know people.

“Ayoko pa pong maging seryoso talaga, at very honest po ako sa kahit na sinong ma-date ko o makilala ko, that I don’t want to be so serious yet. Totoo po ’yon."

Dagdag pa niya, "Kung meant naman po, meant. Kahit ano naman pong pagpa-plano natin, at the end of it, pag maramdaman mo na...”

“Siguro hindi ko pa nararamdaman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN