Nadine Samonte on Derek Ramsay’s possible plans for her on Valentine’s Day: “Wala naman siyang sinasabi… kung may surprise ba or what.”

Nadine asserts that she’s more than willing to accept more mature and challenging roles these days


Katatapos pa lang ni Nadine Samonte ng ilang eksena sa pelikulang Nuwebe ng Cinemalaya nang nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono.

Ilang araw na rin niyang ginagawa ang nasabing movie sa Marinduque kung saan gumaganap siya bilang isang batang ina.

Hindi naman kaya ma-typecast siya sa ganitong role?

“I don’t think so naman,” bungad niya.

“Sa TV naman, nakailang beses na rin naman akong gumanap sa ganito pero, okey din lang ang pagtanggap sa akin ng tao.

“Alam naman nila na this is only one role. Maraming roles din naman ang pwede kung gampanan.

“Pero, yung role ko dito, napaka-challenging talaga.

“Kahit medyo mabibigat ang scenes at feeling ko ubus na ubos na ang energy ko, go pa rin. Basta kaya pa, okey lang.”

RAPE SCENE. Pag-uusapan nga daw dito ang rape scene niya. Kasi first time niya sa pelikula na pumayag sa maselang eksena.

“Actually, tapos na siyang nakunan,” kuwento niya.

“Pero, parang ayaw pa ng film producer na pag-usapan ito. Siguro, too early pa para pag-usapan.

“Pero, yeah, medyo nahirapan ako… mahirap siya, pero, kinaya ko.

“Even before pa, nang mabasa ko yung script, e, alam ko nang may ganitong scene. So, in a way, accepted ko na kung anuman ang mangyari.

“Pero, well-taken care of naman yung scene. Hindi naman ako na parang feeling ng iba na baka mabastos ako.

“Inalagaan nila ang eksena.”

Tanggap naman ni Nadine na sa edad niyang 24-anyos, nararapat lang na tumanggap na siya ng mature roles. Tapos na yung Starstruck days na kailangang magpa-tweetums siya.

“Oo naman,” pag-amin niya.

“As an actress, I know naman na done na ako sa roles na ganon. Hayaan na natin yan sa mga teenagers na mga artista ngayon.

“This time kasi, siyempre, pipiliin ko na yung challenging roles… Yung magpapakita na meron pa akong ibang pwedeng ipakita sa public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya na nga na I’m doing itong movie na ito. Kakaiba kasi.”

DEREK’S REACTION. Inalam ng PEP kung ano ang reaksyon ni Derek Ramsay sa nasabing eksena. Mabuti’t pumayag ang Kidlat lead star na gawin niya ito.

“Bakit naman hindi?” bulalas niya.

“’Tsaka, ba’t kailangan ko naming i-ask ang permission niya? Hindi naman kami.

“Friends lang kami, so, no reason para hingan ko siya ng permiso.

“Pero, even before pa, bago pa kami pumunta dito sa Marinduque, e, napag-usapan na rin namin ito. Nai-kuwento ko na sa kanya.

“Encouraging naman yung mga sinabi niya.

“Artista naman kasi siya, so, dapat maintindihan niya kung anuman yung role na tinatanggap ko.”

VALENTINE’S DAY PLANS. Dahil sa nalalapit na ang Valentine’s Day, hindi namin maiwasang itanong kung paano siya magse-celebrate nito.

May plano kaya sa kanya si Derek?

“I don’t know sa kanya,” sabi ni Nadine.

“Wala naman siyang sinasabi… kung may surpise ba or what.

“’Tsaka, di ko alam kung paano ba ako magse-celebrate ngayon. Kasi, for the past years, kami lagi ni Emerson [dati niyang boyfriend] ang magkasama.

“So, di ko pa alam.

“Tsaka, heto… dating namin [sa Manila] from here [sa Marinduque] e, February 12 na. Tsaka, ang sasakyan namin ay Ro-ro.

“So, pagdating ko niyan sa house, pagod na pagod na ako, I need rest. Kahit siguro two days na rest for myself.

“Pero, ewan ko rin.

“Baka lumabas lang kami ng mga friends ko,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN