Wenn Deramas on John “Sweet” Lapus’s sentiments after “losing” new movie project to Vice Ganda: “Siguro hindi siya nagagalit kundi nasasayangan lang.”

Direk Wenn explained that conflicting schedules were the primary reason why the lead role for the movie Girl, Boy, Bakla, Tomboy was eventually offered to Vice Ganda


Iba’t-ibang kuwento ang lumabas nang makumpirma na si Vice Ganda na ang gagawa ng pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa ilalim ng direksyon ni Direk Wenn Deramas.

Ito raw kasi ang dapat na naging launching movie na binabanggit noon ni John “Sweet” Lapus sa mga interviews niya.

Sa mga nakaraang interviews nga ni Sweet ay nabanggit nito na nagpapayat siya dahil ito ang kundisyong hinihingi sa kanya ni Direk Wenn bukod pa sa marami siyang preparasyon na ginagawa para sa nasabing launching movie.

Dahil sa samu’t saring mga isyu ang naglabasan, agad na kinapanayam ng Cinema News at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn noong nakaraang Miyerkules, February 6, sa 12th Floor, ELJ Bldg ng ABS-CBN tungkol sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

CONFLICTING SCHEDULES. “Paano nga ba? Oo, kay Sweet nung unang pag-usapan ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy pero yung schedule, e…

“May mga natanggap si Sweet kasi… parang makukulong yata siya pag di niya nagawa yun.

“Sa akin naman, di rin ako puwedeng hindi ko simulan ng Enero. Kapag dinelay ko ito, maiipit yung iba kong trabaho.

“Kinausap ko si Sweet na wala akong ready na pampalit na material like yung kay Uge na pelikula nila ni Maricel, July pa talaga puwede si Uge.

“Yung isa naman filmfest, so kailangan na talaga ako mag-shoot.

“Fortunately, si Vice naman ay available at bagay na bagay din kay Vice yung material.

“Naghahanap din kami, kasi ang Praybeyt [Benjamin] 2 ay di pa ako ready kasi masyadong malaki yan. Gagawin namin yun by 2014 pa,” panimulang paliwanag ni Direk Wenn.

Kinumpirma din ng Box Office Director na ang pagpayat nga ang isa sa mga kundisyon na hiningi niya talaga kay Sweet, pero hindi nga ito nagawa ng komedyante.

Sa kabila na di na nga ito ang gagawa ng pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay nakalinya pa rin ang gagawin ni Sweet na magsisilbing launching movie nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka kailangan din talagang magpapayat ni Sweet, ang napag-usapan na lang namin, mayroon kaming ibang concept na ipe-present sa kanya para yun naman ang kanyang maging launching movie.

“Di niya napaghandaan, otherwise kung napaghandaan niya dapat natuloy. Ngayon na lang, nag-usap kasi kami as early as September so hindi nangyari yun.

NO HARD FEELINGS. Sa mga interviews ni Sweet ay paulit-ulit nitong nabanggit na wala siya kahit na kaunting sama ng loob kila Direk Wenn at Vice. Bagay na sinang-ayunan naman ng Box Office Director.

“Wala,” giit niya.

“Magkasama kami sa party ni Inay Cathy Perez, chikahan kami ng chikahan, magka-table kami.

“Naging malinaw, nilatag ko, e. Bago naman ang lahat.

“Siguro hindi, siya nagagalit kundi nasasayangan lang. Yun lang ang nararamdaman niya siguro.”

“Walang gulo, siguro magtatanong lang ang mga tao talaga kasi siguro narinig na nila.”

Hindi maiiwasang pagsabungin na namang muli ng ibang tao sila Sweet at Vice dahil sa nangyari.

Agad namang nagkuwento ang Box Office Director na di ito dapat palakihin ng ibang tao dahil mismong si Vice nga ang nagsabi sa kanya na dapat ay klaruhin ito agad sa kaibigan para di sila magkaroon ng problema.

“Yes, nung in-offer ko sa kanya, sabi ko, ‘klaruhin ko lang kay Sweet dahil baka kami ang mag-away ni Sweet.’

“Sabi niya [Vice], ‘Klaruhin mo ito kay Sweet kung ano ang nangyari, ganyan, ganyan,’ kaya inayos ko muna ng mahusay kay Sweet bago ko in-offer kay Vice.

“Nagpa-abiso naman ako kay Sweet na ibibigay ko kay Vice yung project,” detalyeng kuwento ni Direk Wenn.

THIS GUY’S IN LOVE… Sa isang interview rin sa komedyante ay nabanggit ni Sweet na siya rin pala ang dapat na gaganap sa pelikulang This Guy’s In Love With You Pare pero napunta din ito kay Vice sa bandang huli.

Pinaliwanag naman ni Direk Wenn kung paano ba ito naalok muna kay John bago ito napunta kay Vice sa huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming pinuntahan,” muling kuwento ni Direk Wenn.

“Ganito yan… nung ako ang direktor ng This Guy’s… unang inalok pa yan kay Vhong Navarro, Anne Curtis, wala pa yatang lalake nun.

“Then, binigay ko kay Andoy Ranay yung project, may posisyon ako sa Viva Films bilang ako yung creative producer, si Andoy Ranay ang direktor, ang artista di ko na matandaan.

“Napunta kay Ricky Rivero yung project, siya dapat ang direktor, ilo-launch ko siya.

“Yun ang sinasabi ni Sweet na yung This Guy’s… dapat siya, si Sweet, si DJ yata saka si Cristine Reyes, di rin natuloy.

“Nung tinanong ako after Praybeyt Benjamin, hiningan ako ng Star at ng Viva kung anong puwede muna na mabilis kong magagawa… yung hindi kasing-laki ng Praybeyt Benjamin, sabi ko baka gusto ninyo ng This Guy’s… for Vice?

“Kasi pasok naman, naisip ko si Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice… yun, natuloy… sa akin din pala ang ending.”

Muling klinaro ni Direk Wenn na walang sulutang nangyari na siyang sinasabi ng ibang tao.

“Kasi ang nagma-matter ngayon ay ang schedule, e.

“Kasi si Sweet mayroon siyang soap saka mayroon siyang Kathniel na movie.

“Ang sabi niya sa akin mahaharap niya ito ng March or April, I can’t wait that long na wala akong ginagawa… so, hayun.”

“Itong Feb. 12 na ang start namin, naka-sked ako hanggang May kasi nga mahirap ang movies kasi apat si Vice,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN