Senator Chiz Escudero plans to marry Heart Evangelista within the next five years

Sen. Chiz on allegations that he’s just using Heart to further his political ambitions: "Ayoko may masabi kahit sino na ginagamit ko siya, o ginagamit ako. To be fair sa kanya at sa ’kin, si Heart na siya bago ko siya makilala—sikat, artista, may mga awards.”


Inamin ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na si Heart Evangelista na ang gusto niyang pakasalan at makasama habang-buhay.

Sa ulat ng abs-cbnnews.com, ito ay ayon daw sa panayam ng Showbiz Inside Report (S.I.R.) na lumabas kahapon, February 9.

Ayon pa sa kuwento, sinabi ni Senator Chiz na ang kanilang relasyon ay nakikita niyang mapupunta na sa kasalan. Forty-three years old na si Chiz at 27-years old naman si Heart.

Kuwento ni Chiz, "Hopefully, yes, and it would be unfair, stupid and wrong to say that you don’t wish, you don’t want it to head in that direction."

WHEN’S THE WEDDING? Annulled na ang kasal ni Chiz sa dating asawa last year.

Kaya sa tanong kung may time frame na ba kung kailan niya balak magpakasal muli, natatawa niyang sagot, "In 10 years, 53 na ako. Huwag naman... in less than five years."

May dalawang anak si Chiz sa dating asawang si Christine Elizabeth Flores, kaya daw nakikita ng senador galing ng Sorsogon na importanteng may mother figure sa kanyang mga anak para maging ‘kumpleto’ ang kanyang pamilya.

NOT JADED. Kuwento ni Chiz, hindi naman daw siya napapagod sa usaping mag-aasawa ulit.

Aniya, "I’m not jaded. I do want to get married again at some point. Sino ba naman ang ayaw ng kumpletong pamilya, na yung mga anak ko, meron silang tinitingnang pangalawang nanay man lang?"

Patungkol naman kay Christine, "Pero hindi mo yun kaya palitan, at di ko babaguhin ’yon. Nanay nila, nanay nila."

Sa simula ng kanilang relasyon, marami na ang nagdududa lalo na muling tumatakbo si Chiz sa pagka-senador. Baka daw gamitin lang niya ang pagiging kilalang celebrity ni Heart sa kanyang kampanya.

Pero mariing itinangi ito ng senador.

Mahigpit niyang pagtanggi, "Ayoko may masabi kahit sino na ginagamit ko siya, o ginagamit ako. To be fair sa kanya at sa ’kin, si Heart na siya bago ko siya makilala—sikat, artista, may mga awards.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako rin naman, kung sino ako, bago ko siya makilala, so we will leave it at that," pagtatapos pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN