FIRST LOOK: Ai-Ai delas Alas and Marian Rivera in Kung Fu Divas

Tila nagtatarayan sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera sa mga eksenang ito mula sa pelikula nilang Kung Fu Divas, ang unang pagsasama nila sa isang pelikula.


Isang malaking balita ang pagsasama nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera sa isang pelikula.

Ito ay dahil galing sila sa magkalabang network: si Ai-Ai ay mula sa ABS-CBN at si Marian naman ay sa GMA-7.

Ang titulo ng kanilang pelikula ay Kung Fu Divas, isang comedy film na idinidirek ni Onat Diaz.

Bukod sa pagpayag na magsama sila sa pelikula, co-producers din ng pelikula ang Comedy Concert Queen at Primetime Queen ng GMA-7.

Sa exclusive photos na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang eksena sa pelikula, makikita na sumali ang mga karakter nina Ai-Ai at Marian sa isang beauty contest.

Bagamat wala pang gaanong detalye na nakuha ang PEP tungkol sa istorya ng pelikula, napag-alaman naming ang roles nina Ai-Ai at Marian ay mahigpit na magkalaban sa lahat.

Ang Kung Fu Divas ang follow-up movie ni Ai-Ai pagkatapos ng blockbuster film niyang Sisterakas, na naging entry sa 2012 Metro Manila Film festival. Ang Sisterakas ngayon ay may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film of all-time.

Kay Marian naman, ang Kung Fu Divas ang isa sa dalawang pelikula na ginagawa niya ngayon. Ang isa pa ay ang My Lady Boss nila ni Richard Gutierrez.

Ang huling pelikula ni Marian ay noon pang 2011, Ang Panday 2.

Slated for showing ang Kung Fu Divas later this year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN