James Yap keeps mum about Kris Aquino’s “last check” tweet

Asked as to who his date will be on Valentine’s Day, James simply smiled and said, “Secret!”


Ayaw nang magsalita ni James Yap tungkol sa isyung ‘last check’ payment para sa settlement nila ng dating asawang si Kris Aquino.

Matatandaang naging mainit kahapon ang isyu tungkol dito nang mag-twit si Kris ng, “Siguro birthday blues talaga- last night while taking care of Bimb I had to sign another check in the millions, last payment sa financial.”

Makailang beses sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan si James ng kanyang statement through text kahapon pero hindi ito sumagot sa aming mga mensahe.

GARAGE SALE. Kanina, February 9, nagsagawa ng garage sale si James sa may New Manila, Quezon City at kabilang sa kanyang ibinenta ay mga damit at sapatos.

Sa isang panayam lately sa basketbolista, sinabi nitong hindi na raw kasi kasya sa kanyang bagong place ang mga pinaglumaang damit at sapatos kaya minabuti niyang i-garage sale na lang ito para makatulong sa mga nangangailangan.

Dinumog naman ng mga fans ang naturang garage sale at game na game naman si James na nagpa-picture sa mga bumili at nag-autograph sa mga nabentang gamit.

Sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5 ngayong gabi, ibinalitang mapupunta sa mapipiling charity nina James ang kikitain sa garage sale.

Kuwento pa niya, “Hindi pa kami nakapag-decide kung saang charity yung bibigyan namin, dahil hindi pa natin alam kung magkano yung maibibigay natin.”

Itataon daw ni James ang pagbigay ng tulong sa mapipiling charity sa kaarawan niya sa February 15, isang araw matapos ang Valentine’s Day—na siya ring kaarawan ng dating asawang si Kris.

Malungkot naman si James dahil hindi raw nito makakasama ang anak sa kanyang birthday dahil kasama raw ito ni Kris sa bakasyon.

“Secret!” lang ang naging tugon naman nito nang tanungin namin kung sino ang kanyang makakasama sa Araw ng mga Puso, pero nakangiti itong sumagot na tipong mayroon itong makaka-date sa Valentine’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating naman sa usapin ng ‘last check,’ hindi na ito sinagot ni James. Marahil ay ayaw na niyang lumaki pa ang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN